Napalingon si Luna kay Red ng mapansin ang pananahimik ng amo, usually kasi kapag sakay sila ng Van hawak na nito ang tablet nito at may headset na sa tenga at gumagawa na ito ng kanta. Pauwi na sila galing sa isang taping nito sa ngayon hindi na daw muna ito nakuha ng mga pelikula or mga big project movie minsan mga guesting sa sitcom lang or cameo lang sa mga movie. Sa loob ng halos isang linggo palang pakiramdam niya siya ang mas napapagod sa trabahong meron ang taong ito. Mas madalas tulog lang siya sa artista van nito na halos dun na yata ito nakatira kesa umuwi ito sa pent nito. Kaya pala ang Van nito ay halos parang bahay na sa laki may kuwarto, may banyo at may kusina na din dahil sobra pala talaga ang sched nito.
“Bansot, may presscon ako sa hotel bukas ng umaga. Prepare everything, ha?”
“Yes, Boss!”
“Good.”
“Sir, may gusto po ba kayong breakfast bukas?”
“Coffee lang.”
“Black?” tanong pa ni Luna.
“White.”
“White coffee po?” takang tanong ni Luna na ikinasimangot naman ni Red na lumingon.
“Milk.”
“Ahhhhh, so gatas po? Bakit sabi n'yo coffee? Nalito tuloy ako.” reklamo pa ni Luna.
“Bansot, gusto mo bang ipaliwanag ko sayo lahat ng uri ng inumin sa mundo?” Ngumiti lang si Luna.
“Pwede naman po kung bored kayo? Para ma-memorize ko.” Pinilig ni Red ang ulo di makapaniwala na talagang inakala nitong seryoso siya sa sinabi niya.
“Hindi ko alam kung cute ka o suicidal.”
"Cute ako! Boss... wag na kayong malito." ani Luna habang nag che-check ng mga schedule ni Red buong week na ito.
“Boss,” tanong ni Luna bigla ng may maalala.
“ano po bang favorite color niyo?”
“Bakit?” tamad na tanong ni Red.
“Para po alam ko sa susunod na i-organize ko yung wardrobe niyo.”
“Black.”
“Favorite food?”
“Steak.”
“Favorite movie?”
“Wala.”
“Favorite… girl?” Napalingon si Red na salubong ang kilay sa tanong.
“Luna.”
“Po?”
“Tumigil ka na bago ka maging isa sa mga hindi ko favorite.” Ngumiti lang si Luna na medyo na lito sa sagot nito, ibig ba sabihin kasama siya sa favorite nito.
“Okay po, Boss. Pero sa totoo lang ang gusto ko lang malaman e kung may girlfriend ka po?"
"Mukha ba akong magkakagirlfriend, ikaw ang mag hawak ng schedule plan ko, sabihin mo sa akin saan ko isisingit ang bebe time dyan?" supladong tanong ni Red na itinuro ang hawak niyang tablet.
"Meron pa po kayong bakanteng time dito oh!" turo ni Luna na iniharap ang tablet, na ang tinutukoy ni Luna ay ang oras ng tulog na lang niya sa madaling araw.
"Anong akala mo sa akin Lamok." natawa naman si Luna.
"Ay sobra naman kayo sa lamok, bampira na lang boss." napailing naman si Luke.
"Itutulog ko nalang kesa maghanap pa ako ng babaeng dadapuan ko lang."
"Edi nag lulu kayo boss?" nag salubong ang kilay ni Red na kumunot ang noo.
"Anong lulu?"
"Sus! Di n'yo alam yung lulu. Google n'yo na lang pag may free time kayo boss."
Pagbaba nila sa basement parking ng condo building ni Red, bumuntong-hininga siya nang malalim sabay nag-unat ng likod.
“Good job today, Luna,” sabi niya sa sarili.
“Walang nasabog, walang sunog, walang lawsuit. Success!” wika pa niya habang nakataas ang mga kamay sa ere at malawak ang ngiti. Napalingon naman si Luna ng bumukas ang pinto ng van bumaba si Red at sumandal sa gilid ng van, tahimik lang siyang nakatingin sa binata.
“Tingin mo ba success ‘yung araw mo?” tanong nito, kalmado pero nakangisi.
“Uh… oo naman po! Wala naman pong namatay—” alanganin pang sagot ni Luna.
“Not yet.”
“Ha?” Walang sagot si Red, pero may halong ngiti sa mga mata nito na parang na iinis din at the same time.
“Akala ko I’ll make you pay in the most entertaining way possible. Pero sa totoo lang…” Tumigil siya, bahagyang natawa na humakbang saka huminto isang dangkal ang layo sa dalaga na napatingala ng di oras sa binata. Parang mag kaka stiff neck siya kung palaging ganito kalapit si Red. Namapak siguro ito ng star margarine ng bata pa ito kaya biglang tangkad.
"Ako pala ang naparusahan.”
“Po?”
“Wala.” Kinuha niya ang shades niya sa dibdib at isinuot kahit papasok na ito sa loob ng condo at gabing-gabi na.
“Tomorrow, 6AM. Don’t be late.” Pagkasakay ulit nito sa elevator napasandal lang ito habang si Luna hindi niya alam kung nakatingin ba ito sa kanya o hindi dahil sa suot nitong shades kaya napabuga nalang siya ng hangin na hinintay na mag sarado ang elevator.
“6AM?!” bulalas pa niya sa sarili niya habang papalapit sa kotse niyang wigo na kulay pink.
“Hindi pa nga ako nanaginip ng mga oras na yun. Hanggang kelan ba ako magiging PA.” Pero kahit pagod, napangiti siya. Sa loob-loob niya, parang kakaiba ang araw na ‘yon—nakakahiya, nakakabaliw, pero may spark. At sa loob ng van kanina ng tanungin niya ito about sa favourite girl nito, bigla tinawag siya nito sa pangalan niyang Luna, di niya alam tuloy kung sagot ba iyon sa tanog o warning lang. Hindi niya maiwasang ngumiti sabay kagat labi.
"Hala bakit naman ako kinikilig?" tanong pa niya sa sarili habang binubuhay ang makina ng kotse.
"Well, wala din naman masama kung kiligin ako. Ang guwapo kaya ni Red." aniya habang inilalabas na sa basement ang kotse niya.
"Ano kaya kung may crush din sa akin si Red! OMG!" tili pa ni Luna na biglang napakanta ng kanya ni Tiffany.
It's the lover, not the love
Who broke your heart last night
It's the lover, not the dream
That didn't work out right
If you listen to your heart
Ooh, you'll know it's true
It's the lover, not the love
Who deserted you
“Luna Mondragon…” bulong niya, nakatingin sa bintana,
“Red Ortega, welcome to your own karma.” ngiti ni Luna na parang tangang nag-iimagine na tuloy ang kanta habang nag mamaneho.