Malamig ang buong opisina ng executive director ng MetroBeat habang nakaupo si Luna sa mahaba at malamig na conference table. Ang mga kamay niya nanginginig sa ilalim ng mesa, mahigpit na nakahawak sa ballpen na parang iyon lang ang makakapagligtas sa kaniya mula sa malupit na kapalaran. Hindi pinayagan ng director ng kumpanya nila na samahan siya ng chief Lyka dahil marahil alam nitong sobrang stress ang inabot ng manager in chief niya sa ginawa niyang kapalpakan.
Sa tabi niya, nakaupo ang Executive Director, si Mr. Ernesto—mahigpit, masungit, at laging may pinipisil na stress ball na basta na lang nitong ibinabato sa taong ayaw nito kapag nagagalit. Sa gilid naman, nakatayo ang ilang staff na parang nanonood ng execution na tulad niya kabado sa kahihinatnan ng kagagahan niya. At sa pinakadulo ng mesa, nakaupo si Red Ortega, nakasandal sa swivel chair, naka-cross legs pa parang siya ang tunay na may-ari ng buong kumpanya.
Nasa tabi niya ang manager nitong si Kuya Vic kung tawagin ng ibang artista na hawak nito. Nakakunot ang noo at mukhang mas stressed kaysa sa artist na si Red na kampante lang ang upo pero syempre hindi itinatago ang galit sa mukha nito.
“Luna Mondragon.” Malamig na tawag ni Sir Ernesto.
“Alam mo bang halos gumuho ang kumpanya natin dahil sa pagkakamali mo?”
“Sir…” garalgal ang boses ni Luna na mas lalo ng kinabahan ng mag simulang mag salita ang pinaka boss nilang lahat.
“Hindi ko po sinasadya. Sobrang dami po ng articles kahapon at—”
“Hindi ka ba nagbabasa bago mag-approve?” singit ni Kuya Vic, sabay lingon kay Red saglit bago muling humarap kay Luna na gusto na talagang umiyak pero hindi naman siya iyakin kaya kahit gusto niyang mag paawa at umiyak ayaw mangilid ng luha niya.
“Kung na-check mo lang, hindi sana lumabas ‘yung… kabastusan na headline na ‘yon.” Parang nag-init ang pisngi ni Luna. Kahit guilty siya, gusto niyang ipagtanggol ang sarili kahit nakakahiya.
“Sir, I swear hindi ko talaga napansin. Alam niyo naman clumsy ako pero hindi ko po intensyon na—”
“Clumsy?” biglang sabat ni Red, na parang kulog na nakulong sa buong conference na nakataas ang kilay.
“Hindi ka clumsy, Luna. Careless ka.” Napatingin ang lahat ng tao buong room kay Red.
"Oh my gulay, Luna, kinakausap ka ng childhood playmate mo… pero hindi bilang kalaro, kundi bilang mortal na kaaway dahil sa kagagahan mo... lagot ka talaga sa Nanay mo..."sigaw pa ng utak ni Luna sa sarili. Lumingon si Red sa lahat, tapos bumalik ang titig sa kanya.
“Do you realize na in just one night, nag-trending ako worldwide? Do you know how many memes, GIFs, and hashtags were made because of that one stupid headline?” Hindi nakasagot si Luna. Pero sa isip niya...
Hello, ikaw din naman nag-send ng boxer pic sa’kin kahapon ah. Kung jobokels ako, nilabas ko na ‘yun as exhibit A." wika ni Luna sa sarili kasi syempre, di niya kayang sabihin aloud. Kaya ang nagawa niya lang ay yumuko.
“Mr. Ortega,” malumanay na sabi ni Sir Ernesto.
“We are prepared to release a public apology and termination letter for Miss Mondragon—”
“NO!” biglang sigaw ni Luna, na ikinagulat ng lahat lalo ng tumayo si Luna na nag palipat-lipat ng tingin sa lahat.
“Sir, please! Huwag niyo po akong tanggalin! I need this job… wala po akong ibang source of income. Hindi ko po kaya mag-demand case, wala po akong pambayad ng damages…” pag-papaawa pa ni Luna sa mga ito pero ang totoo mas takot siya sa Nanay at tatay niya kesa nawalan ng trabaho. Lahat ng kapatid niya may maayos ng buhay at trabaho, although puro sakit ng ulo ang mga kapatid niya ng magka love life ang ilan sa mga ito. Ayaw niyang dumagdag pa siya sa sakit ng ulo ng parents niya and beside siya ang paborito ng parents nila kaya ayaw niyang ma disappoint ang mga ito sa kanya kaya hanggang maari maayos nila ng maaga ang issue na ito bago lumabas sa balita ang kagagahan niya.
Halos magmakaawa na siya sa mga ito at kitang-kita sa mga mata niya ang desperasyon niya. Kung may luha lang siyang instant noodles, malamang kumulo na ito ngayon at lumabas. Tumikhim si Red, parang aliw na aliw sa nakikitang pagkataranta niya.
“So you admit na kasalanan mo?” Napakagat-labi si Luna na mabilis na tumango.
“O-oo… pero please… give me another chance.” Tumagilid ang ulo ni Red, saka ngumiti nang pilyo. Isang bagay na hindi ikinatuwa ni Luna, kasi kahit galit ito, nakaka-distract ang gwapo nito lalo na ngumi-ngiti ito at lumalabas ang dimple at ngipin nitong napakaganda. Napaka perfect ng kaguwapuhan nito wala kang maipipintas talaga kung paguwapuhan lang ang laban pati na rin ng best friend nitong si Chase na talaga naman pag nakikita niyang magkasama ang mga ito noon ay talaga naman todo pa cute pa siya. Si Chase ang crush niya at alam yun ng lahat pero syempre bata pa sila noon kaya okay lang. Crush din naman niya noon si Red yun nga lang nakakainis lang kasi ito lagi siyang inaasar ng bata pa sila kasi nga bansot talaga siya. Gustong-gusto nitong paiyakin siya pero hindi naman ito nagtagumpay kahit minsan.
“Another chance, huh?” Tumango si Luna agad, halos lumuhod na sa sahig para lang wag na itong magalit.
“Yes, kahit ano po gagawin ko. Huwag niyo lang po akong tanggalin. Kahit mag-pakape ako araw-araw para sa lahat ng empleyado, kahit linisin ko lahat ng cubicles, kahit mag-kudkud ako ng kubeta—” Naputol siya sa pag sasalita nang biglang sumabat si Red.
“Fine.” Nagulat lahat sa sinabi ni Red na ikinatingin ng lahat dito.
“Fine?” ulit ni Sir Ernesto na halatang nagtataka. Tumango si Red, seryoso ang mukha pero may ngiting nakakaloko.
“Kung gusto mong iligtas ang trabaho mo, Luna Mondragon… then be my PA.” ani Red na parang bomba na sumabog sa tenga ni Luna na parang biglang bumagsak ng upo. Nagtilian sa isip ang lahat ng staff. Halos natameme naman si Sir Ernesto sa kinauupuan nito na parang naguguluhan pa.
“P-Personal assistant?!” tanong pa ng Director.
“Yes.” Red leaned forward, nakapako ang tingin kay Luna.
“No lawsuit, no termination… as long as she works under me. Every day. Anywhere I go. Walang magiging problema ang company n'yo sa company ko." Nanlaki ang mata ni Luna ng unti-unting mag sink in sa utak niya ang sinabi ni Red.
PA? As in Personal Assistant? As in taga-buhat ng gamit? Taga- timpla ng kape? Taga-sunod kahit sa CR? taga..." Napapikit si Luna habang nakakagat labi. Pero bago pa siya makatanggi, naramdaman niyang lahat ng tao nakatingin sa kanya. At si Sir Ernesto, mukhang relieved pa sa sinabi ni Red.
“If that’s your condition, Red… then we’ll respect it and accept it."
“Good.” Red smirked.
“So… what’s your answer, Bansot?” Nabingi si Luna sa tawanan at bulungan ng mga staff dahil sa muling pag tawag sa kanya ng bansot ni Red.
Bansot?! Bakit kailangan niyang gamitin ‘yung childhood nickname ko in public?! Tawagin ko kaya siyang bulate? ng mapahiya ulit siya." bulong pa ni Luna. Pero… paano kung tumanggi siya? Sigurado, tapos na ang career niya. At baka totoo ngang idemanda siya at madamay pa ang company. And worse mag sanib puwersa pa ang company nito at company niya. Baka sa kulangan na siyang mamatay ng virgin. Kaya napapikit siya, huminga ng malalim, at ngumiti ng pilit.
“Okay… I’ll do it.” Tumingin si Red sa kanya, at sa unang pagkakataon mula kahapon, may nakita siyang familiar sa mga mata nito. Hindi lang galit. May halong amusement. Para bang sinasabi: Welcome back to my world, Luna Mondragon. At doon niya narealize ni Luna na sa isang iglap lang, naselyuhan na ang kapalaran niya. Salamat sa ka clumsy-han niya na tinawag naman ni Red na careless, hindi ba parehas lang naman yun.
Red smirks, leans closer across the table, and whispers loud enough for everyone to hear—
"You're my PA now... welcome to hell." ngisi pa ni Red.
-
-
-
-
-
-
-
Pagkatapos ng meeting, mabilis na umalis sina Red at Kuya Vic mula sa MetroBeat. Kanina lang mainit ang ulo ni Red ng pumunta ng metrobeat pero ng makita si Luna. Natuwa siya sa nakikitang pagkataranta nito at pagkadesperada na malinis ang kalat na ginawa nito. Nasa basement parking na sila dumeretso at sumakay agad sa makintab na black artista van. Pagkapasok, agad isinara ni Kuya Vic ang pinto at tumitig kay Red, na ngayon ay nakasandal na parang walang nangyari.
“Red…” napabuntong-hininga si Kuya Vic habang hawak ang iPad.
“Honestly, nagulat ako sa kondisyon mo.” Hindi umimik si Red, busy sa pag-scroll ng phone niya, pinapanood ang mga meme tungkol sa headline kagabi.
“You could’ve asked for her to be fired. Or kahit milyon-milyong damages. Pero bakit PA lang ang hiningi mo?” dagdag ni Kuya Vic, halata ang curiosity. Doon lang ngumiti si Red, nakataas ang isang kilay.
“Simple lang, Kuya V.”
“Ano?” Ibinalik ni Red ang phone sa bulsa at tumingin sa bintana.
“Bored na ako. Gusto kong may paglaruan. Puro na lang ako trabaho. Gising, shoot, kanta, taping, event. Gasgas na ang routine ko. Kailangan ko ng pampalipas-oras.” Napakunot ang noo ni Kuya Vic.
“So… si Luna ang gagawin mong laruan?”
“Correction,” Red smirked,
“Si Luna ang bagong libangan ko. Hindi mo ba nakita kanina? Para siyang kuting na naligaw sa highway—takot na takot, nanginginig, pero may tapang pa ring magpa-cute.”
“Red, delikado ‘yan. What if lumala? What if malaman ng publiko na… may connection kayo dati?” seryosong tanong ni Kuya Vic. Tumawa lang si Red.
“No one knows at hindi ko naman balak ibulgar. Ako lang ang may hawak ng sikreto na ‘yon. Besides…” tumigil siya sandali, ngumisi,
“Matagal ko na ring gustong makita kung paano siya magre-react kapag nasa ilalim siya ng kontrol ko.” Napailing si Kuya Vic.
“Ewan ko sa’yo. Basta ako, hawak ko na ang crisis management. Ako na ang bahala sa trending news.”
“Good,” sagot ni Red, kalmado pero may halong excitement ang tono.
“Ipalabas mo na yung magazine spread ko para sa underwear endorsement. Yung mga outtakes, yung medyo daring. Siguradong kakainin ng netizens ‘yon.”
"Copy. Damage control. Para makalimutan agad ng tao ‘yung… maliit na issue.”
“Exactly.” Tumawa si Red, halos pabulong.
“Kapag nakita nila ‘yon, wala nang magdududa kung ano ang meron sa akin.” Napatingin si Kuya Vic sa kanya.
“At si Luna?”
“Pabayaan mo na siya sa akin.” Tumagilid si Red, nakapikit na parang planado na lahat.
“Simula pa lang ‘to. She owes me big time… and I’ll make sure she pays in the most entertaining way possible.”
Habang umaandar ang van palabas ng basement, may ngiti sa mga labi ni Red.