Napangibit si Luna ng unang pumasok sa isip niya paggising ay simple lang, bakit parang lumiit ang kama? Niya yung tipong kahit umikot siya, parang may humaharang. Mainit. Mabigat. At—may humihinga. Huminga sa mukha niya na hindi niya mawari. Napakunot ang noo niya. Dahan-dahan siyang gumalaw, pilit hinahanap kung saan siya napunta. Hindi ito ang kama niya—masyadong malaki ang unan, masyadong matigas ang kutson, at may amoy… lalaki. Amoy sabon na mahal, pawis, at problema. Dahan-dahan siyang dumilat at doon niya nakita ang mukha ni Red. Malapít. Sobrang lapít as in sobrang lapit, yung tipong kung umusog pa siya ng kalahating pulgada, ilong sa ilong na sila. Nakapikit si Red, mahimbing ang tulog, nakakunot nang kaunti ang noo na parang kahit sa panaginip may iniisip pa ring ikinaiinis n

