Mabuti na lang at talagang nadaan ko sa pakiusap si Sir Rhuel na huwag ng masyadong lumalapit lalo na kay Riel. Alam ko naman na may mali ako pero gusto lang naman na protektahan si Riel. Iyong protekta na ilayo na siya sa mga bagay na makakapagpagulo pa sa isipan niya. At saka, okay na rin naman talaga kami ng anak ko. Mabubuhay ko naman si Riel kahit ako lang mag-isa. Kung sakaling dumating ang araw na talagang kailangan ko ng sabihin kung sino ang tatay niya ay saka ko ay sasabihin ko naman. Sa ngayon ay ititikom ko muna siguro ang bibig ko sa katotohanan na tanging ako lang ang siyang tanging nakakaalam. “Ate, mabuti naman at nahimasmasan ka na at tuluyan mo ng iniwan ang Kiko na yon?” tanong ni Daria ng makausap ko na sa pamamagitan ng videocall. Kahit si Daria ay iniisip na s

