Episode 42

2063 Words

Habang lumilipas ang mga araw, linggo at mga buwan ay nasasanay na ako sa naging setup namin ni sir Rhuel. Iyong tungkol sa “pagpapaligaya namin sa isa't-isa.” Okay naman at mabuti na lang talaga at hindi siya natutukso na galawim talaga ako. Pero aaminim ko sa sarili kong sumasagi rin sa isip ko na mas higit pa roon ang gawin namin. Ngunit nitong mga araw ay napapadalas na wala sa bahay o sa farm ang amo ko. May mga inaasikaso raw siya at sa palagay niya raw ay makukuha niya na ang gusto niya. Natuwa ako pero siyempre may kalakip na lungkot. Ang ibig sabihin lang kasi ay matatapos na ang pagsasama namin bilang mag-asawa at bilang nanay ni Ron. “Ate Dea, parang wala ka na naman sa sarili mo?” ani Anne. Nagpapahinga kaming dalawa sa isang kubo sa ilalim ng malaking puno ng mangga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD