"Hoy! Anong pinagsasasabi mo d’yan? Nalipasan ka nanaman ba ng gutom? At kinakabag nanaman ang utak mong babae ka.” sigaw ni Skyler sa anak na nasa kabilang linay na umaatungal ng iyak. "Tatay naman e!" “Anong ginawa mo na namang kabalbalan, Luna?! Nasa prinsinto ka ba? Oh sa mental na kita tutubusin." “Hindi po! Anak n'yo ba talaga ako? Bakit kayo ganyan sa akin?" atungal pa ni Luna na nakapikit habang naka tukod ang noo sa bintanang salamin habang dinig niya ang wala ng sound na tawa ni Red. "Ano naman kasing problema mo?" "Kasi po may lalaki po rito na muntik na akong halikan tapos—” “ANONG?!” boses ng tatay niya, halos sumabog sa speaker. “—tapos kasi feeling ko po gusto na niya akong—” Hindi na natapos ni Luna ang sasabihin kasi biglang kinuha ni Red ang cellphone at pinata

