HABANG sakay si Shantel sa pampasaherong jeep, na hindi niya alam kung saan papunta ay natahimik siya. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kundi ang totoo ay sobra siyang nanghihinayang na hindi nakilala ng lubos si Rafael. Parang gusto niyang mainis sa sarili dahil may maganda namang pagkakataon pero iniwasan pa niya.
Shantel, ano ba’ng dahilan at kailangan mo’ng umalis na walang paalam kay Rafael? tanong niya sa sarili. Mabait naman siya kaya nga tumulong at nagmalasakit sa ‘yo pero tinakasan mo pa. Iyon na nga ang pagkakataon para magkaroon ka ng matitirahang bahay.
Hindi sinasadya ay natakpan niya ang magkabilang teynga. Para kasing naririnig niya roon ang sermon ng sariling utak kaya ayaw niyang marinig.
Ayoko kasing mahalata ni Rafael na hindi ako nagsasabi ng totoo, tugon mula pa rin sa sarili niyang isip. Nainis siya dahil tila walang silbi ang pagtatakip niya sa sariling teynga. Dapat sana ay nagsabi na agad ako ng totoo para tuluyan na niya akong natulungan.
“s**t!” bulong niya na itinapik-tapik ng mga daliri ang magkabiling teynga. “You fool, Shantel. You don't know how to think right.”
Wala sa loob na napatunghay siya. Nang mapatingin siya sa isang pasahero ay napansin niyang natatawa ito. Kaya iniiwas niya ang mga mata mula rito. Pero nang mahagip rin ng paningin niya ang isa pa ay halatang napapangiti rin ito.
Napalunok siya at tiningnan pa ang lahat ng kapwa pasahero sa sinakyang jeep. Napansin niyang iisa ang pinagtuunan ng tingin ng mga ito. At walang iba kundi siya. Walang siyang kaalam-alam na naging tila panoorin na pala siya sa mga ito at naging katawa-tawa.
Pinamulahan siya ng mukha dahil sa hiya. Bigla siyang napasabi ng malakas na ‘para’ kaya huminto sa gilid ng kalsada ang pampasaherong sasakyang. Nagdudumali siyang bumaba mula roon. Pakiramdam niya ay naghalakhakan ang mga pasahero kaya tumalikod na lang siya nang muling umusad ang jeep.
“Ano ba ‘yan?” bulong niyang naiinis sa sarili. “Umayos ka nga, Shantel. Baka dahil sa kagagahan mo ay mapahamak ka.”
Tumayo siya ng tuwid. Saka inilinga ang paningin sa kinaroroonang lugar. Nasaan na ba ako? Ano kayang lugar ito?
Maraming bahay sa paligid pero mangilan-ngilan lang ang taong nagdaraan. May mga sasakyan ding nagdaraan sa maluwang na two way road. Napangiti siya dahil naisip na puwede siyang makakita roon ng pauupahang bahay.
“Maglalakad-lakad ako,” sabi niya sa sarili. “Sana ay may makita akong sign board ng room for rent o kahit buong bahay na puwede kong naupahan…”
Hindi pa siya nagtatagal sa paglalakad ay may isang lalaking umagaw sa travelling bag niya. Napatili siya pero hindi agad niya nabitiwan iyon. Nagawa pa niyang makipag-agawan sa masamang loob.
“Bag ko ‘to,” sigaw niya. “Magnanakaw ka.”
Umaasa siyang may tutulong sa tao sa kanya pero bigo siya. Nilalampasan lang siya ng mga ito kaya ng mapagod na siya sa pakikipag-agawan sa travelling bag niya ay nabitiwan niya iyon. Bumagsak siya at napa-upo na semento.
“You’re s**t, bad man,” mangiyak-ngiyak niyang bulong. Pakiramdam niya ay sumakit ang katawa niya. “Kuhanin ba ang bag ko? My God! Wala na akong kagamit-gamit. Pati pera ko ay naroon.”
Napatingin siya sa isang kotse na huminto sa may likuran niya. Nakita niya ang isang lalaki na nagmamadaling bumaba roon at lumapit sa kanya. Tinulungan siya nito sa pagtayo.
“Sorry, hindi ako umabot,” sabi nito nang makatayo na siya. “Nasaktan ka ba?”
Tumango siya. Pinagpagan niya ang suot na pantalon.
“Nakita ko’ng inagawan ka ng bag ng lalaki iyon. Is he a thief or do you know him?”
“He's a thief,” wala sa loob na sagot niya. “All of a sudden, he came and snatched my bag.”
Dahil nakatingin ito sa kanya ay nakita niyang tila nagulat. Nakakunot ang noo at awang ang mga labi. Nang nginitian niya ito ay saka tumango.
“English speaking,” bulong nito na iniwas ang tingin sa kanya. “Kunsabay, she looks rich naman na englishera.”
Natutop niya ang sariling bibig. Naulinigan kasi niya ang ibinulong nito. Naalala niya na english nga pala ang sagot niya sa tanong nito. Natural ay naisip nito na may pinag-aralan siya o mula sa mayamang pamilya.
