Hindi na ako naging active sa social. Bubuksan ko lang ang isa kong phone kapag tatawagan ko para kamustahin sina nanay at tatay. Si Daria naman ay wala akong problema dahil nakakatiyak akong hindi siya pababayaan ni Matias bilang mag-asawa na silang dalawa kahit pa nagpakasal lang sila dahil sa lupain ng hacienda Pacita na pinalitan ng hacienda Las Palmas. Kay Sir Rhuel? Wala na talaga akong balita na kahit ano. At saka, ayoko na rin na may malaman pa kahit konti dahil alam kong masasaktan lang ako. Noong nalaman kong may iba ng kinakasama si Kiko ay medyo nainis ako dahil kahit paano ay may pinagsamahan kaming dalawa. Pero ang kay Sir Rhuel? Sigurado akong masasaktan ako na malaman na sila na talaga ni Gelene ang nagsasama ngayon at si Gelene na ang kinikilalang Mommy ni Ron. Per

