“Nak, may bisita ang baby Riel mo sa labas,” ani ni nanay sa akin ng kumatok at pumasok siya sa loob ng bahay. Nagtataka naman ako kung sino ang pwede kong maging bisita gayong kahit ang bestfriend kong si Theresa ay wala na akong balita. Kinarga ko si Riel at saka kami nagtungo sa harap ng bahay ngunit natigilan ako ng makita kung sino ang bisita na sinasabi ni nanay. Nakatingin agad siya sa akin ngunit ngumiti ng makita na si Riel. “Good morning baby, Riel.” Masigla niyang pagbati sa batang karga ko. Anong ginagawa ni Sir Rhuel at bakt kailangan niyang bisitahin si Riel? Alam niya ba na anak niya ang anak ko? “Ang daming pasalubong sayo ni Senyorito Rhuel, apo,” ani naman ni nanay at nakita ko nga ang kung anong mga paper bags ang nakalapag sa sahig ng aming terrave at may mga tat

