“Bansot, i-type mo ‘tong bagong lyrics draft,” sabi ni Red habang naka-upo sa couch, hawak ang gitara na inihagis ang isinulat na kanta.
“Opo, Boss.” sagot ni Luna na mabilis na kinuha ang inihagis ni Red. Day 2 na niya ngayon after ng malakas na sigaw ni Red kahapon pakiramdam niya nagkaphobia siya. Hanggang sa panaginip niya naririnig niya ang sigaw ni Red. Porket singer ito ang daming hangin sa lungs. Yung lakas ng sigaw ni Red abot ata sa EDSA. Ayon sa staff ni Red mabait daw naman si Red pero kapag pagod daw ito at may scandal na lumabas tungkol dito mabilis na uminit ang ulo kaya ingat na ingat ang lahat ngayon dahil sa article na inilabas ng metroBeat not knowing na siya yung nag approved ng article by accident. Kaya binalaan siya ng mga ito na piliin daw niya ang oras na bibiruin si Red dahil hindi daw lahat ng oras pwede itong biruin. Kaya itinatak nalang niya sa utak niya ang bilin ng mga staff para maiwasan na sumigaw daw ulit ng ganun si Red.
Habang tinatype ni Luna sa laptop ang lyrics, dinig ni Red ang mumbling ng dalaga na ikinalingon ng binata dito dahil kinakanta ni Luna ang kantang isinulat niya. Maganda ang boses ni Luna alam naman niya iyon mula pa noon bata sila, madalas kapag meron mga christmas party kadalasan ito at si Ivory ang pinakakanta ng mga matatanda.
"I wanna love you… baby girl… wait, ang cringy…
“Hoy, Bansot.” tawag niya rito para patigilin ito sa pagkanta.
“Po?”
“Hindi mo kailangang kumanta. Type mo lang, iyon lang ang utos ko.”
“Opo, Boss. Pero sayang kasi, baka mas bet ng melody kung—”
“Luna.” inis na wika ni Red na sinamaan ng tingin ang dalaga. Natahimik si Luna sandali saka tumango.
“…opo.” sagot ng dalaga na labas sa ilong.
Nang matapos itype ni Luna ang lyrics, ipinasa niya kay Red ang laptop para ipakita muna rito ang trabaho kaya ng bilin nito.
"Ano to? I wanna love you… but I also wanna punch you, Red Ortega. Seryoso isinulat mo to?" nanlaki naman ang mata ni Luna na nag mamadaling yumuko at nag mamadaling binura ang huling linya. Bakit niya na isulat yun nasa isip lang yun kanina. Papikit naman si Red habang nasa mukha na niya ang messy bun ni Luna.
“Uh… typo po ‘yan.” wika pa ni Luna na nag mamadali sa pagduldol ng backspace ng keyboard.
“T-Y-P-O?” Red leaned closer, bahagyang nakangiti na nakatingin sa likod ni Luna.
“Sigurado ka ba typo, hindi Freudian slip?”
“Promise po! Typo lang! Mali lang po ng kape ‘yung kamay ko!” tumaas ang sulok ng labi ni Red.
“Ah, so kasalanan ng kape?"
“Opo, Boss Red!” ani Luna sabay lingon kay Red ng mabura na niya.
"Bakit ng mga bata pa tayo hindi ka naman ganyan ka ganda. Nagparetoke ka ba?" gustong umawang ng bibig ni Luna sa tanong ni Red nag timpi lang siya.
"Ilang bote ng Combantrin ang nilalaklak mo noon bata tayo bakit gumanda ang katawan mo, nag paretoke ka?" tanong ni Luna na nakangiti pero deep inside gusto na niyang tusukin ng karayom ang mukha nito.
"Nakikipag biruan ba ako sa'yo?" seryosong wika ni Red na medyo ikinagulat ni Luna.
"Hala! Seryoso ka ba, naku pasensya ka na boss Red. Bakit kasi sobrang prefect ng abs n'yo tapos yung adonis belt n'yo ay pak na pak!"
