Habang naglalakad si Luna sa hallway, pilit niyang pinapakalma ang sarili. Yakap ang mga document na inuutos sa kanya ni Kuya Vic para siyang na po-possess na nakikipag-usap na sa sarili niya. "Hindi totoo ‘yun. Hindi ‘yun totoo. Accidental lang ‘yun. Accidental. French kiss lang naman. Hindi intentional—uhm, hindi nga ba? Pero kahit anong ulit niya sa isip, parang may replay button sa utak niya na paulit-ulit na pinapakita ang nangyari — ‘yung kamay ni Red sa batok niya, ‘yung init ng hininga nito, ‘yung— “No! Hindi nga! Bawal! Hindi pwede! Erase! Erase!" malakas niyang usal na napahinto siya sa gitna ng hallway at napasigaw, dahilan para mapalingon ang dalawang cameraman na dumaan. “Ah, sorry! Nakausap ko lang sarili ko! Nag memeeting kami. Alam niyo na, mental health issue!” alangan

