CHAPTER 12

2034 Words
"MR. HAROLD Avestruz is a real gentleman," sabi ni Mama Shiela ng wala na ang papa ni Jerson. “He was a calm man and educated. Ibang-iba siya kumpara sa anak niyang si Jerson." Ngumiti si Shara at tinanguan ang ina. Sang-ayon siya sa sinabi nito. Malaki talaga ang kaibahan ni Jerson kumpara sa papa nito.  "But we can't blame Jerson either," sabi ng papa niya. "Galit siya kaya naging ganoon ang asta niya. If I were in his position, I would be angry too." "Pero, papa," aniyang hindi sinang-ayunan ang sinabi nito. "Hindi dapat naging bastos sa inyo ni mama ang lalaking 'yon. He's too much." "Anak, malaking kahihiyan para kay Jerson kapag hindi natuloy ang kasal nila ang ate mo. Nauunawaan ko siya. If I could do something, I would done it for him..." Bumuntonghinga ang papa niya. Naibagsak pa ang kanang kamay. "But what can I do in this situation? Wala! Para akong naghahanap ng karayon sa mapakalalim na tubig sa dagat." Ang totoo'y parang gusto niyang makunsensiya dahil sa alam niya. Gasino na ba'ng sabihin niya sa mga magulang ang bayang kinaroroonan ng Ate Shantel niya? Madali na para sa mga ito na gumawa ng paraan para matunton ang kapatid niya, gamit ang salapi.  Kaya mo ba'ng isumbong ang ate mo, Shara? If she is in good condition, will you be able to hinder her happiness? May lakas ba siya ng loob na traydurin ang kapatid? Tiyak niya'ng nasa mabuti itong kondisyon at marahil ay masaya na. Kaya hindi siya magiging hadlang sa maayos itong sitwasyon.  Kung nahihirapan man ang mga magulang nila ay titiisan muna niya, huwag lang malagay sa alanganin si Shantel. Sigurado kasi na mapipilitan itong magpakasal kay Jerson kapag natunton. Ito ang magsasakripisyo sa piling ng lalaking hindi minamahal. "Hayaan na lang natin si ate, papa, mama," she muttered. "Wherever she is now, I'm sure that she is definitely in good condition. Let us pray for her happiness." Tumango ang mama niya. "Sana nga ay nasa maayos na kalagayan ang ate mo, Sha. Nasa tamang edad na naman siya at kaya na niyang pangalagaan ang kanyang sarili." Hindi umimik ang papa niya. Napatingin siya rito. Parang ramdam niyang tila naiipit ito sa nag-uumpugang bato at nahihirapan. Alam niya na gagawin nito kung ano ang dumating na chance. Ito man ay pabor sa ate niya o sa boyfriend nito. At nauunawaan niyang gagawin nito ang bagay na iyon para matapos na ang problema.  Bunga niyon ay lalo niyang ninais na huwag munang bumalik ang kanyang kapatid. Mas gugustuhin niya na si Jerson ang maging agrabyano kesa ito ang tuluyang magdusa. Kumusta ka na yata ngayon, ate? tanong niya sa isip. Napatingin siya sa kawalan. Bakit hindi na uli tumawag sa akin? Nang mapansin ng mama niya ang tila pagtameme niya ay hindi nito naiwasang magtanong at mag-alala. "Are you okay, Sha?" Bigla siyang napatingin dito. Tumango-tango siya at ngumiti. "Okay lang ako, mama. May naisip lang po..." Bumungtonghininga ito. "Alam kong miss na miss mo na ang ate mo. At nag-aalala ka rin para sa kanya." Hinagod niya ang likod nito. Nag-alala siya dahil baka umiyak na naman ito. "Mama, I'm sure that Ate Shantel is in good condition. Huwag n'yo siyang masyadong isipin. Papa, life is just fine. Let's be happy even without my ate. Okay?" Sabay na tumango ang mga magulang niya at nakangiti. Natuwa naman siya kaya sabay niyang niyakap ang mga ito. "I love both of you, papa, mama," sabi niyang mula sa puso. Ang totoo'y hindi niya dati sinasabihan ang mga ito ng mga katagang iyon at hindi niya niyayakap ang mga ito. Pero ngayon ay tiyak niyang lagi na iyong gagawin para ipadama ang pagmamahal at pagmamalasakit. "Let's just continue to live happily as before." "ATE CARMI, puwede ko ba'ng mahiram ang cellphone mo?" malumanay na tanong ni Shantel kay Carmina ng puntahan niya ito sa maliit na opisina ng resort ng umagang iyon. "Please. May tatawagan lang ako." Sumimangot ito. Hindi iniabot sa kanya ang gadget, na dati-rati naman ay hindi ipinagdamot sa kanya. "Sino