HINDI inaasahan ni Shara ang galit na presensiya ni Jerson ng dumating ito sa kanilang bahay. Dahil nasa terrace siya ng sandaling iyon ay nakita niya kung paano pabagsak na isinara ang pinto ng sariling kotse, to the point na halos mawasak na iyon.
Tinawagan kasi agad ito kanina ng mama niya nang malamang umalis ng walang paalam ang ate niya. Dapat daw kasi ay malaman agad nito ang totoo pero hindi niya akalaing ganito ang magiging reaction ng lalaki, kaya nagulat siya.
"Where is Shantel?" pagsigaw nitong tanong ng makita siya. "Where did she go?"
Bagama't nagulat ay sinikap niyang huwag magpakita ng takot. Tinatagan niya ang pagkakatayo. "We really don't know where she go, Jerson. I'm sorry."
"Sorry?" sabi ni Jerson na pagak na tumawa. "Iyon lang ang sasabihin mo, Shara? Sorry for what?"
"Dahil ang totoo ay hindi talaga namin alam kung saan pumunta si ate."
"Bakit hindi ninyo alam? Kayo ang kasama niya dito sa bahay. Napaka-imposible ninyo."
"Nag-iwan lang si ate ng letter. At na kay mama iyon. Mabuting siya ang kausapin mo."
Tinalikuran siya nito. Iniwan siya at malalaki ang mga hakbang na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Sumunod siya rito. At nagulat sa malakas nitong pagtawag sa pangalan ng papa at mama niya.
"Jerson, huminahon ka naman," paalala niya rito. "Huwag ka namang mag-iskandalo. Please lang."
"How can I calm down? Shantel and I are scheduled to get married but she left. And you said, you didn't know where she is."
Hindi siya nakaimik. Sa kabilang banda ay may katwiran ito. Sino ba naman ang hindi matataranta kapag nalamang umalis ang babaing pakakasalan?
"Gusto kong kausapin ang mga magulang mo, Shara. Hindi puwedeng mabilad ako sa malaking kahihiyan."
Sabay silang napatingin sa tuktok ng mataas na hagdanan nang marinig nila ang boses ni Papa Noli.
"Let us talk, Jerson," mahinahong sabi kanyang papa habang bumababa sa baitang. "In a calm and orderly way."
Kitang-kita niya ang pagngangalit ng mga bagang ni Jerson. Maging ang pagkukuyom nito ng mga kamao. Ngayon palang niya itong nakita sa marahas na pagkilos pero na-alarma na siya. Posibleng maging bayolente ito kaya hindi niya iiwan sa pagkakataong ito ang ama.
"Paupo tayo," anyaya ni Papa Noli kay Jerson. "Be calm."
"Hindi maganda ang nangyaring ito, Tita Noli," agad na sabi ni Jerson matapos umupo. Malakas ang boses nito. "Hindi puwedeng umalis si Shantel. Magtakas ang ginawa niya. Bakit?"
"Wala kaming alam sa ginawang ito ni Shantel. Nabigla rin kami sa naging desisyon niya."
"Desisyon? Para saan ang desisyong iyon?"
Sinabi ng papa niya ang totoo tungkol sa naiwang sulat ni Shantel. Higit na nagtaas ng boses si Jerson. Hindi nito matanggap ang inihayag ng ama niya.
"Imposible! That's not true. Hindi totoong hindi ako mahal ni Shantel." Umiling-iling ito saka pagak na tumawa. "Nagmamahalan kami ni Shantel kaya nga magpapakasal kami."
"Iyon din ang akala namin ng mama niya, Jerson. Nakakagulat talaga ang pag-alis niya ng walang paalam dahil ang totoo ay wala wala siyang pagmamahal sa 'yo."
"Hindi puwedeng mangyari ito," sigaw ni Jerson na biglang tumayo. "Hindi puwedeng takasan ni Shantel ang aming kasal."
"Pero, Jerson--"
"Shantel needs to come back. I can't accept this embarrassment."
Napasigaw si Shara nang haklitin ni Jerson ang braso ng papa niya. Hinampas niya ito sa likod.
"Bitiwan mo si papa," sabi niya. "You have no respect!"
Bitiwan nito ang kanyang papa. Niyakap naman niya ito at inilayo. Galit itong tumalikod at padabog na lumabas sa kanilang bahay.
"Papa, nasaktan ka ba?" tanong niya dito na labis na nag-alala. "Are you okay, papa?"
"I'm okay, Sha," pabuntonghininga nitong tugon. "Hindi ko masisisi si Jerson. Hindi maganda ang ginawa ng ate mo. Ilalagay niya sa malaking kahihiyan ang fiance niya."
Kasabay ng pag-upo ni Papa Noli ay nakadama siya ng sundot ng kunsensiya.
I'm so sorry, Jerson, she said to herself. She didn't think such thing could happen when she urged Shantel to go away. It's out of her mind that Jerson would be the most affected by the situation. Pero wala na si Ate Shantel. At hindi ko talaga alam kung nasaan na siya. I don’t really know how she will get back.
"DITO siya titira sa resort?" gulat na tanong ni Carmina nang ipinakilala ni Melgar si Shantel at sinabi ang magiging sitwasyon. "At makakasama ko sa bahay?"
"Yes, you heard me right, Ate Carmi. Makakasama mo na bahay si Shantel. Hindi ka na malulungkot dahil mula ngayon ay may kasama ka na."
Bahagya siyang yumukod kay Carmina. Ngumiti. "Nice meeting you, Ate Carmi. Don't worry, wala kang magiging problema sa akin. Promise."
Hinagod siya nito ng tingin. Saka walang ngiting tumango at tinitigan siya ng tuwid sa mukha. "Sana nga'y magkasundo tayo, Shantel."
"Salamat, ate," tugon niyang mas niluwangan ang pagkakangiti. "Magsisipag ako sa magiging trabaho ko."
"Halika," anitong kinuha sa kanya ang bitbit niyang plastic at paper bag, na kinalalagyan ng ilang bagong damit. "Ito rin ang pagiging bahay mo."
"Boss Mel," sabi niyang tumingin muna kay Melgar. "Papasok na ako."
"Okay, Shan," anito na ngumiti. "Bukas na lang ako babalik para kumustahin ang unang gabi mo dito sa resort. I'm going home now."
"Bye, Boss Mel. Take care."
"Ate Carmi, rest muna si Shantel ngayong gabi," bilin ni Melgar. "Bukas na siya mag-start sa work."
"Oo, naman," tugon ni Carmina. "Ako na ang bahala sa kanya, Mel. Goodnight."
Tinanguan niya si Melgar ng mag-'goodnight' ito sa kanya. Muli siyang nagpasalamat dito.
Nang umalis na ito ay saka sila pumasok ni Carmina sa studio type house nito, na magiging bagong tahanan niya. Malinis ito kahit hindi kalakihan. Halatang babae ang nakatira dahil nasa ayos ang lahat.
"Mabuti pala at double ang bed ko kaya okay lang na magkatabi tayo sa pagtulog," sabi nito na ngumiti na. "Isa pa'y hindi naman ako malikot matulog."
Malinis at maayos ang beddings ng kama. Mukhang mabango din. Kaya tipong kahit walang air-condition at stand fan lang ang gamit ay mahihimbing siya sa pagtulong.
"Maluwag naman ang aparador ko kaya puwede mong gamitin para lagyan ng damit at iba pang personal things mo. May maliit tayong refrigator at puwede ka ring maglagay ng stock foods mo. Don't worry, hindi ko pakikialam 'yon."
Sabay silang tumawa ni Carmina. Naisip niya, mabait naman pala ito. Mukha lang suplada sa unang tingin. Sure siya na makakasundo niya ito at wala silang magiging problema.
"Salamat, Ate Carmi," sabi niyang naupo sa makitid na three seater sofa na nakapuwesto sa gilid ng kama. "Magpi-feel at home na ako dito sa bahay mo."
"Walang problema. Bahay mo na rin ito. By the way, kumain ka na ba ng dinner? May food sa mesa na puwede mong kainin."
"Tapos na, ate. Kumain na kami sa isang restaurant bago kami tumuloy dito ni Boss Mel."
"Masuwerte ka, Shantel," seryosong sabi ni Carmina. "Naka-vibes mo agad si Melgar. Ang totoo'y pihikan siya sa babae. May pagka-isnabero kaya himalang nakasundo mo agad."
"Naawa kasi siya sa akin," tugon niya. Saka tuluyang ikinuwento ang nangyari sa kanya bago siya nakilala ni Melgar. "Kaya nga ipinamili niya ako ng ilang damit na susuotin ko. Ikakaltas na lang daw sa susuwelduhin ko."
"Grabe naman ang magnanakaw na 'yon. Hindi na naawa sa 'yo. Mabuti na lang at nakita ka ni Melgar. At napansin." Ngumiti si Carmina. "Kung sabagay, ang ganda mo kasi. Kapansin-pansin ka talaga."
"Hindi naman," sabi niyang ngumiti. "Suwerte ko lang talaga na nakita ako ni Boss Mel."
"Alam mo, tingin ko ay mayaman ka. Nasa tipo mo. Saan ka ba talaga galing?"
"Long story, Ate Carmi. Sa susunod ko na ikukuwento kasi parang pagod na ako at gusto ko ng matulog."
"Sige lang, Shantel. Pahinga ka na. At bukas ay start ka na sa work mo. Nice meeting you."
Inilahad nito ang kamay. Tinanggap naman niya iyon.
ANG totoo, kahit pagod at inaantok na si Shantel ay hindi makatulog. Hindi kasi maalis sa isip niya ang iniwanang pamilya sa Manila.
Kumusta na kaya sila? tanong niya sa sarili. Galit kaya sa akin sina papa at mama? Napanindigan kaya talaga ni Shara na wala siyang alam sa pag-alis ko?
Lalo siyang nalungkot. Kaya nang ipinikit niya ang mga mata ay pumatak ang kanyang mga luha. Pero pinigil agad niya ang sarili. Hindi niya gustong umiyak. Baka abutan ako ni Ate Carmi na umiiyak. Nakakahiya naman.
Sinikap na lang niyang huwag mag-isip pa. Matapos niyang punasan ang mga luha ay mariing ipinikit ang mga mata. Pauli-ulit na isinigaw ng utak niya na matutulog na siya.
Hindi naman nagtagal ay naidlip na siya. Nahimbing. Dahil sa hindi matatawarang karanasang pinagdaanan niya sa buong araw na totoong nakakapagod ay napasarap siya ng tulog.
Inabot na siya ng alas-otso ng umaga ay nakahilata pa siya sa kama. Hindi naman siya ginambala ni Carmina. Kaya nang dumating si Melgar sa resort ay pinasok siya sa bahay. Natatawa siya nitong pinagmasdan habang nakahilata.
Wala siyang kaalam-alam na naalis na ang kumot niya at ng sandaling iyon ay nasa may paanan na niya. Kaya nakalantad ang mapuputi at makinis niyang mga hita, na paulit-ulit na hinagod ng tingin ni Melgar.
"Shantel," anas nito na napapalunok. "You're so beautiful..."
Nang kumilos siya at iniharap ang sariling katawan sa dingding ay napapitlag si Melgar. Inakala nitong nagising siya kaya dali-dali itong lumabas ng bahay.
Nakita ito ni Carmina, na palapit naman sa bahay kaya nagtaka sa ikinilos ng lalaki. "Bakit, Mel?"
"Tulog na tulog pa pala si Shantel," mabilis nitong tugon. "Mukhang napagod sa biyahe kaya hindi ko muna ginising."
Natawa ang babae. "Parang naawa rin akong gisingin siya kanina kaya hinayaan ko muna. Pero tanghali na at dapat siguro'y abalahin ko na para makapagtrabaho. First day of work niya ngayon."
"Oo, Ate Carmi. Mabuti pa nga. Doon muna ako may swimming pool magtitigil."
BINILISAN ni Shantel ang pagkilos. Hiyang-hiya siya dahil hindi niya nagawang gumising ng maaga.
Matapos siyang gisingin ni Carmina at nalaman niyang tanghali na ay agad siyang pumasok sa banyo para maligo. Halos hindi na siya nakakain ng maayos dahil alam niyang narito na sa resort si Melgar at sabi nga ng pinsan nito ay naghihintay sa kanya.
"Sana ay ginising mo ako, Ate Carmi," sabi niyang matapos inumin ang tirang kape sa tasa. "Nakakahiya naman kay Boss Mel at inabutan akong nahihimbing pa."
"Alam naman niyang pagod ka," tugon ni Carmina. "Iyon din ang dahilan kaya hindi muna kita ginising ng maaga."
"Sorry talaga. First day of work ko pa naman ngayon. Ano ba ang magiging trabaho ko?"
"Puntahan mo na muna si Mel. Naroon siya sa may pool."
"Sige, ate. Salamat," sabi niya saka lumabas sa bahay. "Nakakahiya. Nasaan kaya si Melgar?"
Agad niyang natanaw ang lalaki na nakatayo sa may dulong swimming pool. Mabilis ang kanyang paglakad na lumapit dito.
When Melgar saw her, he spoke with concern. "Dahan-dahan ka lang, Shan. Huwag kang magmadali at baka madulas ka."
Natuwa siya sa pagmamasakit nito sa kanya. Para bang ang bait-bait nitong tao. Naisip niyang bigla na masuwerte ang babaing mamahalin nito.
Nagkapuwang sa isip niya ang sinabi kagabi ni Carmina tungkol na pagiging pihikan nito sa babae. May pagka-suplado daw ito kaya nagulat ito kung bakit siya agad na naka-vibes.
Gosh! Does Melgar like me? Is he suddenly felt love at first sight on me?
Natigilan siya ng nasa harap na ni Melgar. Napatitig siya rito. Habang ito naman ay halos mapunit na ang sulok ng mga labi sa luwang ng pagkakangiti.
"You really made me happy, Shantel," bulong nito. "Kapag nakikita kita ay sumasaya ako... gaya ngayon."
"B-Boss Mel?"
Hinawakan siya nito sa braso. Saka nagpakawala ng malalim na hininga mula sa dibdib.
"Masaya ka kasing kasama," sabi nito. "Kagabi lang tayo nagkakilala pero naging masaya na ako. Kahit ilang oras lang tayo nagkasama ay nag-enjoy na ako sa company mo."
"Salamat naman at napasaya kita, Boss Mel. Hayaan mo at patuloy akong magiging mabuting kaibigan sa 'yo."
"Sana ay dito ka sa resort habambuhay..."
Tumawa siya ng mahina. "Habambuhay talaga, Boss Mel?"
"Sana," seryoso nitong tugon na tuwid na tumingin sa mga mata niya. "Magagawa mo ba iyon pa sa akin?"