NAPATITIG kay Shantel si Carmina. Hindi agad ito nakasagot sa sinabi niya. Kanyang naisip, kahit alam na nito na wala siyang feelings kay Melgar ay mahirap pa rin dito na tanggapin ang magiging kabiguan ng pinsan kung sakali.
"Sana ay hindi ka magalit, Ate Carmi," sabi niyang tuwid na tumitig sa mukha nito habang magkaharap sila sa pagkakahiga. "Naging tapat naman ako sa inyo sa simula palang. Mas pangit naman kasi kung magkukunwari ako para lang mapagbigyan kayo."
"Ang sa akin lang naman, Shantel... huwag sana'ng maging bato ang puso mo. Ginagawa naman ni Melgar ang lahat para suyuin ka. Don't tell me na walang magiging epekto sa 'yo ang magandang bagay na patuloy niyang gagawin."
"Bahala na, ate," pabuntonghininga niyang tugon. "Time will tell."
"Basta huwag mo agad isara ang pinto para kay Melgar. Mabuti siyang tao, Shan. Hindi mo pagsisisihan ang pagtanggap sa kanya."
Nginitian niya si Carmina. Tinanguan. Sumilay din naman ang magandang ngiti sa labi nito.
"Sige na, Shan," pagdaka'y sabi sa kanya. "Matulog na tayo at may work pa bukas. Goodnight."
"Goodnight, ate Carmi."
Sabay silang nagpikit ng mga mata. Hindi nagtagal ay pareho na silang nahimbing ng tulog.
Dahil nasanay na ang kanyang katawan sa maagang paggising bunga ng trabaho ay kasabay din niyang bumangon si Carmina. Kapwa sila napatingin sa pintuan ng may kumatok roon. Itinigil niya ang pagtitiklop ng kumot at siya ang nagbukas ng pinto. Laking gulat niya ng iabot ng security guard ang isang bouquet ng white roses.
"K-kanino galing 'to, Rivera?" tanong niya ng tinanggap iyon. "Ang aga naman."
"Galing kay Boss Mel," tugon nito na ngiting-ngiti habang nasa mga mata ang tila panunudyo. "Bilin niya'ng ibigay ko agad sa iyo kapag naramdaman kong gising ka na."
Napangiti siya. "Nasaan si boss? Dumating ba siya ngayong umaga?"
"Ano 'yan?" tanong ni Carmina na lumapit sa kanya. "Flowers? So early naman. Kanino ba iyan galing?"
"Kay Boss Mel po, Ma'm Carmi," sagot ng security guard na hindi pa rin naaalis ang maluwang na ngiti. "Kagabi pa 'yang bulaklak. Iniwan po niya at ibiniling ibigay ko agad kay Shantel pagkagising niya."
"Ang sweet naman," kinilig na sabi ni Carmina. "Si Melgar talaga. Ang ganda ng roses. White pa..." Tuwid itong tumingin sa mga mata niya. "Ibig sabihin, pure. Malinis at seryoso ang layunin niya sa 'yo, Shantel."
Ngumiti siya. Tumungo sa hawak na bouquet. Natuwa siya sa tinanggap na iyon at sa paraan ng pagbibigay. Imagine, sinurpresa siya. Gumawa talaga ito ng paraan para maiabot sa kanya ang mga bulaklak ng ganoon kaaga. Agad tuloy siyang nakaramdam ng saya.
"Thank you so much, Rivera," sabi niya sa lalaki. "Pakisabi kay Boss Mel na natuwa ako sa pang-aabala niya sa 'yo."
Sinundan niya ng pagtawa ang sinabing iyon. Napakamot naman sa batok ang lalaki. Namula ang mukha.
"Wala 'yon, Shantel. Hindi naman abala sa akin ang ginawa ko. Isa pa, ikatutuwa din ng boss natin ito kaya bukal sa puso kong ginawa."
"Oo na," natatawa pa rin niyang sabi. "Salamat talaga. Sige na. Balik ka na sa gate at baka mapasok tayo ng kawatan."
Tumawa rin si Carmina. "Tiyak na kay Melgar mo isisisi ang naging kapabayaan mo sa trabaho."
"Hindi naman, Ma'm Carmi. Sige po, babalik na ako sa puwesto ko."
Nang wala na ang security guard ay isinara ni Carmina ang pintuan. Saka tumingin sa kanya na panunudyo ang mga mata. "Happy?"
"Medyo," tugon niya saka ito tinalikuran. Tumawa siya. "Pakisabi, thank you."
"Makakarating," sabi nito na ngiting-ngiti kahit nakatalikod na siya. "Sobrang matutuwa iyon. Promise."
"ANO'NG meron?" tanong ni Shantel sa sarili ng maging abala si Carmina sa gilid ng isang swimming pool. Sarado na ang resort ng gabing iyon pero busy pa rin ito sa kung ano'ng ginagawa. "Wala namang reminder na nakasulat sa schedule board. Isa pa'y bakit siya ang kumikilos?"
