“Kunin niyo lahat ng mga sirang gamit at ibenta niyo na sa junk shop. Sa inyo na lahat ng pinagbentahan,” utos ko sa mga batang lalaki na edada sampu hanggang labing-dalawa na lagi kong nakikita na namumulot ng mga kalakal para may pambili sila ng pagkain o kaya ay para may baon sa eskwelahan. Pinaglalabas ko lahat ng mga sirang gamit sa loob ng bahay na ako mismo ang nanira. Kanina ay halos ayaw pang umalis ng pamilya ni Kiko sa pamamahay na ito na pamamahay ko na rin matagal ng panahon. Masyado lang akong naging mabait at naging bulag sa pagmamahal kaya hindi ko ininda kahit masyado silang mga abusadong tao. Ang kakapal talaga ng mga mukha. Mga walang hiya. Akala yata nila ay nagbalik ako para kawawain ang sarili ko at magmakaawa na magbalikan kami ni Kiko. Kanila na ang anak at k

