CHAPTER 7

2003 Words
HINDI makatugon si Shantel sa tanong ni Melgar. Hindi kasi niya alam ang sasabihin dito. Wala sa loob niya na itatanong nito ang bagay na iyon. "Nabigla ka sa tanong ko, ano?" pagdaka'y sabi nito. "Nakakagulat ba?" Pinilit niyang ngumiti. Iniiwas niya ang mga mata dito. Totoo namang nakakagulat para sa kanya ang tanong nito. Ano bang puwede niyang isagot dito na hindi mau-offend? Ano ba'ng pumapasok sa utak nitong si Melgar? Parusa! "Forget it," sabi nito. "Hayaan mo na 'yon. Wala lang masabi ang boss mo." Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag. Iniba agad niya ang usapan. "Boss Mel, ano ba ang magiging duty ko today?" Nagawa niyang kumilos ng kaswal. Mabuti na lang at hindi siya nadala ng emosyon. Agad siyang naging kampante. Nabalewala talaga ang tanong nitong hindi madaling sagutin para sa kanya. Dahil sa ikinikilos ni Melgar at sa mga nabitiwang salita nito ay nabatid niyang may espesyal itong pagtingin sa kanya. Hindi siya malisyosang tao pero tiyak niyang hindi simpleng empleyada lang ang turing nito. Hindi siya manhid para hindi maramdamang may interes ito sa kanya. Kaya siya kinupkop nito ay gusto talaga siyang makasama at tuluyang maugnay sa buhay nito. Hindi nga nabura sa isipan niya ang sinabi nito na sana ay habambuhay na siyang manatili sa resort. Obviosly, Melgar has a dream to be her partner in life in the future! Hindi puwede, sa isip-isip niya. Hindi siya ang lalaking pinapangarap ko. Alam kung masasaktan siya pero dapat ay umagwat ako sa kanya. Hindi kami puwedeng maging close sa isa't-isa. Oo, sa ngayon ay puwede nitong maiwasan ang damdamin o pansamantala iyong balewalain. Pero sigurado siya na darating ang pagkakataong hindi na ito makakapagpigil. Darating ang araw na paninindigan nito ang pag-ibig sa kanya at ipaglalaban. Bagay na malinaw sa utak niya na magiging problema. Kahit kasi nababaitan siya kay Melgar ay wala siyang mararamdamang pagtatangi dito. In fact, tiyak niyang hindi mahuhulog ang loob niya dito. Sabihin pa ay wala siya ni gatiting na paghanga rito kahit guwapo at magandang pumorma. Tulad kay Jerson ay wala siyang naramdamang spark nang makita ito. Ibang-iba kumpara sa feelings na naramdaman niya kay Rafael, na lihim siyang kinilig at pinangarap agad na sana ay ito na ang destiny niya. Kumusta na kaya si Rafael? tanong niya sa sarili nang maalala ang unang lalaking nagmalasakit sa kanya pagdating niya sa bayang iyon. May chance pa kayang magkita kaming dalawa?   Napalunok siya. Kung mangyayaring muling mag-krus ang landas ninyo ni Rafael ay siya talaga ang destiny mo, Shantel. Magsaya ka na dahil pinagtagpo talaga kayo ng kapalaran. "Sana nga," nausal niyang ngumiti. Nagbigay sa kanya ng tuwa ang naisip na iyon. "Mangyari nga sana iyon." Napatigil siya sa pagwawalis sa isang unit ng lodging house ng muling nagkapuwang sa utak niya si Melgar. Paano naman si Boss Mel kapag nagkataon? "Naku, naman," bulong niyang napaupo sa kama na walang beddings. "Malaking problema talaga ito..." May narinig siyang suhestiyon mula sa isang bahagi ang utak niya. Mahalin mo na lang si Melgar, Shantel. Magiging masaya ka rin sa piling niya dahil mahal ka niya. Umiling siya. Hindi siya sang-ayon sa dikta ng kanyang utak. Bigla siyang napatayo mula sa kama at wala sa loob na nagsalita ng malakas. "Hindi ko mahal si Boss Mel. Hindi ko tatanggapin ang panliligaw niya kung sakali. Never!" Wala siyang kaalam-alam na nasa labas pala ng lodging house si Melgar at narinig nito ang kanyang sinabi. Naningkit ang mga mata nito dahil sa galit at nagtagis ang mga bagang. DAHIL dumating na ang buwan ng tag-init at nakita ni Rafael na nasa tamang gulang na ang mga dahon ng mangga ay plano na niyang mag-spray ng flower inducer para mamulaklak ang mga puno sa mango farm niya. Nakangiti pa niyang kinuyumos ang isang dahon ng mangga para matiyak na magulang na iyon. Natuwa siya ng lumangitngit iyon na para bang malutong na fried chicken. "Kailangan ko na talagang mag-apura," bulong niya. "Pupunta ako sa bayan mamaya para bumili ng potassium nitrate para magamit na spray." Ipinamulsa