Pagkadala ng security guard ng isang plastic table sa gilid ng swimming pool with one pair of chair ay si Carmina na ang nag-ayos. Nilagyan nito ang table ng red clothe, a vase with three white roses in the middle and a bottle of red wine.
"May special guest ba ang resort?" tanong niya sa sarili. Saka siya lumapit dito. "Bakit ikaw lang ang nagpaka-abala d'yan, ate? Narito naman ako para tumulong."
"It's not part of your job, Shan. Just leave it to me. Doon ka lang sa house at magpahinga. Tapos na ang duty mo."
"Are you sure?"
"Of course," tumatawa nitong tugon sa kanya. "Just take your rest. Tatawagin na lang kita kapag kailangan ka rito."
Tumango siyang nakangiti.Saka ito iniwan. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Dahil wala siyang ginagawa ay naisipan niyang maligo para presko ang pagtulong.
Maya-maya pa ay dumating si Carmina at kinatok siya sa banyo. "Shan, mabuti at naligo ka na. Casual dress ang isuot mo."
"Ha? Bakit? Ano'ng meron?"
"Wala lang. Basta magpaganda ka paglabas mo d'yan sa banyo. Gawin mo ang bilin ko at lalabas muna ako."
Napilitan siyang umuo bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Nagtataka man at may tanong sa isip ay hindi na siya tumutol pa. Paglabas niya sa banyo ay nagbihis nga siya ng isang bestida. At sinigurado niyang maganda ang hitsura niya.
Ano ba talagang meron ngayon? Binuksan niya ang pinto ng bahay at sumilip. Nakita niyang abala pa rin si Carmina sa may swimming pool. Napakunot-noo siya ng mapansing may inihahain itong pagkain sa table. Sino'ng guest? Saan galing ang mga foods?
Bigla siyang kinabahan. May hinalang nabuo sa isip niya. Lalo na ng makita niyang nag-thumb's up si Carmina, sa kung sino'ng kausap nito sa hindi kalayuan.
"Sino 'yon?" tanong niya sa sarili na sumilip sa awang ng pintuan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Melgar, na kumilos na papunta sa bahay ni Carmina. "Sinasabi ko na nga ba..."
Nasapo niya ang sariling dibdib. Bigla siyang napatalikod. Kaya pala ako pinagsuot ng ganito ni Ate Carmina. Narito pala si Melgar.
Hindi agad niya nagawang lumingon nang marinig ang boses ng lalaki. Lalo'ng bumilis ang pintig ng puso niya.
"Pasensiya ka na, Shan," sabi ni Melgar. "Ibinilin ko talaga kay Ate Carmi na huwag sabihin sa 'yo ang plano ko."
Dahan-dahan siyang humarap kay Melgar. Agad nitong iniabot sa kanya ang bouquet ng white roses. "For you, Shan."
Tinanggap niya iyon. "Thanks, Boss Mel."
"Huwag mo na sana akong tawaging boss kapag wala na tayo sa trabaho. Mel na lang. Puwede ba, Shan?"
"Okay, Mel," tugon niyang nginitian ito. "Kung 'yan ang gusto mo."
"Puwede ka bang ma-invite for dinner?"
Napatawa siya. "Dinner talaga? Ikaw talaga, Mel. Sinusurpresa mo ako lagi."
"Sana ay hindi ka magalit. Sana ay nagustuhan mo."
"Well," sabi niyang nagkibit-balikat. "Baka naman atakihin ako sa puso kapag nasobrahan ako sa surprise mo. At mamatay ako agad, Mel."
"Huwag kang magsasalita ng ganyan, Shan. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka."
"Kaya huwag mo sana akong i-surprise lagi, Mel."
Lumatay ang lungkot sa mukha nito. Alam niyang naunawaan nito ang ibig niyang sabihin.
"Talaga yatang hindi mo ako gusto... o gugustuhin," he sighed and shook his head. "Parang wala akong bagay na gagawin na matutuwa ka."
"Hindi naman sa gano'n, Mel. Ayaw ko lang talagang umasa ka at... m-masaktan."
"Hindi mo ako kayang pagbigyan?"
"Let's have dinner. Thanks for bothering."
"You know how happy I am when I do this to you, Shan. Wala sa akin 'to kahit maghirap pa ako. Patuloy ko'ng gagawin ang lahat para sa 'yo."
My God! Paano pa ako makakaiwas kay Melgar? Bakit parang hindi niya ako maunawaan?
KANINA pa naririndi si Rafael sa pagtawag sa cellphone niya si Janette. Ilang beses na niya'ng ini-off ang gadget pero binabalewala lang nito. Kapag ini-on na niyang muli ay tumatawag na naman ito. Kaya napilitan siyang tanggapin na ang call nito.
"Why don't you talk to me, Raf? Please, don't do this to me!"
"Why are you still calling, Jan? You know that I don't want to talk to you anymore. Manahimik ka na."