ang tatawagan mo?" tugon nitong tanong sa kanya. "Si Rafael?" "Hindi, ate," sagot niyang napailing. "Ang sister ko ang tatawagan ko para kumustahin. Matagal na kasi akong hindi nakatawag sa kanya." Alam niyang atubili itong iabot sa kanyang ang gadget. Ang iniisip siguro nito ay talagang si Rafael ang tatawagan niya, gayong hindi naman sumagi sa isip niya ang bagay na iyon. Ang kapatid talaga niyang si Shara ang gusto niyang kumustahin para malaman na din ang kalagayan ng mga magulang. "It's okay, Ate Carmi," sabi niya ng hindi pa rin nito iniabot sa kanya ang cellphone. "Hindi bale na lang."  Wari naman ay napilitan ito at mabilis na ibinagay sa kanya ang gadget. Hindi pa rin ito ngumingiti. "Be sure na ang kapatid mo talaga ang tatawagan mo, Shantel." Bagama't nakadama siya ng inis dahil sa sinabi nito ay tinanggap niya ang gadget. Binalewala na lang nito ay bagay na iyon para walang gulo. Hindi siya umalis sa tabi ni Carmina ng mag-dial siya ng numero sa screen. Gusto talaga niyang mabatid nito na ang kapatid niya ang tatawagan. Kaya pagkatapos ng dalawang ring sa kabilang linya at tinanggap ni Shara ang call ay sinadya niyang lakasan ang pagbigkas sa pangalan nito. "How are you, Sis?" tanong niyang naiiyak ng marinig ang boses ni Shara. "How are our parents. Are they okay?" "Ate, thanks you called up. How are you? Are you okay? Don't you have any problem there?" "I'm okay here, Sha. I still working here at the resort. How's papa? Is mama okay? Nanggugulo pa rin ba si Jerson sa inyo?" Ikinuwento sa kanya ni Shara ang sitwasyon sa kanila. Pati ang ginawang magpunta ni Mr. Harold Avestruz sa kanilang bahay at kinausap ang parents niya. Naibahagi din nito sa kanya na naging maayos ang naging pag-uusap ng mga ito. "Pero nalulungkot ako para kay papa, ate," sabi pa ni Shara. "Nabibigatan kasi talaga siya sa nangyari at tipong hindi alam ang gagawin. Naaawa kasi siya kay Jerson dahil sobrang apektado ng paglalayas mo. Hindi niya matanggap na hindi matutuloy ang inyong kasal." Dahil patingin-tingin sa kanya si Carmina at alam niyang nakikinig sa usapan nila ng kapatid ay lumabas na siya sa opisina. Gusto kasi niyang ibalita sa kapatid ang tungkol sa hindi niya inaasahang pagtatagpo nilang muli ni Rafael. "SHARA, share ko lang," ngiting-ngiting sabi ni Shantel ng nasa may swimming poll na siya. "Alam ko na mai-excite ka." "Ano 'yon, ate?" tanong ng kapatid niya sa kabilang linya. "Be sure na matutuwa talaga ako sa news mo." "Tanda mo ba, sis, iyong nabanggit ko sa 'yong guy na Rafael ang name?" "Hmmm," ani Shara na tumango pa. "I remember. Why?" Pigil ang pangingilig na ikinuwento niya ang magandang nangyari sa pagitan nila ni Rafael. Sinabi rin niya ang sariling opinyon kaugnay nito. Tumili naman sa sobrang katuwaan ang kapatid niya. "That's it, sis. He is your destiny. " Higit pa siya'ng natuwa sa sinabi ni Shara. At least, she was not the only one who conclude like this. Meaning, it's true that I am Rafael's destiny. "Biruin mo, ate... pinagtagpo kayong muli ng Rafael na 'yan. Kung hindi talaga kayo laan sa isa't-isa ay hindi sana nangyari pa ang bagay na 'yan." "Kaya pala iba talaga ang feelings ko towards him. Sa kanya ko agad naramdaman ang kakaibang t***k ng puso. Iyong tipo'ng may spark agad sa una ko palang pagtitig sa mga mata niya." "Natutuwa talaga ako, ate," sabi pa ni Shara. "Hindi nasayang ang pagsasakripisyo mo. Kahit lumayo ka at iniwan ang masaganang buhay ay natagpuan mo naman ang lalaking nakalaan para sa 'yo." She sighed. "I just wish Rafael and I would be in a better situation. Sana'y walang maging problema... o hadlang." "Sa tono ng salita mo ay parang may problema, sis. Tama ba'ng naramdaman ko na nalungkot ka?" "Oo, Sha," tugon niyang tumango kahit hindi ito kaharap. "Malaki ang problema ko dito sa resort..." Ikinuwento niya kay Shara ang kinakaharap na problema. Nagalit ito sa magpinsang Melgar at Carmina. "Nakakagigil, ha," angil nito. "Wala silang karapatang manduhan ka, ate. Labas na sila sa personal mo'ng buhay." "Pero dito ako nakatira. Isa pa, ang laki ng utang na loob ko kay Melgar." “But they still don’t have the right to stop you from what you want to do. Empleyado ka diyan sa resort at sumusuweldo ka pero pinaghihirapan mo 'yon, ate." "Hindi nila ako maunawaan, Sha. Daig ko pa ang tumutulay dito sa alambre."  "Kung nariyan lang ako," sabi ng kanyang kapatid. "Hindi puwede sa akin ang asta ng Carmina na 'yan. She have no right na diktahan ka. Hindi porke pinsan siya ang owner ng resort at dapat ka niyang ipagduldulan sa boss mo." "Nag-aalala nga ako, Sha. Baka sabihin niya na si Rafael ang kausap ko sa cellphone niya. Haiz! Tiyak na magri-report na naman siya. Umaasa na ako na maya-maya lang ay darating na rito sa resort si Melgar." "Isa pa ang Melgar na 'yan," sabi ng kanyang kapatid na bakas sa boses ang inis. "Wala na ba'ng ibang babae na puwede niyang ligawan? Iyong babae na may gusto talaga sa kanya. At hindi iyong nagpupumilit siya sa 'yo." "Kaya nga parang dadaan kami ni Rafael sa matinding pagsubok. O kung hindi siya magiging seryoso sa akin ay mauuwi sa wala ang hinahangad ko'ng pag-ibig." "Naku, naman, ate," said Shara while scratching her head. "Don't think of problems right away. Just think positive. Okay?" "I will, Sha," tugon niya. "By the way, huwag mo ako'ng alalahanin dito. Basta si papa at mama ang alagaan mo. Huwag mo silang pababayaan." "O, naman, ate. Ipanatag mo rin ang loob mo diyan dahil ako ang bahala sa kanila. Enjoy your life there, sis. I'm sure, you'll suffer with Jerson when you get married." Dahil sa sinabi ni Shara ay mas gugustuhin niya'ng manatili muna sa bayang kinaroroonan niya. Para kasi iyong babala at hindi niya nanaising tuluyang magdusa. "WHERE are you now, Melgar?" tanong ni Carmina kay Melgar ng tumawag ito sa cellphone. "Puwede ba'ng pumarito ka sa resort ngayon?" "Bakit, ate? May problema ba?" "Wala naman. Pero importanteng makausap mo si Shantel." "Ano'ng problema sa kanya, ate? Narito ako ngayon sa supermarket at namimili ng mga kailangan sa bahay." "Basta pumarito ka. Kahit after na ng pamimili mo." "May ginawa ba'ng hindi maganda si Shantel? O nariyan ang Rafael na 'yon?" Sinabi sa kanya ni Carmina na humiram si Shantel ng cellphone at malakas daw ang kutob nito na tumawag kay Rafael. Nagbigay rin ito ng ideya sa kanya na balak papuntahin sa resort ang lalaking iyon. "Hindi puwede 'yon, ate," sabi niya na nagngalit ang mga bagang. Hindi pa man ay nanggagaliti na siya. "Hindi ko sasantuhin ang lalaking iyon." "Kaya nga pumarito ka na," saad pa ni Carmina sa cellphone. "Mas mabuti abutan mo ang Rafael na iyon kung pupuntahan si Shantel dito sa resort." "Okay, Ate Carmi. I will go there as soon as possible. Thanks sa concern." Nang wala na ito sa kabilang linya ay pinindot niya ang end ng call. Pagkalagay niya sa bulsa ng pantalon niya ang gadget ay dali-dali na niyang itinulak ang push cart papunta sa counter. Suwerteng walang pila kaya mabilis niyang nabayaran agad ang pinamili. "Papunta na ako diyan sa resort, Shantel," bulong niya nang bitbit na ang dalawang malalaking plastic bag at lumabas sa counter. "Huwag ko lang makikita ang Rafael na 'yon at baka manghiram siya sa aso ng mukha." Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang kasalubong na lalaki. Kaya nabunggo niya ito at kanyang ikinagalit. "Bulag ka ba?" mataas ang tono na sabi niya. "Hindi mo ako nakita?" "Pare, ikaw nga ang bumangga sa akin," mahinahon sabi ng lalaki. "Sa pagmamadali mo ay ako yata ang hindi mo nakita." "Ako ang may kasalanan?" sabi niya na pagak na tumawa. "Ako ang sinisisi mo?" "Okay," sabi nitong patuloy na nagpakahinahon. "Sorry na, pare. Ako na ang humihingi ng sorry." "Mabuti at inamin mong kasalanan mo. Kaya sa susunod ay umayos ka. Tumingin kang mabuti sa dinaraanan mo." Walang ngiti na tumango ito. Galit naman niya itong tinitingan bago iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD