Episode 4- The PA from Hell

1545 Words
Mainit na ang sikat ng araw nang dumating si Luna Mondragon sa tapat ng Ortiga Productions Building, dala-dala ang oversized tote bag, isang tumbler ng kape, at buong tapang o mas tamang sabihing, buong kaba. Suot niya ang simpleng white blouse at pencil skirt, pero dahil sa kakamadali, nagka-mantsa na agad ang blouse niya sa harapan. Kape. Siyempre. Classic Luna move. Napabuga pa ng hangin si Luna saka napatingin sa langit na parang batang nag papaawa sa langit dahil 1st day niya ngayon as Red PA. “First day as Red Ortega’s personal assistant,” bulong niya sa sarili, habang pinipilit takpan ng tote bag ang mantsa. “Hindi ako papalpak ngayon. Hindi ako papalpak ngayon. Hindi ako papalpak ngayon…ay puchaaaaa!" Gulat na bulalas ni Luna na mabilis na umatras pero huli na. “OH MY GULAY!” Napasigaw na tili ni Luna nang matalsikan ng tubig ang puting sneakers na sapatos na suot niya at hindi na yun kulay puti dahil may kasamang dumi ng kalasda ang tubig dahil sa kakatapos na ulan kani-kanina lang. Dahil sa may lumampas na service van sa harap niya. “Luna Mondragon, isa kang sumpa.” bulong niya sabay tawa ng pilit na parang nababaliw na lang sa kamalasan niya. Dapat pala pag baba niya ng taxi tumawid na agad siya para hindi na siya natalsikan ng maduming tubig. "Kaya natin to Luna... Let's go!" wika pa ni Luna sa sarili na parang bigat na bigat sa paa n'yang ihakbang patawid sa pedestrian lane. Pagpasok niya sa building, halos naka yuko ang lahat ng ulo ng staff sa hallway. Iba kasi ang atmosphere kapag may project day si Red Ortega iyon ang sabi sa research niya kagabi na pinag-aralan na muna niya ang tungkol dito, ayaw sa lahat ni Red yung pamali-mali at tanga daw kaya lahat maingat, lahat tense, lahat parang nasa harap ng hari at walang karapatan na magkamali. At ayun nga, sa dulo ng hallway, nakatayo ang “hari”—si Red mismo, naka-black shirt at faded jeans, hawak ang cellphone at folder. Parang galing sa commercial. Guwapo, pero may halong killer energy. Napalingon ito sa gawi niya agad naman siyang alanganin na ngumiti, nang makita siya, tinaasan agad siya ng kilay. "Ay! May attitude ang nilalang...parang hindi bulatihin nung bata?" bulong ni Luna na nanatiling nakangiti or mas tamang sabihin na ngiwi. “Late.” usal ng britonong boses ni Red habang papalapit sa kanya. “Hindi po!” mabilis niyang depensa. “Four minutes early po ako, Sir Red.” “Sir agad?” ngisi ni Red. Umiling ng sunod-sunod. “Tawagin mo akong Boss.” “Boss?” medyo naumay si Luna sa tono. “Hindi po ba masyadong—” “Boss.” ulit ni Red, this time mababa ang boses, may halong warning. Napahinga naman ng malalalim si Luna, napilitan siyang ngumiti ng pilit. “Okay, Boss Bulate.” ani Luna na mahinang inusal ang huling kataga. Napakurap si Red na salubong ang kilay. “Ano?” “Ha? Wala po. Boss Red!” mabilis niyang correction sabay tawa. Bansot ka talaga, Luna. Mamatay ka na lang sa hiya kung narinig ka pa niya. Umangat naman ang mata ni Luna humakbang ito ng mas malapit pa sabay yuko napasinghap pa si Luna ng tumabi ang mukha nito sa mukha niya. "Hindi ako bingi," mariin na wika nito. "Mabuti naman po boss, kasi recording artist kayo kailangan n'yo ang eardrum n'yo." alanganin na sagot ni Luna. Para naman na asar si Red na napalingon sa dalaga at sakto din naman lumingon din si Luna na nanlaki ang mata dahil muntik ng magtama ang labi nila sa sobrang lapit ni Red na nagulat din na tumukhim ng malakas saka umatras. "First time mo palang sa work mukha ka ng busabos, sana bukas maasyo ang hitsura mo." supladong wika ni Red sabay tingin sa suot niyang puting sneakers sabay talalikod. "Kasalanan ito nung dumaan kaninang van hindi nag-iingat." habol ni Luna sa binata na agad siyang sumunod rito since PA nga siya ng lalaking ito. - - - - “Make me coffee. Black. No sugar.” utos ni Red ng makapasok sila sa dressing room di umano ng binata. May photoshoot pala ito ngayon ng isang men's underwear. Hawak niya kasalukuyan ang isang iPad na ibinigay ni Kuya Vic para daw magamit niya habang siya ang PA ni Red, wag daw siyang mag-alala masyado dahil meron daw ibang mag hahandle ng schedule ni Red, ang gagawin lang daw niya ay ipaalala ang lahat ng naka schedule ni Red sa bawat oras sa isang araw. As in magiging PA lang daw talaga siya taga sunod sa lahat ng utos ni Red. "Hoy narinig mo ba ako?" pagalit na tanong ni Red na nagpaigtad sa kanya. "Opo sir," ani Luna saka nag mamadaling tumalikod na. "Madali pala ang magiging trabaho ko." sabi niya sa isip na napapangiti na nagtungo sa pantry area na itinuro din sa kanya ni Kuya Vic. Agad na syang tumatakbo sa pantry na parang contestant sa MasterChef para itimpla ng kape ang mahal na konde. Ilang minuto lang naka timpla na siya kaya agad na siyang agad na siyang bumalik sa dressing room ni Red, proud pa siyang dala ang cup ng coffee na tinimpla. “Here’s your cof—” napatili naman ang make-up artist ni Red na nag aayos kay Red ng matisod si Luna at sumaboy ang laman ng tasa na mainit na kape sa parang script na binabasa ni Red kanina na naka patong sa maliit na table na katabi ng upuan nito. Kung napalakas-lakas pa ang tilapon niya baka ito ang nasabuyan niya. Napalunok si Luna lalo na ng biglang umatras ang make-up artist, napatingin siya sa lahat ng staff ni Red na nasa loob ng dressing room na nag tutulong-tulong para asikasuhin ito. Lahat tahimik, sobrang tahimik parang may namatay. Bakit parang takot na takot ang lahat kay Red sa pagkakatandan niya si Red ang pinaka mabait sa mag kakapatid na Chua at si Kuya Blue ang pinaka nakakatakot sa mga ito pero bakit sa hitsura ng mga staff ni Red para terorista ang binata. Pagtingin niya sa vanity mirror na nakaharap kay Red na puno ng ilaw nag dilat ito ng mata saka dahan-dahang tiningnan ni Red ang papel na nabasa, tapos si Luna. “Hindi ka pa man nag-iinit sa trabaho, gusto mo na akong sunugin.” mabilis naman na umiling si Luna. “Sorry po! Hindi ko po sinasadya! Nagulat lang ako kasi may lamok—” napangiwi si Luna sa unang alibi na lumabas sa bibig niya. Bakit lamok vova ka girl. “Lamok?” Itinuro ni Red ang ceiling. “Air-conditioned building ‘to, Luna. Anong lamok?” mariin at dama mo yung nag bubuild up na tensyon sa boses nito. “Uh… baka imported? gusto sa aircon.” sagot ni Luna, pilit na ngumiti. Pinikit ni Red ang mata, huminga nang malalim para kalmahin ang temper na umuusbong. “Okay. Let’s pretend this didn’t happen. Get me another coffee.” Nag mamadali naman muling tumalikod si Luna para kumuha ng bagong kape. Pagbalik niya, maayos naman niyang na iserve pero syempre hindi pa rin perfect dahil may lipstick mark sa cup. Na agad na napansin ni Red. “Hoy! Bansot, gusto mo bang ipakalat sa media na nag-share tayo ng kape?” angil ni Red na ipinakita pa kay Luna ang tasa na may marka nga ng lipstick. “Ha?! Hindi po! Lip balm lang ‘yan!” sabay punas ni Luna gamit ang tissue. "Tinikman ko lang kasi kanina, Boss." muling napapikit si Red na parang pikon na pikon sa sagot niya. “Now it looks like murder scene, not coffee break.” bulong ng isang staff pero wala naman ginawa si Red, "OA naman ng mga to." bulong ni Luna na bumalik na sa kinauupuan at muling binabasa ang mga schedule ni Red para sa araw na ito. "Parang mas kinakabahan ako ngyon kesa dati, masyadong kalmado si Boss. Parang mas gusto ko pa yung nag wawala niyang personality kesa yung ganito na parang nanahik na bagyo pero may dala palang buhawi later." bulong pa ng ilang staff na nasa may likuran ni Luna. Di tuloy maiwasan ni Luna na mapatingin sa likod ni habang inaayusan na ito ng buhok. "Stop starring at me Luna! Baka sa akin pa malipat ang kamalasan mo." ani Red na nakatingin sa reflection niya sa salamin. "Ang guwapo n'yo kasi sa personal boss." sagot na lang ni Luna. "Ikaw, bakit hindi ka na tumangkad? Mukha kang vonzai." nagtawanan naman ang mga staff nito na ikinasimangot naman ni Luna. "Sabi kasi ni Lord, ‘wag nang dagdagan—perfect na ‘yung height ko kasi kung tumangkad pa ako baka maging Dyosa na ako. Tingalain mo ako bigla." ngisi ni Luna na tinawanan naman ng lahat ng staff pero sandali lang dahil sinamaan ng tingin ni Red ang mga ito. "Kailangan mong mag kape, para naman kabahan ka din." ani Red. "Hindi na kailangan boss, titig mo lang sapat na para mag palpitate ako." "Tumigila ka nga!" biglang sigaw ni Red na ikinagulat ni Luna sa lakas ng boses nito daig pa nito si Vegeta ng mag supersaiyans.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD