“Boss, baka gusto n’yong silipin ‘yung PA n’yo, baka sinasaniban na talaga.” Seryosong wika ng AD habang lumilingon sa van na gumagalaw pa rin na parang may nagka-calisthenics sa loob. “Hayaan mo lang, normal ‘yan tuwing may sumasanib talaga,” sagot ni Red, walang paki-alam na nag-aayos ng outfit sa harapan ng salamin sa loob ng tent niya. “Joke ba yun, Boss?” alanganin pang tanong ng AD. "Pag biglang may nakita kang lumipad palabas ng van ko ibig sabihin di yun joke." pigil ang tawa na usal ni Red. “Parang mas kinakabahan ako kung biglang aalis ang van n'yo at iiwan na kayo.” biro ng stylist na abot-tenga ang ngiti. "Mahal ng bansot na yun ang trabaho niya kaya takot siya kapag ako ang nagalit." “Pero sir, aminin niyo, cute si Ms. Luna." “Cute? Mas delikado,” sagot ni Red. “’Yan

