Chapter 3

536 Words
Nikka /''Nay asan po kayo? sigaw niya sa ina kararating lang niya galing sa bukid nakipag arawan siya upang matulungan ang kanyang mga magulang sa pang araw-araw nilang gastusin.'' Nabibilang kasi sila sa pamilyang sasabihing isang kahid isang tuka.Ang kanyang ama ay nakikisaka lang sa isang may kayang pamilya sa kanilang lugar may malawak itong lupain na kung saan may tauhan ito na nagaaruga sa mga pananim at isa na duon ang kanyang ama.Samantalang ang kanyang ina naman ay isang labandera lang kaya naman sadyang napakakulang talaga sila sa financial.Meron pa siyang limang kapatid ang isa ay papasok na sa kolehiyo sa susunod na pasukan, samantalang ang dalawang sunod ay nasa high school naman, at elementarya pa ang sumunod na dalawa.Naaawa siya sa mga magulang dahil nakikita niya ang paghihirap ng mga ito kaya kahit hirap siya ay ginagawa parin niya ang lahat upang makatulong sa mga ito.Madami din ang nagsasabi sakanya bakit daw natitiis niyang magtrabaho sa bukid samantalang ang itsura niya ay parang isang anak mayaman tinatawanan nalang niya ang mga ito.Meron pang nag aaya sakanya sa syudad upang duon na daw magtrabaho dahil mas malaki ang kita duon pero natatakot siya at iniisip palang niyang iwan ang kanyang pamilya ay naiiyak na siya.''Oh anak, nandito ka na pala? halika may niluto akong meryenda saktong sakto ang pagdating mu umupo ka na diyan sa mesa at ipaghahanda kita.''Salamat po nay,tinanggal muna niya ang sumbrero niyang malaki at nilapag ito sa gilid ng mesa at hinila na niya ang bangko upang makaupo na siya. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang kanyang ina mula sa maliit nilang kusina dala dala na nito ang ginataang mungo na niluto nito para sakanilang magkakapatid.''Oh ayan kumain ka na nak, alam ko pagod na pagod ka na naman sabi ko naman kasi sayong kahit dito ka nalang sa bahay eh pero matigas ang ulo mo.''Nay ok lang po ako, sabay subo niya sa ginataang munggo.Naluluha na naman ang kanyang ina ,Nay naman eh magiiyakan na naman ba tayo dito? Pasensya ka na anak masyadong emosyonal ang iyong nanay. Kung hindi ka siguro namin inuwi nuon baka mas maganda ang buhay mu ngayun?Huminto siya sa pagkain at tumayo upang yakapin ang kanyang ina. ''Nay naman eh ilang ulit ko po bang sasabihin na hindi ako nagsisisi na pinulot niyo ako at inuwi kasi napaka swerte ko po sa inyo, marahil kung hindi niyo ako tinulungan nuon baka matagal na akong patay? Kayo po ang nagbigay ng pangalawang pagkakataon upang ako ay mabuhay.''Pero nak, panu kung may naghahanap sayo kaso hindi ka nila mahanap dahil nasa malayo ka? Kawawa naman sila inakala na siguro nila na patay ka na kahit nandito ka pala sa isang liblib na lugar kasama kame,''Hmmm ang nanay naman eh huwag po kayung mag alala, kahit mahanap nila ako hinding hindi ko kayo iiwan promise ko po yan sainyo dahil kayo na po ang naging pamilya ko sa loob ng pitong taon.Salamt nak parang hindi ko na din kakayanin na mawalay ka pa samin ng tatay mu at mga kapatid mu.Hinalikan niya sa pisngi ang ina,tama na nga ang drama kain nalang po tayo masarap po niluto mo nay tyak magugustuhan na naman ng mga kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD