Halos hindi talaga ako makahinga habang alam kong nasa paligid lamang ang tatay ng anak ko. Hindi niya pwedeng hindi mapapansin na may bisita sina nanay at tatay dahil narito lang naman kami sa terrace ni nanay na panay pa ang kausap sa anak ko na tila naman nagpapapansin sa tatay niya dahil sobra kung makahagikgik. Para bang gusto niyang pansinin siya ng tatay niya sa kanyang ginagawa o masyado lang akong paranoid na nag-iisip na ng kung anu-ano. “Nak, pwede bang ikaw na lang ang magtimpla ng kape para sa tatay mo at sa kanyang kausap? Ayoko munang bitawan itong maganda kong apo at baka panaginip lang ito. Baka malingat lang ako ay wala naman pala kayo sa tabi ko,” ani ni nanay na naiintindihan ko lalo pa at pinupog niya pa ng halik ang kanyang unang apo. Alanganin man sa aking pagkil