"Adonis belt?" kumunot ang noo ni Red.
"Ay di n'yo alam kung anong adonis belt, iyon yun v-line sa puson n'yong mga lalaki bago dumating sa alam mo na." ngisi pa ni Luna na parang nag papa cute na isiningit sa magkabilang tenga ang buhok na kumakalat.
"Ibang klase ka talaga! Hindi ko alam kung binobola mo ako o minamanyak." iling naman ni Red na tumayo na lang at ibinaba ang laptop sa sofa.
"Sus kunwari pa kayo ayaw maniwala—." ani Luna sabay tulak kay Red pabalik sa upuan na bumagsak muli paupo pero parehas na nanlaki ang mata nila sa tunog na nilikha ng pag bagsak ni Red sa sofa. Nang tingin ni Red ang inupuan naroon ang laptop niya na buka ng husto at nag black ang LCD dahil sa car key na nasa bulsa ni Red. Nag mamadaling nahugot ni Red ang laptop na naupuan at sinubukan pang buhayin pero nag fli-flickering na ang screen nun.
"Hala! Sorry ko Bo—."
"Umalis ka sa harapan ko Luna, bago ko ihataw sa bungo mo tong guitara ko."
"Boss naman di ko na—."
"Alis Luna Mondragon!" malakas nanaman sigaw ni Red. Lumabi naman si Luna na tumalikod pero habang lumalakad palayo unti-unting ngumiti si Luna.
"Tung mukhang to retokada... inborn to gago! buti nga sa'yo." bulong ni Luna sa isip niya.
-
-
-
-
-
Bandang tanghali isang photoshoot naman ang pinuntahan nila, isinama siya ni Red sa underwear endorsement shoot. Big project daw, at kailangan niya roon bilang PA. Kadugtong lang daw ito ng photoshoot ng nakaraan na hindi na tapos dahil sa mga schedule niya isinisingit lang talaga dahil ayaw ng ibang model ng company kaya ang mga ito na lang ang nag aadjust sa schedule ni Red. At dahil sa kagagahan niya heto siya parang buntot ng aso na kung saan punta kailangan lagi siyang nakasunod. This time ang trabaho lang naman daw niya ay “hawakan ang towel at tubig.” Simple, right? pero dahil kanina pag dating nila sinugod si Red ng mga fans nito pag baba palang nila ng artista van nito na talaga naman ikinagulat niya.
Syempre to the rescue naman ang 4 nitong bodyguard na lagi din naka buntot sa kanila. Pinorotektahan ng mga ito si Red habang siya naipit sa mga fan na nagkakagulo hanggang sa nadapa na siya at natapakan pa ang kanan kamay niya habang si Red kita niyang panay ang lingon nito at alam niyang hinahanap siya nito pero hindi siya nito makikita dahil naka lugmok siya sa sahig habang nag kakagulo ang maraming fans nito. Kaya sa madaling salita hindi simple ang trabaho niya, very wrong.
Pagkatapos ng unang shot, senenyasan siya ni Red na lumapit para abutan ng tubig. Pero dahil sa maraming wire na nag kalat sa sahig, tapos nabangga pa siya ng isang make-up artist ni Red kaya worse happened nadapa siya—right into Red. At dahil naka-boxers lang ito for the shoot… ang kamay ni Luna ang tendency maghanap ng kakapitan at aksidente sa boxer ni Red siya na pahawak at nahubad iyon sa binahimik ang buong set.
Ang photographer, hawak ang camera pero di magawang makapindot. Si Kuya Vic, na nadarating napapikit na sapo ang noo. At ilang sigundo pa dumagumdom na sa buong set ang malakas na sigaw ni Red habang dakot ng dalawang kamay ang hinaharap nito na sinabayan din ng sigaw ni Luna tapos nag panggap na nawalan ng malay.
"Dahil n'yo sa morgue ang babaeng yan, idonate sa children hospital ang mga organ na—" bago pa matapos ni Red ang sasabihin mabilis na nakabangon si Luna at mabilis na tumakbo.
-
-
*********
"Wala ka na ba talagang gagawin tama?" galit ng tanong ni Kuya Vic habang sakay na sila ng artista van ni Red nasa may likuran sila at senesermunan siya nito ng husto.
"Di kaya masira na ang buong career ni Red dahil sa'yo."
"Kuya Vic, pasensya na po talaga. Pero hindi ko naman po talaga forte ang mag PA hindi ko po alam kung paano mag handle ng tama ng talent. Clumsy po talaga ako aminado ako, baka po tama kayo... baka ako ang makasira sa career ni Boss Red.
"Red, hindi ko na siya pababalikin bukas. Dahil believe me, babagsak ang career mo dahil sa babaeng ito."
"No! Final answer at manahimik na lang muna kayong dalawa puwede ba. Nag susulat ako ng lyrics ng kanta, bumaba nalang kayo kung mag-iingay kayo." malamig na turan ni Red kaya wala ng umimik pa sa kanilan dalawa hanggang sa makarating na sila sa penthouse ni Red.
"Boss, uuwi na po ako." sigaw na paalam ni Luna habang nasa kuwarto na ata si Red kasi bigla na lang itong nawala ng dalahin niya sa wardrobe ang damit nito.
"Bansot!" tawag pa ni Red ng palabas na sana siya ng bahay ni Red ng sumulpot ito may dalang medicinal box. Kaya napabalik siya na medyo nagtataka.
"Boss, nasugatan ka ba?" tanong ni Luna na lumapit sa bar counter kung saan nito ipinatong ang box na dala. Ngunit ganun na lang ang gulat Luna ng hawakan siya nito sa bewang at walang kahirap-hirap na iniupo sa high chair ng bar. Sabay kuha ng right hand niya.
"Sa susunod na may gulo or mga fans na susugod sa akin, dalawa lang ang puwede mong gawin ang tumakbo palayo para di ka madamay or yumakap ka sa akin dahil kapag nasa tabi kita hindi ka masasaktan." Ani Red habang nililinis ng agua ang gasgas sa wrist niya. Napakagat labi naman si Luna sa sinabi nito ayaw man niya pero nakaramdam siya ng ibayong kilig dahil kahit pala ito impakto sa paningin niya, may mabuti pala itong puso.
"Hindi kaya magselos ang mga fans mo kung yayakap ako sa'yo?" nakangiting tanong ni Luna habang nilalagyan na ng betdine ng sugat niya saka binalutan ng gasa na parang ang OA naman dahil gasgas lang naman ang sugat niya. Pero hayaan na niya kesa masira pa ang magandang atmosphere.
"Exactly! Mag seselos sila hanggang sa makakatanggap ka na ng dead threat, dadanas ka ng mabully, pananakit sa public ang worse may sasaboy sa'yo na asido. Oras na piliin mong yumakap sa akin." awang ang labi ni Luna sabay simangot.
"Pinapili mo pa ako, di mo na lang dinerekta na sabihin na tumakbo ako palayo." ngumiti naman si Red.
"Gentleman ako e," tumaas ang kilay ni Luna. Sabay ngiti na lang ng matamis.
"Salamat po kung ganun boss, makatulog sana kayo ng mahimbing na mahimbing na mahimbing." ani Luna sabay talon pababa ng hair chair, muntik pa siyang ma out of balance pero nahawakan siya sa braso ni Red pero nabitawan din agad at muli itong napasigaw pag lingon ni Luna, napangiwi na lang siya ng makita na natumba paa ang metal steel na high chair at tumama iyon sa paa ni Red.
"Bo—!"
"Alis! Umalis ka na... Umalis ka naaaaaaaaaaaaaaaaaa. Ahhhhhhh! Put*ngi**!" urong sulong naman si Luna daig pa ang nag cha-cha!
"Boss sorry! Okay ka lang naman diba.. malayo sa bituka?"
"Get the hell out of my sight!" dumadagumdom na sigaw ni Red kaya nag mamadali ng umalis si Luna.