"No! You're too much, Raf. Why are you hurting me like this? Kung nagkamali man ako... napakahirap ba sa 'yong magpatawad?"
"I want my life to be quiet. Let me go, Janette. Accept that our relationship is over."
"Rafael, please, forgive me. Hayaan mo akong bumawi sa 'yo. Huwag mong tapusin sa ganito ang ating relasyon."
"I'm sorry, Janette. Goodbye."
Ini-off niyang muli ang cellphone. Ayaw na talagang makausap pa ang dating girlfriend. Para sa kanya ay tapos na ang relasyon nila at umaasa siyang matatanggap na nito ang bagay na iyon.
Hindi mo ako masisisi, Janette. Ikaw ang may gustong magkahiwalay tayo. At ikaw rin ang gumawa ng daan para matapos ang relasyon nating dalawa.
Hindi nalingid sa kaalaman niya ang ginawa ni Janette na panloloko sa kanya. Mismong ang pinsan nitong kaibigan niya na nasa Canada rin ang nagsusumbong sa mga hindi magandang ginagawa nito. Talaga daw naging wala itong pagpapahalaga sa pag-ibig nila at bilang pagmamalasakit sa kanya ay nagpakita pa ng mga ebidensiya ang kaibigan niya sa panloloko nito. Iba't-ibang lalaki ang inuuwi nito sa apartment.
"Okay lang sana kung minsan mo'ng ginawa, Janette," bulong niyang nagtiim-bagang. "Puwede pa kitang patawarin dahil iisipin ko na lang na nagkamali ka lang. Pero talagang sinasadya mo at maraming lalaki na ang naugnay sa buhay mo."
Ibinagsak niya ang katawan sa ibabaw ng kama. Napatitig siya sa kisame ng kuwarto niya.
Hindi ako tanga para paglaruan mo, Janette. Kung talagang mahal mo ako ay igagalang mo ang karangalan ko.
MARAMI ng tao sa resort kahit wala pa ang celebrant o ang batang bininyagan. At hindi alam ni Shantel kung bakit siya tila hindi mapakali ng sandaling ito. Para ba'ng may kung ano'ng kaba sa dibdib niya.
"Relax, myself," bulong niya sa sarili. Nagbiro pa siya. "Everything is under control. Yes, I'm still beautiful."
Nakita siya ni Carmina na ngumiti kaya nilapitan siya nito. "Happy?"
"Ate Carmi," anas niya na bahagyang nagulat. Nilingon niya ito at nginitian. "Ang dami ng tao."
"Oo nga," masaya nitong tugon. "Bongga ang celebration na 'to. Kita mo naman at ang daming foods."
"Ewan ko ba," pabuntonghininga niyang sabi. "Hindi ko rin matukoy ang nararamdaman ko ngayon..." Tumawa siya ng mahina. "Parang nai-excited ako, na hindi ko alam."
"Excited ka lang dahil maraming tao, Shan. Ngayon mo lang kasi na-experience dito sa resort na maraming tao."
She nodded. Just don't let Melgar think of a surprise and do it here.
Ang ideyang naglaro sa utak niya ay hindi na binanggit kay Carmina. Kahit ang totoo ay lalong nagdagdag iyon sa hindi niya maipaliwanag na pakiramdam.
"Huwag na huwag lang, Melgar," naibulong pa niya. "Nakakahiya!"
"M-may sinasabi ka, Shan?"
"Wala, ate."
"Okay. Maiwan muna kita rito, ha. Just relax." Tinapik siya nito sa balikat. "Huwag ka ring masyadong magpagod. Hayaan mong kumilos ang dalawa nating kasama."
"Oo, ate," tugon niyang nasapo ang sariling dibdib. "I'll be okay here."
Halos kaaalis lang ni Carmina ay dumating na ang celebrant na kalong ng ama, habang nakahawak sa braso ng lalaki ang asawa nitong babae. Bale ba'y nasa labas ang parking area ng resort kaya doon pumarada ang mga sasakyang sinakyan ng mga ito.
Nakasunod sa mag-asawa ang mga bisitang kasama mula sa simbahan. At napansin niya ang isang matangkad na lalaki, na pamilyar sa kanya ang mukha.
Napaka-guwapo nito sa suot na white longsleeve na ang manggas ay nakatupi hanggang sa may siko. Bakas sa suot nitong damit ang malapad na balikat, namumutok na muscles sa mga braso at dibdib. Fit ang maong jeans na suot nito kaya tila nagmumura ang malalaki nitong mga hita. Idagdag pa ang puwet nito na matambok, na bihira niyang makita sa mga lalaki.
Napalunok niyang iniiwas ang paningin dito pero natagpuan niyang muli ang sarili na pinagmamasdan ang pang-upo ng binata. Nakapangiti siya dahil ngayon lang niya lubos na napagtanto that this man was the most interesting behind she had seen so far.
"Pero siya nga ba si Rafael?" tanong niya sa sarili. "Isa nga ba siya sa mga bisita dito?"
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang papalapit sa kanya ang lalaki.