“Dea, bakit hindi mo sinabi sa akin na nagpunta na naman pala si Vera?” tanong ni Sir Rhuel. Hindi ko na talaga sinabi sa kanya dahil hindi naman nanggulo si Vera. Hindi naman siya nag eskandalo kaya para hindi na lang ako nag-abala na sabihin pa sa kanya. “Pasensya ka na, sir. Hindi ko na lang sinabi dahil umalis na rin naman siya agad. Hindi naman siya nanggulo bagamat kung anu-anong sinabi sa akin,” saad ko. “Anong sinabi ni Vera?” untag niya. Naalala ko ang mga sinabi ni Vera. Ang mga pangalan na binanggit niya sa akin na hindi ko naman mga kilala. “May mga binanggit siyang pangalan gaya ng Omar, Rana at Gelene.” Ewan pero medyo nahirapan akong bigkasin ang huling pangalan na nabanggit ko. Para bang humarang sa lalamunan ko para bigkain ang pangalan. “Anong mga sinabi ng babaen

