CHAPTER 10

2002 Words
"HI," BATI ni Rafael sa natigilang si Shantel. "Kumusta ka na?" My God! Totoo ba ito? Si Rafael Vinuya nga ba ang nasa harapan ko? O namamalikmata lang ako? Kumurap-kurap siya. Nais niyang matiyak kung nasa harap nga ba niya ang lalaking matagal na niyang gustong makitang muli. Tumawa ng mahina si Rafael. Wari'y natuwa sa naging reaction niya. Itinuro nito ang sarili. "It's me. It's real me." Namula ang mukha niya. Bigla siyang nakadama ng hiya sa kaharap. Napatungo siya at pinagalitan ng lihim ang sarili. Nagmukha ka'ng katawa-tawa kay Rafael, Shantel. Umayos ka. Nakakahiya! "Obvious na hindi mo inaasahan ang pagkikita nating ito," sabi pa nito. "But I'm so glad it happened." Kung alam mo lang, kung paano ako naghangad na makita ka'ng muli, Rafael. I'm so happy now because I'm in front of you. "Shantel, are you working here at Melgar's Resort?" tanong nito na inilinga ang paningin sa lugar. "Wow! Hindi ko inaasahang dito pala kita makikitang muli." "Rafael, totoo ba'ng natuwa ka sa pagkikita nating ito?" tanong niyang halos hindi lumabas sa bibig niya. "Tulad ko ba'y naghangad ka ring mangyari itong muli?" Nangunot ang noo nito dahil hindi naintindahan ang sinabi niya. "W-what did you say, Shantel?" Natutop niya ang bibig. Lihim siyang nagpasalamat dahil hindi nito naunawaan ang sinabi niya. Buti na lang dahil hindi niya naibisto ang sarili. Baka kasi magkaroon pa ito ng masamang isipin. Pero kung sabagay, totoo namang sobra niyang hinangad na makita itong muli. And there is nothing wrong with telling the truth. Tumikhim siya. Tuluyan na niyang hindi inulit ang sinabi kanina. Sa halip ay tinugon na lang ang tanong nito. "Yes, I'm working here at Melgar's as a house keeping staff. Dito na ako nag-stay mula noong unang araw na dumating ako dito sa bayan ninyo. The day that we first met." "Talaga? Pero bakit? Ang sabi mo sa akin ay pupuntahan mo ang isang kaibigan. Hindi ka ba niya tinanggap?" "Mahabang kuwento, Rafael," sabi niyang nasapo ang sariling noo. Hindi niya alam kung ano ang nararamdamang emosyon sa sandaling ito. Gosh, nabigla talaga ako. Hindi ko ito inaasahan pero ito na si Rafael sa harapan ko. Muli niyang inukulan ng tingin ang lalaki. Sobra ang tuwang naramdaman niya. Grabe. Kung puwede lang siyang magtatalon ay ginawa niya. Pero kailangan niyang huminahon at maging kampante, gaano man siya kasaya ngayon. "Sino'ng kasama mo, Rafael?" tanong niyang inilinga ang paningin. Nais niyang masiguro na nag-iisa ito at walang sino mang magagalit. "N-nag-iisa ka ba?" "Yap," tugon na Rafael na lalong gumuwapo sa paningin niya dahil mas lumuwang ang pagkakangiti. "Wala naman akong puwedeng isama. Ulilang lubos na." Napatawa siya. Natuwa. Nabuo sa isipan niya na single pa ito. Meaning, she still has space in his life. Sana nga ay totoo! "Shantel, puwede ba kitang mapasyalan dito?" "P-pasyalan?" "Just a friendly visit." Shantel nodded. She tried to be complacent even though she was shuddered. Sobrang saya niya kahit ang narinig niya ay friendly visit lang ang gagawin nito. At least, kusa nitong naisipang bumisita. "You're welcome here, Rafael. Mabait naman 'yong cousin ng may-ari nitong result. Si Ate Carmi..." Natigilan siya nang maisip kung magiging welcome nga ba sa pagbisita dito sa resort si Rafael. Tiyak na sasabihin agad ni Carmina kay Melgar ang tungkol dito. "Why?" tanong ni Rafael ng makitang natigilan siya. "Is there any problem?" "W-wala. Wala naman, Rafael," pagsisinungaling niya. "Natuwa lang ako dahil may plano ka'ng bisitahin ako rito." "Oo, naman, Shantel. Papasyalan kita bukas na bukas din." "Agad-agad?" Lalo siyang kinilig. "Aren't you in a hurry?" He smiled. "By the way, have you eaten your lunch? Sabayan mo akong kumain." "No. Okay lang ako." "Ninong ako ng batang bininyagan. And I have the right to invite someone." "Don't worry, busog pa ako. Isa pa, naka-duty ako sa work. Sige na, Rafael, you can eat now. Just enjoy your meal." "Dito ka lang?" "Yap. Narito lang ako sa paligid the whole day." "I'll be back. So, we can talk again. Babalik ako, okay?" I'll wait for you, Rafael, tugon ng isip niya. Saka tumango na ngiting-ngiti para makita nitong willing siyang maghintay. I'm just here!   "HINDI ko gusto ang pagiging close mo sa lalaking kausap mo, Shan," sabi ni Carmina kay Shantel ng tapos na ang event sa resort. Pareho silang nagtutupi ng table clothes na ginamit sa mga lamesa. "Sino ba 'yon? Parang matagal mo na siyang kakilala." Tumingin siya dito. Itinigil muna niya ang pagtutupi. "Si Rafael ba ang tinutuloy mo, ate? Actually, padalawang beses ko pa lang siya nakakausap. Ang una ay noong bagong dating ako dito sa bayan n'yo..." "Close agad?" "To tell you frankly, Ate Carmi... si Rafael talaga 'yong guy na gusto kong makita muli. Siya ang unang tumulong sa akin before akong nakita ni Melgar." "So, mas gusto mo talaga ang lalaking 'yon?" Hindi muna siya umimik. Inabala niyang muli ang sarili sa pagtutupi ng table clothes. Ngayon palang ay namumublema na siya. Tiyak niyang magiging hadlang si Carmina sa pagdalaw ni Rafael. "Sa tingin ko ay papasyal pa dito ang lalaking 'yon..." Napalunok siya at napatingin muli kay Carmina. Nagdalawang-isip siyang ipaalam dito na bukas ay plano na ni Rafael na dumalaw sa kanya. "Magagalit si Melgar," direktang sabi ni Carmina. "Baka pag-awayan ninyo ang lalaking 'yon." "Hindi naman siguro, ate. Huwag naman sana. Gusto kong lubos na makilala si Rafael bilang kaibigan." "Kaibigan? O ka-ibigan?" "Ate..." Inirapan siya nito. "Hindi siya welcome dito sa resort." Napabuntonghininga siya. Ito na ang sinasabi niya sa sarili. Kay Carmina palang ay mamumublema na siya. Tiyak na higit pa kay Melgar. "Mauuna na ako sa 'yo," paalam sa kanya ni Carmina na niyakap ang mga tinuping table clothes at iniwan siya. "Galit," bulong niya. "Paano ba ito? Hindi naman puwedeng hindi ko tanggapin si Rafael. Isa pa, gusto ko talagang makilala siyang lubos." Napaupo siya sa isang upuang naroon. Napatingin siya sa kawalan. Pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina. Tiyak na ipaaalam ni Ate Carmi kay Melgar ang tungkol dito. Gosh! Baka mas mapadalas ang pagtitigil niya dito sa resort. Hindi pa man ay sobra na siyang namumublema!   INAASAHAN man ni Shantel na pupuntahan siya ni Melgar ay nagulat pa rin siya ng dumating ito. Hindi man kasi niya nakitang tinawagan ito ni Carmina ay naisip na niyang ginawa nito iyon ng palihim. "G-gabi ka na, boss," pabulol niyang sabi. Inaya niya itong pumasok sa bahay. "Bigla yata ang pagpunta mo." "Puwede ba'ng doon tayo maupo sa gilid na pool?" anyaya nito sa kanya. "Doon tayo sa isang bench." Pinaunlakan niya ito. Sabay silang naglakad papunta sa bench ng isang swimming pool. "Busy ako kanina kaya hindi ako nakasilip sa event dito sa resort," sabi ni Melgar na nang nilingon niya ay nakitang napaka-seryoso ng mukha. "Pero narito naman si Ate Carmi kaya alam ko ang nangyayari." Nauna na siyang umupo sa bench. Hindi siya umimik at sadyang hinintay niya ang sasabihin pa nito. "Nakarating sa akin ang tungkol sa isang lalaki na halos hindi ka na daw iniwan kahit naka-duty ka." "Si Rafael," sabi niyang kinabahan. Pero sinikap niyang kumilos ng normal. "Nakilala ko siya noong unang araw ko dito sa Pangasinan. Pagbaba ko sa bus ay nakita niya akong nagba-vomit kaya nagmalasakit..." Patuloy niya'ng ikinuwento kay Melgar ang nangyari noong araw na nakilala siya si Rafael. Naging tahimik naman ito sa pakikinig habang tuwid na nakatingin sa kanya. "Umaasa ako na okay lang sa 'yo na dumalaw dito si Rafael." "Para ano? Bakit kailangan pa'ng dumalaw dito ng lalaking iyon, Shan? Baka manggulo lang siya dito sa resort." "Naku, hindi, Mel," mabilis niyang sabi. Umiling-iling pa siya. "Mabuting tao si Rafael. Hindi niya magagawang manggulo dito." "Kung magsalita ka ay parang kilalang-kilala mo na ang Rafael na 'yon." "Makikita mo naman sa isang tao kung katiwa-tiwala o hindi. At wala sa pagkatao ni Rafael ang pagiging barumbado o masama." "Pero talagang hindi ko gusto ang lalaking 'yon. Huwag ka'ng magagalit pero ayaw ko na pumasyal siya rito." Napakuyom ang palad niya. Hindi niya gusto ang sinabi ni Melgar. Maliwanag na humahadlang ito sa chance na magkita silang muli ni Rafael. "It's unfair, Mel. Para mo na ring sinabi na hindi ako puwedeng makipagkita kay Rafael. Wala namang masama kung maging magkaibigan kaming dalawa. Huwag mo naman sanang hadlangan ang simpleng bagay na iyon." "Mahal kita, Shan. Unawain mo sana iyon." "Melgar, I didn't love you," sabi niyang tuwid itong tiningnan. Nakita niya ang matinding lungkot sa mukha nito. Ano pa't namuo ang mga luha sa mga mata nito. Dahil nakadama siya ang awa dito ay nausal niya ang pangalan nito. "Love me, please," sabi ni Melgar na hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Gagawin ko ang lahat para lumigaya ka. Hindi mo pagsisisihan kapag minahal mo rin ako." Binawi niya ang mga kamay mula sa pagkakahawak nito. Tumalikod siya rito. Pero nabigla siya ng yakapin siya mula sa likuran. "Shantel, handa kitang pakasalan. Hindi ka na magtatrabaho dito sa resort. Kapag naging asawa mo ako ay puwede kang magbuhay-reyna. Wala ka'ng gagawin kundi ang magpakasaya sa buhay mo..." Binaklas niya ang pagkakayakap ni Melgar. Bahagya niyang inilayo mula rito ang katawan niya. Kitang-kita niyang nalaglag mula sa mga mata nito ang masagang luha. "Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, Shantel. At napakahirap tanggapin kong mabibigo ako." Nakadama na naman siya ng awa rito. Napatungo siya at nasapo ang sariling noo. Kung puwede lang talaga niyang turuan ang kanyang puso ay gagawin niya para mahalin ito. "Pero may sarili ako'ng gusto, Melgar," sabi niya ng muling tumunghay. "May tao talagang itinitibok ang puso ko. Sana naman ay maunawaan mo 'yon. Please." Nagtiim-bagang si Melgar ng tumitig ng tuwid sa mga mata niya. "Tama si Ate Carmi," sabi nito. "Gusto mo nga ang Rafael na 'yon. Your intention is not just to be friends with him but more than that." "Yes, Melgar," pagtatapat niya. "I love Rafael. When I first saw him, I fell in love with him ... " Ayaw na niyang magkunwari pa o itago ang totoong nararamdaman. "Hinangad ko talaga na sana ay muli kaming magkita at nangyari na nga. Kaya hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito. I'm so sorry." Naningkit ang mga mata nito. Saka ibinagsak ang dalawang kamay at tinalikuran siya. Malalaki ang mga hakbang na umalis ito at iniwan siya. Mabigat ang loob na nausal niya ang pangalan nito habang inihahatid ito ng tanaw. Sa isip ay muli siyang humingi dito ng tawad. Sana'y maunawaan mo ako, Melgar. Sana ay matanggap mo'ng hindi kita mahal.   RAMDAM ni Shantel na galit sa kanya si Carmina. Hindi kasi siya nito pinansin pagkagising nila. Dati-rati ay agad itong ngumingiti sa kanya magdilat palang ng mga mata. Pero ngayong umaga, halos mapunit na ang sulok ng kanyang mga labi sa luwang ng pagkakangiti ay tila hindi siya nakikita. Nitong huli pa nga ay inirapan siya. Nakadama siya ng lungkot. Hindi niya gusto ang hindi magandang pakikitungo sa kanya ngayon ni Carmina. Ilang buwan na niya itong nakasama at masasabi niyang close na sila. Sa simula palang kasi ay hindi ito nagpakita sa kanya ng masamang ugali. Kaya hindi siya matatahimik hanggang hindi naaayos ang sitwasyon nila. Pero paano? Hindi ko naman puwedeng balewalain si Rafael. Kapag hindi ko tinanggap ang pakikipag-kaibigan niya ay parang tinanggap ko na rin ang pag-ibig ni Melgar. Umiling siya. Naghumiyaw kasi ang utak niya sa pagtutol. Hindi niya mahal ang kanyang boss at wala talaga siyang balak na tanggapin ang iniluluhog nitong pagmamahal. Kung may gusto man siyang maging karelasyon ay walang iba kundi si Rafael. Buo na ang desisyon niya na kung panliligaw ito ay sasagutin niya. Pero liligawan ka nga ba ni Rafael, Shantel? tanong ng utak niya. Pagmamahal nga ba ang tunay na dahilan kung bakit siya dadalaw sa 'yo? "Sana lang," tugon niya sa sarili. "At handa ko'ng ipaglaban ang pag-ibig sa 'yo, Rafael. Walang puwedeng humadlang sa akin..." Tumingin siya kay Carmina, na nakatapis ng tuwalya dahil galing sa paliligo sa banyo. Kahit ikaw pa, Ate Carmi!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD