Parang mag nanakaw si Luna na malikot ang mata sa loob ng cubicle niya. Kulang na lang isubsob niya ang mukha niya sa harap ng computer niya. Kinakabahan siya baka biglang sumulpot si Red doon, hindi kasi siya pumasok dito sa MetroBeat siya dumeretso pero nag message naman siya kay Kuya Vic na nag dahilan na lang siya na may kailangan siyang tapusin na article na need ipasa ngayon araw. "Huy! Okay ka lang?" kalabit ni Daphne na ipatong ang isang folder sa table niya. Agad naman siyang ngumiti na umiling. "Oo naman, medyo nag-iisip lang ako. Parang nag kakaroon ako ngayon ng writer's block." "Naku umayos ka! Baka may magawa ka nanamang mali huh, I heard bumabagsak ang rating ni Red ngayon dahil sa mga black propaganda simula ng mag palabas tayo ng article ni Red na mali. Madaming mga pr

