TUWANG-TUWA si Shara ng makatanggap ng tawag mula kay Shantel. Halos maglumukso ito sa kaligayahan habang siya naman ay nangingilid ang mga luha dahil sa pananabik na makita ito ng personal.
"Kumusta ka na, ate? Mabuti naman at tumawag ka. I miss you so much."
"Miss na miss na rin kita, Sha. Pati sina papa at mama. Kumusta na sila?"
"They are not okay, sis. Bukod sa nag-aalala siya sa 'yo ay ginugulo sila ni Jerson."
"Ginugulo sila. Bakit? Paano?" Tuluyan ng pumatak ang kanyang mga luha. Agad siyang nag-alala sa mga magulang. "Ano'ng ginagawa ni Jerson na panggugulo?"
"Ang lalaking iyon," pabuntonghiningang sabi ni Shara. "Hindi ko rin inaasahang may bad attitude siya. Kapag pinupuntahan niya dito sa bahay sina papa ay kulang na lang na saktan niya."
"Hindi ba sila sinasaktan ni Jerson? Sha, huwag kang papayag na masaktan ang parents natin. Wala siyang karapatang manakit?"
"Oo naman, ate. Hindi ako umaalis kapag narito siya sa bahay. Hindi ko siya sasantuhin kapag nasaktan ang parents natin. Pero iyon nga lang... talagang masakit ang mga salitang sinasabi niya."
"Naaawa ako kina mama at papa. Hindi madali para sa kanila ang pinagdadaanan sa ngayon."
"Balak mo bang umuwi, ate?"
Umiling siya, na para bang kaharap ang kapatid gayong sa cellphone lang ito kausap. "Sa ipinakitang attitude ni Jerson ay mas lalong hindi ko siya mamahalin, sis. Oo nga't may kasalanan ako sa kanya pero hindi niya dapat idinadamay sina papa. Wala siyang respeto."
"Tama, ate. Dapat ay hindi ganoon ang pagtrato niya sa parents natin. Hindi niya dapat idamay sa galit sina papa bilang paggalang sa mga ito."
"Lalong ayaw kong magpatuloy pa ang relasyon namin ni Jerson. Hinding-hindi ako uuwi para magpakasal sa kanya."
"Malalampasan din nina papa ang problemang ito, ate. Matatanggap din ni Jerson ang pagkawala mo."
Minsan pa siyang nagpakawala ng malalim na hiningang hinugot sa dibdib. Pinalis niya ang mga luhang bumasa sa magkabilang pisngi.
"Pero maayos ka ba diyan sa kinaroroonan mo, ate? Okay ka lang ba?"
"I'm okay here, sis," tugon niya. "Although, hirap ako sa pagtatrabaho pero kaya ko naman. Maayos ang kalagayan ko rito. Mabait ang lalaking kumupkop sa akin dito."
"Ate, have you found your destiny? Does the man you are with now make your life happy?"
"No, Sha. He was the one who helped me. He gave me a place to live and a job. Kaya lang, may problema ako ngayon sa kanya."
"Bakit, ate?"
Sinabi niya kay Shara ang pinuproblema. Napatawa ito.
"Ang haba talaga ng hair mo, sis. Pati ba naman d'yan ay may ala-Jerson Avestruz pa din?"
"Ewan ko nga ba, Sha," sabi niyang tumawa din ng mahina. "Wish ko lang na hindi isa sa kanila ni Jerson ang talagang destiny ko."
Biglang sumagi sa utak niya sa Rafael Vinuya. Ang lalaking hanggang ngayon ay hindi nawawala sa isipan niya. Hindi niya naiwasang ikuwento ito sa kapatid.
"Huwag mo siyang pag-aksayahan ng panahon, ate. Get him out of your mind. It's hard to hope for nothing."
"But I like him, sis. Siya talaga ang gusto ko. At umaasa ako na darating ang panahong magkikita kaming muli."
"Sana nga, ate. Sana lang."
"MELGAR really loves you, Shantel," nagulat si Shantel sa sinabing iyon ni Carmina habang kumakain sila ng hapunan. Maaga silang nagsara ng resort dahil walang guest. "This is the first time that he fell-in-love. And he's having trouble with it. "
Pamaang siyang napatingin dito. Hindi sumagi sa isip niya na magiging paksa iyon ng kanilang usapan. Bigla na nga lang nitong sinabi ang tungkol dito.
"Pasensiya ka na, Shantel," sabi pa ni Carmina. "Naawa lang akong bigla sa pinsan ko kaya nabanggit ko."
Ayaw sana niyang pag-usapan nila si Melgar sa sandaling ito pero nahihiya naman siyang kontrahin ito. Sa simula palang ng samahan nila ay naging mabait na ito sa kanya kaya hindi magandang pagkaroon ng dahilan para mag-away sila.
Kailangan niyang makinig at umunawa dahil mahalagang tao para kay Carmina si Melgar. Kung magpapakita siya rito ng hindi magandang asal ay tiyak na didibdibin nito. Kaya sinikap niyang maging kampante kahit naguguluhan ang kanyang isip.
