Makalipas ang ilang sandali ay dumating na din ang mga kapatid niya mula sa skwelahan.'' Ate Nikka! sigaw ng bunso niyang kapatid ito ang pinakamalapit sakanya dahil nung dumating siya sa buhay nila ay isa pa itong baby. Kaya naman sa tuwing aalis ang kanilang mga magulang upang magtrabaho ay siya ang naiiwan upang magalaga dito. Bakit bunso namis mo ba agad si ate? Opo sobra pero syempre pati si nanay miss na miss ko kayung dalawa. Sus hindi ka na baby Nikita kaya huwag kang masyadong pabebe kila ate at nanay, tugon ni Jack na panganay nila. Hindi naman talaga siya anak ng nanay Belen at tatay Ambo niya napulot lang siya sa gilid ng daan nuon na duguan daw ang ulo at katawan akala nga daw nila patay na siya nuon dahil parang hindi na siya humihinga.Pero pinagpilitan daw ng nanay Belen niya na dalhin siya sa hospital kahit walang wala sila nuon ang importante daw malaman nila kung anu ang kalagayan niya. Nang madala siya sa hospital ay napagalaman nilang buhay pa daw ako, pero na coma daw ako umabot daw ng anim na buwan ang kanyang nilagi sa hospital. Buti nalang daw mabait daw yung doctor na nanggamot sakin at ni kahit piso ay wala daw itong pinabayaran sa nanay at tatay niya. Nang magising naman siya mula sa anim na buwan na pagka-coma ay wala siya ni isang maalala kahit pangalan niya ay hindi niya alam kaya pinangalanan nalang siya ng mga ito ng Nikka. Sabi pa ng doctor niya pwede daw na maging permanent na ang kanyang amnesia fourty percent lang ang tiyansa na bumalik na ang kanyang memorya dahil sa malaking damage na nangyari sakanyang ulo. Ayon sa finedings ay nabagok daw sa matigas na bagay ang kanyang ulot na naging dahilan ng kanyang pagkawala ng kanyang memorya. Nang una masyado siyang naapektuhan dahil hindi niya alam kung saan siya magsisimula dahil wala na siyang maalala. Pero ginabayan siya ng nanay at tatay niya hindi siya pinabayaan ng mga ito kaya hanggang sa mapagdesisyunan na niyang tanggapin ang lahat at bumuo nalang ng bagong kwento ng kanyang buhay kasama ang mga taong tumulong sakanya at hindi sumuko para tulungan siya. Halos pitong taon na din mula nung mapunta siya sa nanay at tatay niya naging masaya naman ang pitong taon niya dahil sa pagmamahal ng kanyang mga kapatid at magulang. Oo nahihirapan siya sa mga gawaing bukid dahil alam niya sa sarili niya ay hindi ito ang nakasanayan ng kanyang katawan pero nasanay na din siya pauntio unti.Napabalik siya sa kasalukuyan ng magsalita ang kanilang nanay sinusuway lang naman nito si Jack dahil paborito kasi nitong asarin ang bunso nila.''Halika nga ditong bata ka lagi mo nalang pinaiiyak ang baby namin papaluin ko ang pwet mo.'' Sabay habol nito sakanyang binatang kapatid tawa naman sila ng tawa sa nakikitang kaganapan ganito sila ka close lahat minsan napagkakamalhan din nila na mag jowa sila ng kanyang kapatid dahil masyado silang malapit at kung titignan sa panlabas na anyo ay halos hindi sila magkalayo ng edad.