Sumasabog sa buong arena ang lakas ng sigawan ng mga fans ni Red habang bigay sa pagkanta at pag sayaw kasama ng mga back-up dancer niya. Literal, nag kakagulo ang fans lalo na kapag itinataas niya ang t-shirt niya kunwari at mag papakita ng konting abs. Halos himatayin na ang lahat ng fans sa kakatili. Sigawan, ilaw na sumasayaw sa buong paligid, banners, chants na parang may summoning ritual para sa pogi sa gitna ng stage. Nasa kalagitnaan ng second set si Red—pawis na, energized, naka-smirk habang kinakanta ang crowd-favorite. Na parang hindi na uubos ang powers ni Red para lang maibigay ang best niya para sa mga fans niya, nag hit na sa music billboard ang originals song niya at pag uwi niya ng Pilipinas uulanin nanaman siya ng award. Sa kabila ng sankaterba niyang scandal, hindi pa