“Tingin ko’y hindi ka talaga tagarito, miss,” sabi ng lalaki. Hinagod na naman siya ng tingin. “Are you belong to a rich family? I think, you’re a professional.”
Sinadya niyang iwasan ang tanong nito. “Wala na akong kapera-pera. Nasa travelling bag ang wallet ko at lahat ng gamit kaya walang natira sa akin.”
“Kawawa ka naman,” pabuntonghininga nitong sabi. “Grabe na talaga ngayon ang magnanakaw. Hindi talaga umalis na hindi nakuha ang bag mo. Napansin siguro ng lalaking iyon na mayaman ka kaya inagaw ang bag mo. Halata sigurong marami siyang napapala kapag nakuha iyon.”
“Hindi ako mayaman,” pagsisinungaling niya. “Nasa mukha ko ba?”
Tumango ito saka ngumiti. “Aminin mo na. Pati sa pagsasalita mo ay halatang hindi ka basta-basta.”
Napakamot siya sa batok. Sunud-sunod siyang umiling. Kailangan niyang hindi magsabi ng totoo para magampanan niya ang bagong buhay na haharapin niya ngayon. “Mukha lang siguro akong mayaman. Pero ang totoo ay nabubuhay lang ako ng simple. Iyong pagsasalita ko ng english, normal lang naman iyong sagot kapag tinanong ng english din. Isa pa’y may kaartihan din lang ako at pa-englishera effect.”
Tumangu-tango ito. Saka nagpakilala at inilahad ang kanang kamay. "Melgar Esguerra. Mel for sure.”
Tinanggap niya ang kamay nito. Talagang niluwagan niya ang pagkakangiti para naisip nitong willing siyang makipag-kaibigan. Dahil mukha naman itong mabait ay handa na siyang tanggapin ang puwedeng itulong sa kanya.
“Shantel,” tugon niyang hindi idinugtong ang kanyang tunay na apelyido. “Montoya.”
HINDI naiwasan ni Rafael ang mag-isip tungkol sa estrangherang babae na kanyang nakilala kanina. Nagtataka talaga siya kung bakit nawala ito sa loob ng restaurant na kanilang kinaroroonan.
“Parang tinakasan niya ako,” bulong niya sa sarili. “Bakit? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?”
Isinandig niya ang ulo sa sandalan ng three seater sofa at itinaas ang paa sa center table na gawa sa kahoy.
“Shantel Montoya,” he said. When he closed his eyes, her appearance played on his mind. Yes, I like you!
Nakapikit man ay napangiti siya. Lumarawan sa isip niya ang magandang mukha ng dalaga. Hindi niya maitatanggi sa sarili na sa unang kita palang dito ay humanga na siya. Kaya nga agad niya itong tinulungan ng makitang nagsusuka.
Sayang talaga. Hindi ko man lamang siya nakilala ng lubos. Nagmulat siya ng mga mata at inalis ang ulo sa pagkakasandig sa sandalan ng upuan. Umayos siya sa pagkakaupo. Saan kaya nakatira ang kaibigan niya? Kung pumayag lang siya na ihatid ko sa bahay ng kaibigan niya ay sana’y nagkaroon pa kami ng communication.
Napatingin siya sa cellphone na nakapatong sa center table ng mag-ring iyon. Kinuha niya ang gadget at tiningnan kung ano ang pangalan ng caller na nagpa-flash sa screen.
“Janette,” nausal niya nang mabasa ang pangalan ng girlfriend. Nagdalawang isip siya kung tatanggapin ang tawag. Himalang naalala pa niya ako. Kilala pa ba niya ako?
Mahigit tatlong buwan na siyang walang communication kay Janette at hindi na nga niya inaasahang tatawag pa ito. Sa pag-aaway nauwi ang huli nilang pag-uusap at kahit wala pa namang break-up na naganap sa kanila ay inasahan na niyang putol na ang kanilang relasyon.
Dahil patuloy pa rin ang pagtunog ng cellphone niya ay napilitan siyang tanggapin ang tawag. Walang gana siyang nag-‘hello’ at alam niyang halata iyon sa boses niya.
“Raf,” sabi ng masayang boses-babae. “Thank you for accepting my call...”
“Ang inaasahan ko'y wala na tayo, Janette,” sabi niya. “Bakit ka pa tumawag?”
“Ano ka ba naman, Rafael? Hindi ko gusto ang sinasabi mo. Konting tampuhan lang naman ang nangyari sa atin noong huli tayong nag-usap. Don’t take it too seriously.”
“Konting tampuhan?” sabi niyang pagak na tumawa. “Kung nakakamatay lang ang pagmumura ay patay na ako, Janette. Ganoon katindi ang away natin tapos sasabihin mong konting tampuhan lang. Are you okay?”
Hindi man niya ito kaharap ay umiling-iling siya.
“Nasaktan mo ako, Janette. Kaya nga hindi ko na inasahan pa ang tawag mo. Ang totoo ay gusto ko nang putulin ang relasyon natin.”
“Raf, I’m sorry,” gumaralgal ang boses na sabi ni Janette. “If I hurt you, forgive me. I'll just do something that will make you happy when I come home to the Philippines.”
He sighed and shook his head, that seemed to be talking to Janette personally. “I need space, Janette. Hayaan mo na lang muna ako.”
“What?” halos ay pasigaw sa sabi ni Janette. “Rafael, don’t be like that. I’m not ready to end our relationship. I love you.”
“Why? Is it because you didn’t get along with the man you want to replace me?”
“Ano ba’ng sinasabi mo, Rafael?” sabi nitong tuluyan ng umiyak. “Walang katotohanan ‘yan. That’s a lie!”
“You’re a liar, Janette. Ang tungkol sa lalaking iyon ang pinag-awayan natin. Ang lakas ng loob mo na ipagmalaki siya sa akin. Then, you are denying now. Why?”
“I’m sorry, Rafael. Believe me, I still loving you.”
“Tama na, Janette. Huwag na tayong maglokohan pa. Goodbye.”
Dahil sa galit ay in-off na niya ang cellphone. Nagtiim ang mga bagang niya saka naningkit ang mga mata habang nakatingin sa kawalan.
NAPILITANG sumama si Shantel kay Melgar. Naisip niyang mas ligtas siya sa resort nito kaysa sa maging palaboy sa lansangan. Kahit kasi piso ay walang natira sa kanya at lakas ng loob na lang ang pag-asa niya para mabuhay.
Maayos namang kausap ang bagong kakilala kaya nagtiwala siya. Inalok siya nitong tumira sa sarili nitong resort, kasama daw ang pinsan nitong babae. Ito raw ang tumatayong supervisor sa business nito at magiging kasama niya. Si Carmina, na isang matandang dalaga. May sarili daw itong studio type house sa loob ng Melgar’s Resort, na may apat na swimming pool at tatlong lodging house.
Before they left the place where she met him, their agreement turned out well. She will be a housekeeping staff and will receive a monthly salary. She become a full-time and stay-in at work starting tomorrow.
“May dalawa naman akong tauhan na on-call sa duty kapag maraming guests sa resort kaya makakatulong mo sila,” sabi ni Melgar habang nagmamaneho ng sariling kotse. “Hindi naman laging matao sa resort kaya hindi ka mahihirapan. Minsan nga ay nakatunganga lang si Carmina dahil walang bisita.”
“Walang problema sa akin, Mel. Kakayanin ko ang trabaho sa resort.”
“Sanay ka ba sa trabaho, Shantel?” tanong pa ni Melgar. “Or let me rephrase the question… do you know how to work?”
“Of course naman,” tugon niya sabay lunok. “Marunong siyempre. Ako pa ba?”
My God! Can I really work? sa isip-isip niya. Shantel, just be patient kung gusto mo pang tuluyang mabuhay. You can do it.
“Good,” nakangiting sabi nito. “Wala naman palang problema.”
“Trust me,” sabi pa niyang pinipilit talagang magpakatatag. Alam kasi niyang walang mangyayari sa kanya kung nawawalan siya ng lakas ng loob. “Ano ba’ng itatawag ko sa ‘yo mula ngayon? Sir or boss?”
Tumawa si Melgar. “Puwede bang babe na lang?”
Tumaas ang isa niyang kilay. Hindi siya umimik dahil hindi niya iyon nagustuhan.
“Biro lang,” sabi naman nito na tumigil sa pagtawa. “Just call me Mel. Okay na sa akin ‘yon.”
“Mel,” ulit niya. “Walang sir? Or boss?”
“Huwag na.”
“Are you sure, Mel?”
“Sure.”
“Okay, boss.”
Sinulyapan siya nito. “Naman!”
Tumawa siya. “Mas okay para sa akin ang boss Mel. Promise.”
“Makulit ka rin, ano?”
“Medyo.”
“Naku, Shantel,” pabuntonghininga nitong sabi. “Kung hindi ka lang maganda...”
Natahimik siya.
“At mabait,” dugtong nito. “Pinabayaan na sana kita. Never talaga kitang papansinin.”
“Salamat, boss Mel,” seryoso niyang sabi. “Mabuti ka nga at tinulungan mo ako. Samatalang ‘yong ibang lalaki sa paligid ko kanina ay hindi man lang tumulong. Wala man lang nagmalasakit sa akin.”
“Takot siguro silang mapahamak. Hayaan mo na lang sila. Ang importante ay ligtas ka. Hindi ba?”
“Kunsabagay,” sabi niyang bumuntonghininga rin. “Mabuti na rin na nagandahan ka sa akin. Dahil ngayon ay meron na akong matitirhan at may trabaho pa.”
“Goodluck sa work mo, Shantel,” ngiting-ngiting sabi ni Melgar. “Congrats. Welcome to Melgar’s Resort.”
“Thank you, boss Mel,” sabi niyang bigla kinabahan. Goodluck na lang sa ‘yo, Shantel.