KAHIT mahirap para kay Shantel ay nanahimik na lang siya. Ayaw kasi niyang makarinig pa ng ano mang salita mula kay Carmina at baka pag-awayan pa nila. Pakiramdam tuloy niya ay ang bigat-bigat ng kanyang buong araw. Pero mabuti na lang at dumating si Rafael ng hapong iyon. Kaya para siyang binunutan ng tinik ng makita ito.
"Mabuti at dumating ka, Rafael," sabi niyang ngiting-ngiti. "Akala ko'y hindi ka na papasyal dito."
"Puwede ba 'yon?" tugon nito. "Hindi ako mag-aaksaya ng pagkakataon ngayong nalaman ko na kung nasaan ka."
Mula sa may kinaroroonan nilang swimming pool na malapit sa entrance ng resort ay inilinga niya ang pangingin. Hinanap niya si Carmina kung nasaan ito. Huwag naman sana pero nangamba siya at baka sugurin nito si Rafael para pagalitan.
"Bakit?" tanong ni Rafael. "Parang balisa ka, Shantel?"
Humarap siya rito. Sinabi niya ang totoo. Hindi na siya naglihim pa tungkol sa totoong sitwasyon.
"Sobra naman," natatawang sabi nito. "Hindi ba sila tao? Hindi ba sila marunong makipag-kapwa?"
"Ewan ko ba, Rafael," pabuntonghininga siyang sabi. "Ngayon ko naisip na talagang may sarili lang silang interes kaya pinakitaan ako ng maganda..."
Ikinuwento niya kay Rafael ang tungkol sa panliligaw ni Melgar. Maging ang pagsusumamo nito sa kanya na mahalin din niya.
“That’s not fair, Shantel. Hindi ka nila dapat alisan ng karapatan. Hindi porke dito ka nagtatrabaho ay hindi na puwedeng makisalamuha sa ibang tao."
"Kaya nahihirapan ako, Rafael," aniyang nangilid ang mga luha. "Ang totoo ay napi-pressure ako kay Melgar. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang aking sarili. At ngayon nga ay dumagdag pa ang pinsan niya..."
Nakita niya ang awa na gumuhit sa mukha ni Rafael paukol sa kanya. Napatungo siya. Pero nagulat siya nang hawakan siya nito sa braso.
"Rafael," anas niya nang tumunghay muli. Tuluyan nang nalaglag ang butil ng kanyang mga luha. "Kung nakita ka ni Ate Carmi ngayon ay tiyak na tumawag na siya kay Melgar. Baka isinumbong na niya ako."
"Shantel, ibibigay ko sa 'yo ang address ko sa farm. Doon ako nakatira at may bahay ako roon. Kung sakaling kailangan mo nang matitirhan ay welcome ka roon."
Nag-aalangan man at nahihiya ay tumango siya. Wala naman kasi siyang ibang mapupuntahan pa kung sakali.
"Stop crying, Shantel," ani Rafael na pinalis ng daliri ang mga luha niya. Hindi niya inaasahan iyon kaya nailayo niya ang mukha. "Please, don't cry. I don't like to see you crying."
Siya na mismo ang nagpahid sa kanyang mga luha. Sinikap niyang kalmahin ang sarili. Pero minsan pa niyang nausal ang pangalan nito nang masuyong hinawakan ang baba niya. Nakangiti ito ng bahagyang itinaas ang mukha niya kaya napatitig siya rito.
“You are welcome to my house, Shantel. You can stay there and have nothing to worry about. Makasisiguro ka'ng ligtas ka roon."
"Thank you so much, Rafael," sabi niyang ngumiti. Totoong nagluwag ang dibdib niya. "Salamat sa concern."
Sobra talaga siyang natuwa sa concern na ipinakita nito. Kung sakali at talagang kailangan ay hindi siya mangingiming tumira sa bahay nito. At least, gusto niya ito at handa siyang isuko ang buo niyang pagkatao.
"MABUTI at umalis na ang lalaki 'yon," sabi ni Carmina nang salubungin si Shantel mula sa may swimming pool. "Pasalamat siya at hindi naabutan ni Mel."
"Ate, tinawagan mo ba si Melgar?"
Humalukipkip ito. "Kailangan ko'ng ipaalam sa kanya ang nangyayari, Shantel. Hindi naman ako tanga para tumunganga lang at balewalain ang ginagawa mo."
"Ate Carmi, wala ako'ng masamang ginagawa. Normal lang na tumanggap ako ng bisita."
"Kung tutuusin ay hindi mo dapat kinausap o hinarap ang lalaking iyon dahil nasa duty ka. Nagtatrabaho ka rito at huwag mo sanang abusuhin ang pagiging maluwag dito sa resort."
"Sorry, ate," sabi niyang bukal sa puso. Totoo naman kasi ang sinabi ni Carmina. Tanggap niyang mali siya. "Hindi na mauulit."
"Dapat lang, Shantel. Mahiya ka naman sa pinsan ko. Malaki ang naitulong niya sa 'yo."
Pagkatapos niyang tumango ay iniwan na siya nito. Ah! Kailangan na niyang masanay sa bago nitong makikitungo sa kanya.
"Pero sana'y maging fair din siya sa akin," bulong niya habang naglalakad patungo sa lodging house. "Kapag off na ako sa work ay pumayag sana siyang harapin ko si Rafael..."
Dahil nabanggit niya ang pangalan ni Rafael ay naalala niya ito. Bigla siyang mapangiti. Naglaro sa isip niya ang magandang nitong katangian. He is not only a goodlooking guy but naturally thoughtful. He knows how to really care.
"Sana tuloy-tuloy na ang maganda naming samahan," bulong niyang pumasok sa loob ng bakanteng lodging house habang dala ang walis-tambo at basahan. "Hindi sana siya tumigil kahit may hadlang."
She started dusting but Rafael still remained in her mind. She seriously wished that he would not be affected by the bad situation.
Huwag sana, Rafael. Ikaw ang magiging kakampi ko kapag lalo pa'ng lumala ang sitwasyon dito sa resort. Wala na akong ibang matatakbuhan kundi ikaw.
Napaigtad siya ng biglang bumukas ang dahon ng pintuan. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin roon at napa-awang ang mga labi ng makita si Melgar. Nausal niya ang pangalan nito.
"Nanggaling daw dito ang lalaking iyon," bungad nitong sabi. "Mabuti at hindi ko siya inabutan."
"Just only a friendly visit, boss," tugon niya. "Hindi naman siya nagtagal kaya hindi ako naabalang masyado sa trabaho ko."
Tumangu-tango si Melgar. Hindi pa rin ngumingiti. "Hindi ko siya gustong abutan o makita dito sa resort."
"Boss Mel, naman," aniyang gusto nang umiyak. "Huwag ka namang ganyan. Mabuting tao si Rafael at wala ka'ng magiging problema sa kanya."
"I hate that man, Shantel. Hindi ko pa siya nakikita pero mainit na ang dugo ko." Pagak na tumawa si Melgar. "Hindi mo naman ako masisisi dahil alam ko'ng magiging karibal ko siya."
Paano ba niya sasabihin kay Melgar na totoo? Alam niyang hindi nito matatanggap ang katotohanan. Bagama't nanligaw na ito at gumawa na ng mga bagay na ikinatuwa niya ay mas matimbang pa rin sa kanyang puso si Rafael.
"Shantel, itinuturing ko'ng kaaway ang aking karibal sa 'yo," sabi nito. "Kaya mas makabubuti kung hindi na kami magkikita pa."
Nakadama siya ng nerbiyos sa sinabing iyon ni Melgar. Isa iyong babala. Kaya natakot siya para kay Rafael. Hindi niya gustong mapahamak ito kaya siya na mismo ang gagawa ng paraan para hindi pagkaharap ang dalawa lalaki.
"DON'T ruin your life because of that worthless woman, son," Papa Harold said to Jerson. "Forget her."
"I love Shantel, papa," he replied then drank the wine from the goblet again. He winced. "Our marriage is important to me and I want that to happen."
"But she already left, son. She left you like a rag and didn't even appreciate you. Now, tell me if you should really love such woman."
"She's coming back, papa. She can't leave me too long because she loves me. Nariyan lang siya at babalik agad dahil hindi niya ako matitiis."
"You're wasting your time with that woman," Papa Harold said while shaking his head. His face showed pity for him. "If I could keeping her away from you, I will do it without hesitations."
"Papa," angil niya. Nakadama siya ng galit dito dahil sa sinabi nito. Bakit kailangang tuluyang nitong ilayo sa kanya ang babaing mahal niya? "You shouldn't do that to me!"
"She's a worthless woman, son. You shouldn't appreciate her," maigting na sabi ng papa niya. "Oo, ako mismo ang paglalayo sa 'yo sa Shantel na iyon dahil alam ko na ngayon kung ano'ng klase siyang tao."
Hindi na niya napigilang umiyak. Sinunod-sunod niya ang pag-inom ng alak. Inagaw naman sa kanya ng ama ang kopita at ibinato. "You're out of your mind, Jerson. Tigilan mo na ito. Umayos ka."
"Hayaan mo na ako, papa," sigaw niya. Tuluyan na siyang humagulhol ng iyak. "Mahal ko si Shantel at hindi ko matatanggap na hindi matuloy ang aming kasal..."