"Hindi inilihim sa akin ni Melgar ang tungkol sa feelings niya sa 'yo, Shantel. At sa simula palang ay nabanggit na rin niya sa akin na wala ka'ng gusto sa kanya..."
Tuwid siyang tumingin sa mga mata nito. "Iyon ang totoo, Ate Carmi. Hindi ako naglihim sa kanya o nagkunwari."
"Kaya namublema ang pinsan ko. Nahihirapan. Hindi niya matanggap na until now ay wala pa rin siyang nakikitang pagbabago sa feelings mo."
"Boss lang talaga ang turing ko sa kanya. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Sana ay maunawaan mo, Ate Carmi."
Sumubo ng kanin si Carmina bago nagsalita. "Gusto pa naman niyang manligaw sa 'yo ng seryoso. Shantel, sana ay bigyan mo siya ng chance to do it."
She shook her head. "Ayokong umasa siya sa wala. Mas masasaktan lang siya."
"Bakit kasi na-in-love pa siya sa 'yo?" Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Carmina para sa pinsan nito. "Pero nauunawaan kita, Shantel. At nalulungkot ako para kay Melgar."
"Ate Carmi, ayaw ko na uling magkamali," pagtatapat niya. "The truth is, I'm just here to hide ..."
"P-para... m-magtago..?"
Hindi na siya nangiming ipagtapat kay Carmina ang katotohanan. Umasa siyang ibabahagi nito sa pinsan ang bagay na ito at sana ay mabuksan ang pang-unawa ni Melgar.
"Gusto ko ng tahimik na buhay, ate. Ayokong malagay sa alanganin at pagsisihan ko ang maling desisyon. Kaya masabi mo sana kay Boss Mel na huwag na siyang manligaw pa sa akin. I want to be fair with him."
Tumango si Carmina. Ngumiti. Halatang naintindihan naman nito ang kanyang sitwasyon. Mangyari sana na maibahagi nito kay Melgar ang saloobin niya, for the sake of peacefulness.
HINDI inaasahan ni Shantel na pupunta si Melgar sa resort ng gabing ito, na may dalang bouquet of fresh flowers, a basket of friuts and a box of chocolates. Sarado na ang lugar at pinagbuksan na lang ito ng security guard kaya nagulat talaga siya.
"Nag-abala ka pa, Boss Mel," sabi niya ng tinanggap ang flowers and chocolate. Nilingon niya si Carmina na hindi rin inaasahan ang pagdalaw ng pinsan. "Ate Carmi, pakikuha ng fruits."
"Sige," sabi nitong dali-daling lumapit. "Hindi ka man lang tumawag, Melgar. Matutulog na sana kami si Shan."
"Puwede pa ba'ng pumasok?" tanong nito. "Mang-aabala muna ako sa inyo."
"Puwede naman," tumatawang tugon ni Carmina. "Ikaw naman ang boss dito. Hindi ba, Shan?"
"Come-in," walang ngiting anyaya niya kay Melgar. Hindi naman kaila sa binata ang bagay na iyon. "Thank you sa mga dala mo, boss."
Pumasok ito at umupo sa sofa. Nalungkot ito dahil halatang napilitan lang siyang humarap nito. Humingi ito ng pasensiya. "Huwag mo naman sana'ng ikagalit, Shan."
"Hindi naman ako galit, Boss Mel. Pero ayaw ko lang umasa ka. Ayaw ko ring masaktan ka kaya hangga't maaga sana ay umiwas ka na."
Umupo siya sa kabilang dulo ng sofa.
"Sana'y maunawaan mo ako," sabi pa niya. "Don't be angry with me, boss. I just want to be fair with you."
"Gusto ko ang ginagawa kong ito, Shan. In fact, I'm so happy being with you right now. Hayaan mo lang akong gawin ang gusto ko."
"Boss Mel--"
"Shantel, nakahanda na ako," putol nito sa sasabihin niya. "Kung ano man ang ibunga ng gagawin ko'ng panliligaw ay matatanggap ko. So, please... accept me anytime when I go here to visit you."
"Bahala ka, Boss Mel. Kung iyan talaga ang gusto mo ay wala na akong magagawa pa. You're always welcome here."
"Thank you, Shan. Don't worry, hindi kita pupuyatin dahil alam ko namang may work kayo ni Ate Carmi kinabukasan."
"Excuse me," sabad ni Carmina sa kanilang usapan. "Ako ay matutulog na. Huwag n'yo na lang akong pansinin dito sa bed. Kunwari ay wala ako at hindi ko kayo naririnig sa pag-uusap."
Sabay silang tumawa ni Melgar.
"Sleep well, Ate Carmi," sabi nito. "Goodnight."
"Goodnight, ate," sabi naman niya.
"Goodnight to both of you," tugon ni Carmina saka nagtalukbong ng kumot. "Enjoy the conversation."
Saglit silang nahulog sa katahimikan ni Melgar. Pero ito ang unang nagsalita. Gaya nang inaasahan niya ay nag-usisa ito tungkol sa kanyang trabaho.
"Kaya mo pa ba, Shan?"
"Oo, naman," walang gatol niyang sagot. "In fact, mas sanay na ako sa trabaho ngayon."
"Hindi ka ba nahihirapan?"
"Okay lang talaga ako, boss. Kaya ko. Hindi naman ako sobrang napapagod lalo na't bihira naman ang guest sa lodging house. Kapag naman may naliligo sa swimming pool ay wala akong masyadong ginagawa."
"Good," sabi nitong tumango-tango na nakangiti. "Natutuwa ako at walang rason para umalis ka dito sa resort. Sana nga ay dumito ka na at huwag ng maghanap ng ibang trabaho."
Depende rin siguro kapag nakulitan ako sa 'yo, Melgar. Mapipilitan akong umalis dito sa resort kapag napansin ko'ng nai-in-love ka na sa akin ng sobra.
"Ikalulungkot ko talaga kapag nawala sa rito, Shan. Hindi ko siguro kayang tanggapin iyon."
Ito na ang sinasabi ko, hiyaw pa ng isip ni Shantel. Problema ko talaga kapag na-in-love ka na sa akin ng todo, Melgar. Baka hindi na ako makawala pa sa 'yo.
"Sorry," pagkuwa'y sabi ni Melgar. "Baka naiinis ka kapag naririnig mo ang ganyang bagay na sinasabi ko. Pero totoo 'yan, Shantel."
"Kaya nga nagpapaalala ako sa 'yo, boss. Ayokong dumating sa ganyang punto. Masasaktan ka lang. Hindi ko alam kung ano ang kahahantungan ng ating sitwasyon."
Kitang-kita niya ang matinding lungkot na gumuhit sa mukha ni Melgar. Hindi ito umimik pero nanatiling nakatitig sa mukha niya. Naasiwa naman siya kaya tumungo.
"By the way," anito pagkatapos bumuntonghininga. "Mayroong birthday and baptismal party next week dito sa resort. Fifty person ang invited kaya maraming tao. Be ready to that occasion, Shan."
"Yes, boss," tugon niyang ngumiti. Lihim siyang nagpasalamat at binago nito ang paksa ng kanilang usapan. Umasa siya na nagliwanag ang isip nito at ito na mismo ang gumawa ng tamang hakbang. "Nai-briefing na naman ako ni Ate Carmi tungkol sa occasion na magaganap. Pati ang dalawang on-call staffs ay binilinan na rin niya at tiyak na darating."
"Prepare yourself, Shantel. And thank you."
"Thank you for what, boss?"
"For accepting me tonight. Sana ay hindi ka madala at tanggapin mo uli ako next time."
Tango ang itinugon niya rito at nakangiti. Bagay na ikinatuwa nito kaya masaya nang nagpaalam sa kanya.
Nang makalabas ito ng bahay ay napasandal siya sa dahon ng isinarang pintuan. Parang gustong tumakas ng lakas sa buo niyang katawan dahil sa naisip na patuloy nitong pagdalaw para manligaw.
Ano ba'ng gagawin ko para matauhan na si Melgar? Ano ang pipigil sa kanya para hindi na niya ako ligawan pa?
Nasapo niya ang sariling noo. Umiling-iling. Hanggang kailan niya pakikisamahan ang taong ito, na kinauutangan niya ng loob?
"Kung puwede ko lang siyang mahalin," bulong niya na inihakbang ang mga paa patungo sa aparador. Kumuha siya ng damit-pantulog at nagpalit. "Kung puwede lang turuan ang puso, sana ay ginawa ko na para tugunin ang pagmamahal ni Melgar."
Maingat siyang umupo sa gilid ng kama. Dahil akala niya ay tulog na si Carmina ay ayaw niyang magambala ito. Pero pagkatapos niyang humiga ay inalis nito ang pagkakatalukbong ng kumot.
"Hi, Shantel," bati nito sa kanya. "Umalis na si boss?"
"Hindi ka pa pala tulog, ate," sabi niyang napatawa. "Naabala ka ba?"
"Hindi naman. Pero hindi ako nakinig sa conversation n'yo, ha. Hindi lang talaga ako nakatulog agad."
"Okay lang, ate. Wala namang dapat ilihim sa usapan namin ng pinsan mo'ng makulit." Sinundan niya ng pagtawa ang sinabing iyon. "Sorry for the last word."
"Makulit naman talaga si Melgar. Hindi talaga siya nakinig sa paalala ko. Sinabi ko na sa kanya na huwag nang manligaw sa 'yo pero binalewala ang payo ko."
"Pinaalalahanan mo na pala siya, ate?"
"Oo. ikinuwento ko nga sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ka narito sa bayan namin para maging babala sa kanya. Pero no effect pa rin. Dumalaw pa talaga with flowers, fruits and chocolates."
"Ate, sana maintindihan mo kung mabasted ko siya..."