niya ang dalawang kamay sa suot na pantalon. Hinagod niya ang tingin ang mga puno ng mangga sa malawak na ektarya ng farm niya. Ito ay pamana sa kanya ng mga namayapang magulang. Dahil unico hijo siya at sa lugar na iyon mabuhay ng matiwasay mula pagkabata ay lubos niyang pinagmalasakitan. Talagang dito na niya ibinuhos ang buong buhay niya at ipinangako sa sarili na doon na rin mamamatay. Kaya nga halos ipagpalit na siya ng girlfriend na si Janette sa ibang lalaki. Gustong-gusto kasi nito na pareho silang mag-stay sa Canada dahil naroon ang mga magulang nito. Pero ayaw nga niyang iwan ang sariling mga magulang at pati ang mango farm, na walang ibang magpapalasakit. Inasahan ni Janette na susunod na siya sa ibang bansa nang sabay na mamatay ang mga magulang niya sa car accident pero nabigo pa rin ito. At nabalitaan nga niya na may iba't-ibang lalaking naugnay sa buhay nito, na ayaw aminin. Siya pa rin daw ang boyfriend nito at hindi iyon magbabago. Pero nawalan na siya ng gana sa kanyang girlfriend. Hindi na niya ito mahal. At para sa kanya ay wala nang kahahantungan pa ang relasyon nila. For him, Janette has no boyfriend to return to. So, he prayed that she would not return to the Philippines and be completely satisfied with the country she was in. "Para sa sarili mo ring ikaliligaya ang bagay na 'yan, Janette," bulong niya sa sarili habang nagmamaneho ng sasakyan niya. That time ay papunta na siya sa bayan para bumili ng spray for flower inducer sa mga puno ng mangga. "Seryoso na talaga akong kalimutan ka. Sorry. Handa na akong palitan ka. Kapag may bagong babae akong napusuan ay ganap ka ng malaya." Nang mapansin niya ang paboritong restaurant na kinakainan ay biglang naalala ang babaing pinagmalasakitan niya. "Shantel Montoya," anas niya. Napunit ang maluwang niyang ngiti na inihinto sa parking area ang sasakyan. Ewan kong bakit bigla niyang naisip na nasa loob ng kainan ang babae. "Sana'y totoo na narito ka. Sana'y nagkita na uli tayo ngayon." Mabilis ang kilos niya. Parang nagmamadali. Sabik niyang binuksan ang pintuan ng restaurant sa pag-asang naroon ang babaing pinanabikang makita. Nausal niyang muli ang pangalan nito habang inililinga ang paningin. Pero unti-unting napawi ang pagkakangiti niya ng matiyak na wala roon ang babae. Sobra siyang nalungkot dahil sa pagkabigo! DAHIL hindi naman sanay paglinis si Shantel ay agad siyang nakadama ng pagod. Pagkatapos niyang pagwalis ay napangiwi siya ng namula ang kamay at tila namaga. "Ang sakit," bulong niya habang marahang ipinapagpag ang palad. "Huwag naman sanang mangapal ang kamay ko." Mula pagkabata ay ni hindi niya nagawang maglinis ng bahay. Kahit nga ang sarili niyang kuwarto ay hindi niya pinagkaka-abalahan. Palibhasa ay may mga katulong sila para magtrabaho para sa kanila. Tinitigan niya ang kanang kamay. Saka sinapo iyon ng kaliwang palad at inilapat sa tapat ng dibdib. Parang gusto niyang umiyak. Pero agad siyang umiling. Hindi ako iiyak... Naghumiyaw pa ang isip niya. Wala akong pinagsisisihan. Narito na ako kaya ipagpapatuloy ko na ito. Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan ng lodging house. Nanlaki ang mga mata niya ng mapatingin kay Melgar na pumasok doon. "Boss Mel?" nausal niya na biglang tumayo mula sa kama. Iba ang dating nito sa sandaling iyon. Kinabahan siya. "Bakit, boss?" Hindi ito umimik pero nanatiling nakatitig sa kanya. Kita niya sa mga mata nito na parang may galit. Nasapo niya ang sariling dibdib. Umurong siya ng humakbang ito palapit sa kanya. Lalo siyang kinabahan dahil tila may masama itong binabalak. "Boss Mel, may problema ba?" tanong niyang pinipilit maging kampante. Sumiksik sa isip niyang hindi siya dapat magpadala sa takot. "M-may sasabihin ka ba?" "Shantel," anas nito saka tumigil sa paghakbang. Napansin niyang tila unti-unting napawi ang galit na nakarehistro sa mukha nito. "Okay ka lang ba?" "A-anong..?" Bigla siyang naguluhan sa ikinilos nito. Pero sinikap niyang ipakita rito na hindi siya apektado. "Bakit narito ka pa? Hindi ba't umalis ka na kanina?" "Bumalik ako," tugon nitong tuluyang naging