Lalong naawa sa kanya ang papa niya. Hinagod nito ang sariling noo at tila nahirapang magsalita pa.
"Please, talk to Tito Noli, papa," he begged to his father. "Force them to tell you where Shantel really is. Alam ko'ng may alam sila kung nasaan ang kanilang anak."
"T-they know where Shantel is? Why do they hide the truth?"
"I don't know, papa," he sighed. "I also don’t know if they really know Shantel’s whereabouts. I just want to be sure. Papa, they might admit to you that they know where their daughter is."
"Paano kung totoong hindi nila alam ang whereabout ni Shantel? Anak, huwag ka sana'ng umasa pa. Tanggapin mo na lang sana na wala na ang babaing iyon."
Pinalis niya ang mga luha at umiling-iling. Hindi niya kayang tanggapin na mawawala na nga sa buhay niya Shantel. Umaasa siya'ng babalik ito dahil totoong mahal siya.
"Gawin ninyo ni mama ang gusto ko, papa," may pakiusap niya'ng sabi. "Alamin ninyo ang totoo kina Tito Noli para sa ikatatahimik ko."
"Okay," tugon ng papa niya. "I will do it, Jerson. But please, go back to your work. The company needs you."
Tumango siya. Kinalma ang sarili. Saka nangakong babalik na sa trabaho kinabukasan. Natuwa naman si Papa Harold. Ibilin pa nito na huwag na siya'ng iinom ng anak. Nangako pa ito na mula sa bahay niya ay tutuloy na kina Mr. and Mrs.Sevilla para kausapin ang ito.
"I'll expect that, papa," he said. "I hope you succeed in getting Tito Noli to confess."
SADYANG hindi iniwan ni Shara ang mga magulang nang dumating sa bahay nila si Mr. Harold Avestruz. Bagama't hindi niya ito kinakitaan ng galit o magaspang na pagkilos ay nanatili siya sa tabi ng papa at mama niya. Kaya naman narinig niya ang naging usapan ng mga ito na tungkol sa Ate Shantel niya.
“Sobrang apektado si Jerson ng pag-alis ni Shantel,” Jerson’s father said. "He almost drowned himself in alcohol and he's neglecting our company."
"I'm so sorry, pare," her papa said sadly. "We didn't really know where Shantel went. She left all the cellphones, so we didn't know where and how to contact her."
"That's exactly what I told to Jerson," paliwanag ni Papa Harold. "I told him that you don't know where Shantel is because she ran away. But he thinks you're hiding her."
"Why would we hide her?" ani Mama Shiela. "Kami nga ang nagplano ng kanilang kasal dahil we want him to be a son-in-law. Pare, nagulat talaga ako sa paglalayas ni Shantel..." Nalungkot na tumingin kay Papa Noli ang mama niya. "We didn't think our daughter didn't really love Jerson."
"Pare, pasensiya ka na," anang papa niya. "It's our fault. We made a hasty decision. Hindi muna namin inalam ang totoong damdamin ni Shantel. Pinangunahan namin siya."
Kitang-kita niyang pumatak ang mga luha ng kanyang mama. Nakadama siya ng awa dito kaya hinagod niya ang likod nito. "Mama, calm-down..."
"Nagsisisi ako," pag-amin nito. "Parang kami na rin ang nagtulak kay Shantel para lumayas siya. Kung hindi sana kami nagmadali ni Noli sa pagpaplano ng kasal nila ni Jerson... sana ay maayos pa rin ang sitwasyon."
"Mare, huminahon ka," sabi ng Papa Harold ni Jerson. "Huwag mo ng masyadong isipin ang nangyari at baka kung mapaano ka pa. We are struggling with this situation of our children but we must be strong."
"Salamat, pare," sabi ni Papa Noli. “Thank you for understanding. It so pity if our children's marriage could not happen. Nanghihinang talaga ako kung hindi tayo magiging magbalae."
Bumuntonghininga si Mr. Avestruz. "If Jerson and Shantel really weren't for each other, we wouldn't be able to do anything. Kailangan na lang nating tanggapin ito."
"I feel sorry for Jerson, pare," mama said while wiping away her tears. "He's the one most affected by the situation. Sana ay maka-recover siya agad kung hindi na talaga bumalik si Shantel."
“I hope that Shantel will come back,” Papa Harold said. "Hopefully, she can figure out Jerson's situation."
"Hopefully, pare," sabi ng ama niya. "Sana nga ay hindi niya matiis si Jerson at umuwi na siya."
But Ate Shantel will be miserable if she goes home, sa isip-isip niya. I don’t want her to come back.