"ATE, kaya mo ba?” tanong ni Shara kay Shantel ng sulyapan siya. Dahil wala siyang imik habang sakay ng kotse nito ay naisipang magtanong. “Hindi na tayo tutuloy kung nagbago na ang isip mo.”
Pinalis niya ang namuong luha sa sulok ng mga mata. “Go lang, sis. Tutuloy ako.”
“Are you sure?”
Hindi siya umimik.
“Sorry, ate, kung makulit ako,” tumawa si Shara ng mahina. “Ilang beses na akong nagtanong ng 'are you sure' at baka naririndi ka na. Gusto ko lang kasi talagang makasiguro.”
“Nauunawaan kita, Sha. Thank you. I know that you really care as a sister. You just want to make sure that I can stay away from you.”
“Yes, ate,” Shara said. She didn’t look at her because her eyes were focused on the road. “Puwede mo naman kasing balewalain ang suggestions ko at mag-stay ka lang sa bahay.”
“Pero hindi ko na talagang gustong magpatuloy pa ang relasyon namin ni Jerson. I don't want to marry him.”
“So, tama lang na lumayo ka. For me, Jerson is not really the man of your destiny. You must really find the true love that can make you happy.”
Tumango-tango siya. Pinilit niyang ngumiti para hindi na mag-alala sa kanya ang kapatid. Gusto lang naman talaga nitong magkaroon siya ng masayang buhay-pag-ibig.
Umaasa akong matatagpuan ko talaga iyon kung saan man ako mapadpad. Lord, Ikaw na po ang bahala sa akin. Gabayan Mo po ako.
“Ate, saan mo gustong bumiyahe?” sansala ni Shara. “Saang bayan mo gustong pumunta?”
“Hindi ko alam, Sha,” tugon niyang nasapo ang sariling dibdib. “Wala akong idea.”
Tumawa ang kapatid niya. Sumulyap sa kanya. “Ang hirap din nito. Wala tayong alam sa ibang bayan pero susugod ka.”
Tumawa rin siya. “No choice, eh. Kailangan kong gawin. Lakas-loob na lang talaga ako.”
“Hindi ka naman puwede sa Baguio City at marami tayong relatives doon. At napaka-liit ng bayang iyon.”
“Ayaw ko roon, sis. Siguro'y sa Zambales na lang. Or Pangasinan.”
“Okay, ate. Sa bus terminals na lang sa Cubao tayo maghanap ng puwede mong sakyan. Tumingin tayo roon ng maayos na bus station.”
“Nakaka-kaba rin,” pabuntonghininga niyang sabi. “Magiging estranghera ako sa lugar na pupuntahan ko. Sana lang ay wala akong ma-encounter na bad people.”
“Mag-ingat ka, ate. Don’t trust anyone. Be wise.”
“Don't worry and I'll do all your advice. I'll be okay wherever I go.”
“Aasahan ko 'yan, ate. Goodluck.”
Nagpasalamat siya kay Shara. Talagang naramdaman niya ang pagmamalasakit at pagmamahal nito sa kanya.
“Narito na tayo,” pagdaka'y sabi ni Shara. “Sa terminal na 'yan ay may bus na papuntang Baguio City.”
“Huwag d'yan, sis. Doon sa kabila na lang at baka may biyahe to Zambales.”
“Okay. As you wish, my dearest sister.”
“Salamat,” sabi niyang minsan pang bumuntonghininga. Nang makakita siya ng bus na may sign board na Pangasinan ay inihanda na ang travelling bag niya. “Sis, itabi mo na lang ang car mo at bababa ako.”
“Magpa-park ako ng maayos sa puwedeng hintuan ng kotse ko, ate.”
“Huwag na, Shara. Ako na lang ang bababa. Huwag mo na akong samahan sa pagsakay sa bus.”
“Pero...”
“Huwag na,” nakangiti niyang sabi. “Baka mag-cry pa ako. Ayoko.”
She signed. “If that's what you want, no problem. Just be careful, sis. Call me when you need help.”
Ihininto na ni Shara ang kotse sa gilid ng kalsada. Niyakap niya ito at hinalikan. Pinigil niyang tuluyang pumatak ang namuong luha sa sulok ng mga mata. Saka isinukbit ang travelling bag sa balikat niya.
“Goodbye, Shara,” she said. “Just take good care of our parent, ha. Always keep safe. And you too, sister. I love you.”
“I love you, too, ate. Take care din. Bye.”
Nginitian niya ang kapatid saka binuksan na ang pinto ng kotse at bumaba.
KANINA pa hilong-hilo si Shantel. Hindi maganda ang biyahe at pakiramdam niya ay mauga ang bus na kanyang sinakyan. Kaya naman ng nasa bayan na siya ng Pangasinan ay sapo ang sariling noo nang bumaba mula sa sasakyan.
“s**t!” anas niya. “Parang inalog ang ulo ko.”
Lalo siyang gumilid sa kalsada nang maramdaman niyang susuka siya. Nasapo niya ang sariling sikmura. Ayaw niyang magduwal pero hindi niya napigilan. Pinagpawisan siya at lalo pang nanghina. Wala sa loob niya na sa harap pala ng isang restaurant siya nagsuka. Kaya napansin siya ng isang lalaking lumabas roon.
“Miss, are you okay?” tanong nitong bakas sa tinig ang labis na pag-aalala. Mas lumapit ito sa kanya. “I'm Rafael Vinuya and I'm willing to help.”
Nag-angat siya ng mukha. Maluha-luha man siya dahil sa ginawang pagduwal ay malinaw na rumihestro sa paningin niya ang guwapong mukha ng lalaking nagmamalasakit.
Guwapo, hiyaw ng utak niya. Ang amo ng mukha niya. My God! He looks like a male angel.
Napalunok siya. Nanatili siyang nakatitig sa mukha nito.
“How do you feel, miss?” tanong pa nito. “Okay ka na ba?”
Napailing siya dahil pakiramdam niya ay lalo siyang nahilo. At bunga iyon ng matindi niyang paghanga sa kaharap na estranghero.
“Ang mabuti pa'y sumama ka sa akin sa loob,” sabi nitong itinuro ang loob ng restaurant. “Kahit papaano ay makapagpapahinga d’yan. Isa pa, puwede kang humigop ng mainit sa sabaw.”
She no longer refused his suggestion. This man is not only having an angel face but also have a good attitude. That's why she agreed to take her with his arm to lead into the restaurant. She secretly rejoiced because he took care of her until she sat in the chair in front of the table.
“Thank you,” sabi niyang tiningala ito.
“Rafael,” pagpapakilala nitong muli. “Wait. U-order lang ako ng mami na puwede mong higupin ang sabaw para nawala ang masama mong pakiramdam.”
Tumango siya saka sinapo ang sariling noo. Medyo hilo pa talaga siya. Nang makita naman nito ang kanyang ikinilos ay dali-dali na siyang iniwan. Nagpapasalamat siya dahil may nagmalasakit sa kanya kahit hindi kilala. Suwerteng maituturing na sa lugar na iyon siya bumaba.
Shantel, is he your destiny? Napatingin siya sa lalaki ng narinig ang sigaw ng utak niya. Namula ang kangyang mukha. Ano pa’t bumilis ang t***k ng dibdib niya. Puwede. Maybe he's the one for me.
“KANINA ko pa hindi napapansin si Shan,” sabi ni Mama Shiela na tumingin kay Shara habang nakaupo sila sa sofa sa living area. “Nasaan ba siya? Ngayon lang siya hindi lumabas ng room niya.”
Tumikhim siya. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa screen ng television. Sinadya niyang kunwari ay walang narinig. Pero kunot-noong siyang tinawag ng ina at inulit ang tanong.
Nagkibit-balikat siya. “I don’t know, ‘ma.”
“Ang mabuti pa ay tingnan ko siya sa room,” anang mama niya. “Wala ka namang pakialam sa mga tao dito sa bahay.”
Nakasimangot na tiningnan niya ang ina, na diri-diretsong umalis sa kanyang tabi. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Palibhasa’y ugali na niyang kontrahin ito ay lagi bad mood sa kanya. Pero hindi naman niya ito masisisi kung kontabida ang turing sa kanya.
Pero may pakialam ako sa mga tao rito. Lalo na kay ate. Kaya nga nagmalasakit ako sa kanya at pinalayo siya sa boyfriend niyang hindi totoong mahal.
Sumagi sa utak niya si Shantel.
“Nasaan na kaya ang kapatid ko?” bulong niya. “Okay lang kaya siya?”
Napabuntonghininga siya.
“Sana lang ay nasa mabuti siyang kalagayan ngayon,” aniyang isinandig ang ulo sa sandalan ng upuan. “May natuluyan na sana siyang maayos na tirahan.”
Ang mama naman niya ang kanyang naisip. Tiyak niyang magpa-panic ito kapag nalamang wala sa sariling kuwarto si Shantel. Hindi kasi ito sanay na hindi nagpapaalam ang ate niya.
May iniwan kayang letter si ate? naisip niya. Hindi ko pala siya nausisa tungkol doon.
Napaigtad siya sa pagkakaupo dahil sa pagkabigla nang marinig ang sigaw ng kanyang mama. Nag-alala siyang bigla kaya napatayo at nagdudumaling pinuntahan ito. Nakalabas na ito mula sa kuwarto ng ate niya ng nasa gitna na siya ng hagdanan. Napansin agad niya na may hawak itong maliit na papel habang umiiyak.
May iniwang sulat si Ate Shantel. At iyon ang dala ni mama ngayon.
“Mama, bakit?” tanong niya ng nasa tuktok na ng hagdanan. Nasa harap na niya ito. “Bakit ka sumigaw?”
“Shara, si Shantel,” tugon nitong mas lumakas pa ang pag-iyak. “Ang ate mo umalis.”
“Ho?” sabi niyang nagkunwaring walang alam sa paglalayas ng kapatid. “Bakit n’yo nalaman?”
Iniabot sa kanya ni Mama Shiela ang sulat ni Shantel. “Basahin mo…”
Napapalunok niyang tinanggap iyon. Binasa. Wala siyang alam na nag-iwan pala ng sulat ang kapatid niya. Nakalahad doon ang totoo kung bakit nagpasya itong umalis na walang paalam.
“H-hindi pala totoong mahal ni ate si Jerson,” sabi niya na umiiling. “Kaya pala siya umalis dahil ayaw magpakasal sa boyfriend niya.”
Humagulhol na ang mama niya. Bigla siyang naawa dito. Alam niyang mahal na mahal nito ang ate niya at labis itong nalungkot sa nangyari. Gusto niya itong yakapin pero nakadama siya ng hiya. Hindi siya sanay yumakap dito. Palibhasa’y ni minsan ay hindi siya naglambing dito tulad nang ginagawa ni Shantel.
“Kasalanan ko,” pag-amin ng mama niya habang umiiyak. “Hindi ko siya napayuhan ng tama nang magtapat siya sa akin. Akala ko kasi ay nagagawa pa rin niyang pakasalan si Jerson kahit hindi ito mahal.”
“A-ano pong ibig ninyong sabihin, mama?”
Nagtapat ito sa kanya. Patuloy na inamin ang pagkakamali saka ito yumakap sa kanya. Dala ng awa ay napayakap rin siya rito. Hinagod niya ang likod niya at sinikap na mapayapa.
“OKAY ka na ba?” tanong ni Rafael kay Shantel nang tumigil siya sa paghigop ng sabaw ng mami. “Ubusin mo ‘yan. Mabuting magkaroon din ng laman ang sikmura mo.”
Nginitian niya ito. “Thank you so much, Rafael. Medyo okay na ako.”
“Saan ka ba galing?”
Muntik na niyang masabi ang totoo. Lumunok siya. Ngumiti naman sa kanya si Rafael, na alam niyang naghihintay ng sagot niya. Dahil ayaw niyang may malaman ito tungkol sa true identity niya ay nag-isip siya ng itutugon. Pero dahil wala siyang alam na lugar sa bayang kinaroroonan niya ay hindi siya makaimik.
“Hindi ka pa okay,” natatawang sabi ni Rafael. “Ubusin mo na ang pagkain mo. Or gusto mo ng kanin at ulam? Tell me. What do you want?”
“No. Okay na sa akin ito, Rafael. Maraming salamat talaga.”
“By the way,” tumikhin ito. “May I know your name, please?”
“I’m Shantel,” pagpapakilala niya. Iniba talaga niya ang kanyang apelyido. “I’m from Bulacan. May pupuntahan lang ako rito sa bayan ninyo na isang kaibigan.”
“Ganoon ba? Tell me at baka kakilala ko siya.”
My God! hiyaw ng utak niya. Ang hirap magsinungaling.
“S-si Lalaine Alcantara,” tugon niya na ang sinabi ay pangalan ng isang kaibigan na taga-Manila. “Did you know her, Rafael?”
“Alcantara,” ulit nito sa apelyido ng babae. Saka umiling. “I don’t her. And I also don’t know where the Alcantara’s live.”
Tumango-tango siya. “Don’t worry, alam ko naman ang house niya kaya walang problema. Talagang nahilo lang ako sa bus kaya hindi agad nakapunta sa kanila.”
“May sasakyan ako. Puwede kitang ihatid.”
“Huwag na,” tugon niyang sunod-sunod pang umiling. “Kaya ko nang pumunta roon na mag-isa. Hayaan mo na ako. Malaking tulong na ang nagawa mo sa akin at kung tutuusin ay sobra-sobra na ito.”
“Okay,” pabuntonghiningang sabi ni Rafael. “Wala ako sa lugar para magpumilit. Isasakay na lang kita sa jeep mamaya.”
Ano ba ito? Anong sasakyan ko mamaya na hindi siya maghihinala na estranghero talaga ako sa lugar na ito?
Ayaw niyang makahalata si Rafael na walang alam sa pinuntahang bayan kaya nahulog siya sa pag-iisip. Inabala muna niya ang sarili sa pagkain ng mami. At salamat na lang dahil nakadama siya ng panunubig kaya nagpaalam siya rito.
Dala ang travelling bag ay pumunta siya sa banyo ng restaurant. Nagbawas muna siya bago naisipang umalis na walang paalam. Maingat siyang lumabas sa lugar na iyon at laking pasasalamat niya na hindi siya nito nakita.
Agad siyang pumara ng pampasaherong jeep na dumaan pagkalabas niya sa kainan. Hindi niya alam kung saan papunta ang sinakyan pero wala na siyang pakialam. Ang importante ay naiwasan niya ang lalaki.
Ayaw kong mabisto niya akong hindi nagsasabi ng totoo!