mahinahon. "At nakita ko sa bintana na parang may masakit sa 'yo. Ang kamay mo ba?" Tumango siya. "Pero wala ito. Simpleng bagay lang." Tuluyan na itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niyang ipinapagpag kanina. Ngayon ay tiyak niyang nakita nga nito ang dinadamdam niyang sakit kanina. "Ngayon lang siguro nagtrabaho ang kamay na ito," sabi ni Melgar na hinaplos ang palad niya. "Pulang-pula. Tiyak na mamamaga ito." Binawi niya mula sa pagkakahawak nito ang kanyang kamay. "Okay lang ako, Boss Mel. Sanay akong magtrabaho." "Hindi," sabi nitong umiling. "Ang nipis ng palad mo. Tiyak ko na ngayon ang first time mong humawak ng walis at basahan para maglinis." Napatungo siya. Ayaw na niyang pagsinungaling pa. Pero hindi niya alam kung paano sasabihin ang totoo. "M-masasanay din ako, boss," tugon niyang tumungo. "Huwag mo akong alalahanin. I'll be okay." "Shantel, ang totoo'y gusto kong magalit sa 'yo. Pero hindi ko kaya..." "Pasensiya ka na, Boss Mel? May mga bagay lang talaga akong hindi masabi o maipagtapat sa 'yo. Pero sisikapin ko talagang makapagtrabaho ng maayos para masulit ang ipasusuweldo mo sa akin." "That's not the reason why I'm angry..." "Be direct to the point, Boss Mel. Ayokong mag-isip. Hindi ito madali para sa akin." "Mahal kita, Shantel," pag-amin ni Melgar. Dahil naisip na niya ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi na siya nagulat. "Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding feelings sa buong buhay ko." "P-pero boss lang ang turing ko sa 'yo." "Kaya nga nagagalit ako. Dahil narinig ko kanina ang sinabi mong hindi mo tatanggapin ang panliligaw ko." "N-narinig mo iyon, Boss Mel?" "Dinig na dinig dahil nariyan lang ako sa labas nitong lodging house. Kaya galit na galit ako kanina..." Nasapo niya bibig habang nakatingin dito. Gusto sana niyang mag-sorry pero tinalo siya ng labis na hiya. "Pero dahil nga mahal kita ay hindi ko magawang tuluyang magalit sa 'yo. Shantel, ngayon ay mas matindi ang nararamdaman kong awa para sa 'yo. Dahil nahirapan ka sa trabahong hindi mo naman talaga ginagawa." "Huwag mo akong kaawaan, Boss Mel. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay. Kung iniisip mo'ng gawin akong girlfriend para hindi mahirapan at aasa na lang sa 'yo... hindi ko tatanggapin iyon. Hindi ako ang tipo ng ganyang babae." "Pero bigyan mo sana ako ng pagkakataon para tuluyan kang mahalin, Shantel. You are free to act what you are here at the resort. But let me feel my love to you because I'm hoping that you will love me too." HINDI inaasahan ni Rafael na lalapitan siya ng isang kaibigan habang bumibili ng potassium nitrate sa suking agricultural shop. "Pareng Almer, kumusta?" "Okay lang, pare," tugon nito. "Mabuti at nakita kita rito. Hindi ko na kailangang pumunta sa farm mo." "May sasadyain ka ba sa farm?" Iniabot nito sa kanya ang isang invitation card. Tinanggap niya iyon. "Ano'ng occassion, pare?" "One year birthday party ng aanakin mong bunso ko," tumawa ito. "Kasabay na sa araw na iyon ang kanyang baptismal kaya hindi ka puwedeng hindi dadalo." Napatawa rin siya. Saka ito kinamayan. "Totoo na ang pagiging magkumpare natin, pareng Almer. Inaanak ko na ang bunso mo." "Salamat, pare. Pero pasensiya na at dito ko na ibinigay iyang invitation. May kalayuan din kasi ang farm mo." "Walang problema, pare. Mabuti na ring natanggap ko ito. At least, alam ko na ngayon na may aanakin ako." "Next month pa naman iyan. Pero huwag mong kalilimutan, ha. Markahan mo na ang kalendaryo mo." "Umaasa ka, pareng Almer. Darating ako." "Mabuti na lang at nakita kita rito sa shop. Tiyempong dala ko sa kotse ang mga invitation cards na ipamimigay ko." Muli niya itong kinamayan. Nagpasalamat siya. Nagpaalam naman ito nang maalis ang pagdadaop ng kanilang palad. "Ingat, pare," sabi niya. "Regards sa inaanak ko." Masaya siya nitong iniwan sa agricultural shop. Nang wala na ito ay saka niya binuklat ang naka-sobreng invititon card. Binasa niya kung saan gaganapin ang reception after the baptismal. "Melgar's Resort..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD