CHAPTER 13

2001 Words
NAKADAMA man ng galit si Rafael sa lalaking nakabunggo sa kanya ay nagpakahinahon pa rin siya. Ayaw niyang patulan ang ganitong klaseng tao. Hindi niya gustong makipag-away dahil lamang sa mababaw na dahilan. Kaya nga nagpakumbaba na lang siya kahit alam niyang wala siyang kasalanan, kesa naman magkaroon pa ng gulo. Tiningnan na lamang niya ito na naiiling nang umalis. Wala siyang naalam-alam na iyon si Melgar, na may-ari ng resort na pinagtatrabahuhan ni Shantel. "Mabuti at nagpakahinahon ka, Rafael," sabi niya sa sarili. "Meron kasi talagang tao na pikon at mayabang..." Lalo na ang lalaking iyon, sa isip-isip pa niya. Halatang may problema sa pag-uugali. May bad attitude talaga. Pamasok na siya sa loob ng supermarket para mamili ng mga kailangan niyang stocks sa bahay. Dahil hindi naman siya madalas pumunta roon ay malaking push cart na ang kinuha para paglagyan na mga bibilhin. Nang nasa estante na siya ng mga shampoo ay naalala niyang bigla si Shantel. Naisip niya na baka wala na itong personal hygience kaya isinama niya sa mga bibilhin niya. "Hindi ko alam kung tatanggapin mo ang mga pinamili ko para sa 'yo, Shan," bulong niya habang patuloy na naghahanap ng puwede pa niyang ibigay kay Shantel. "Pero ibibigay ko ito sa 'yo dahil mula ito sa aking puso." Napangiti siya dahil sa huling ibinulong. Ikinibit niya ang mga balikat. Totoo naman ang sinabi ko, sa isip-isip niya. It's true, Shantel. I'll give it to you because it's from the bottom of my heart. Lalo niyang naramdamang tila naging masigla siya. Gustong-gusto na niyang matapos sa pamimili para makauwi na. Daraan kasi siya sa Melgar's Resort para puntahan si Shantel at ibigay ang pinamili niya para dito. Makikita na naman niya si Shantel. Hindi pa man ay tuwang-tuwa na siya. Talagang aminado na siya sa sarili na gusto niya ang dalaga.  Ah! Naisip niya, mabuti na lang talaga at kinuha siyang ninong ng pareng Almer niya para sa bunso nitong anak. Iyon ang naging daan kaya nakita niyang muli si Shantel. Yes, tila hiyaw ng isip niya. I considered that as a blessing-in-disguise because I found out where the woman I wanted to see again lived. Minsan pa niyang nausal ang pangalan ni Shantel dahil lalo siyang nanabik na makita ito. Kaya naman itinigil na niya ang paghahanap ng item na puwede niyang bilhin pa at ipinila na niya ang push cart sa counter. I'm coming, Shantel. I hope you enjoy seeing me again. And I wish, you like to see me too. NAGULAT si Shantel ng humahagos na dumating sa resort si Melgar. Dahil tapos na siyang maglinis ng mga unit ng lodging house ay nakaupo siya sa isang bench na malapit sa swimming pool. Doon siya nito pinuntahan para lang tanungin ng nakakainis na tanong. "Totoo ba'ng tinawagan mo sa cellphone ni Ate Carmi ang Rafael na 'yon?" Hindi niya naiwasang tumaas ang kilay. Pero mabuti at hindi siya nakapagbitiw ng masamang salita. Talagang sinikap niyang maging mahinahon. "Hindi ko naman kailangang magpaka-abala para kay Rafael, boss," sabi niya kasunod ang pagpapakawala ng hininga mula sa dibdib. "Ang kapatid ko'ng si Shara ang tinawagan ko kaya ako nanghiram ng cellphone kay Ate Carmi." "Siguraduhin mo lang, Shantel," sabi nitong tila may pagbabanta. "Huwag na huwag ko lang malaman na muli ka'ng pinuntahan dito ng lalaking 'yon." Hindi na niya napigilang magsalita na may kaugnayan sa sinabi nito. But she still insisted in a calm way. "Don't take away my right to associate with other people, Boss Mel. Kalabisan na iyon at hindi mo na dapat gawin." "Habang narito ka sa aking resort ay dapat mo'ng sundin ang gusto ko, Shantel," maigting nitong tugon sa kanya. "Isa pa, sa lalaking iyon lang naman kita pinaiiwas at hindi sa lahat ng tao." "But that's really unfair, boss. Walang masamang ginawa sa 'yo si Rafael para palayuin mo sa akin." "Para sa akin ay malaking kasalanan na niya ang ginawang pakikipag-kaibigan sa 'yo, Shantel. Kaya sundin mo na lamang ang gusto ko." Nagtiim ang mga bagang niya. Nangilid ang kanyang mga luha. Si Melgar na yata ang pinaka-imposibleng tao na nakilala niya. "Mabuti kang tao, Boss Mel," garalgal ang boses na sabi niya. "Malaki ang naitulong mo sa akin at tinatanaw kong malaking utang na loob iyon. Pero huwag ka sanang naging madamot para kay Rafael." "Dahil gusto mo siya?" sabi ni Melgar na pagak na tumawa. "Hindi mo matanggap ang paghadlang ko sa pagiging magkaibigan ninyo ng lalaking 'yon." "Dahil maling-mali, boss." "Ang sabihin mo ay umaasa ka na mauuwi sa mas maganda ang inyong relasyon? Pero hindi ko hahayaang mangyari iyon, Shantel. Hinding-hindi." Seryoso ang mukha na umiling pa si Melgar. Nagtagis muna ang mga bagang nito bago muling nagsalita. "Hindi ako nakapapayag na maungusan ng lalaking 'yon, Shantel. Magiging malaki akong hadlang para magkaroon kayo ng relasyon ng Rafael na 'yon." Tuluyan na siyang umiyak. Pero nais niyang ikubli kay Melgar ang mga luha niya kaya tumungo siya. Sanhi niyon ay hindi niya nakita ang pagdating ni Rafael, na nakita siyang kausap ni Melgar kaya dali-daling lumapit sa kanilang kinaroroonan. "Hindi ako nagbibiro, Shantel," sabi pa ni Melgar, na hindi rin napansin ang bagong dating. "Huwag na huwag mong papuntahin pa ang Rafael na 'yon dito sa resort ko." "Ako ba ang tinutukoy mo?" Mabilis na iniangat ni Shantel ang mukha ng marinig ang pamilyar na boses-lalaki. Napa-awang ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata ng makilala ito at nakatayo ng tumambad sa harap niya.  "Rafael..?" Agad na lumingon si Melgar. Nagulat din ito ng makilala ang bagong dating. "Ikaw?" Napakunot-noo siya nang marinig ang sinabi ni Melgar. Nag-isip agad siya kung nagkita na ba ang mga ito. Saan? "Hindi ba't ikaw iyong nakabangga ko sa supermarket?" tanong paniniyak ni Melgar. "Oo. Ikaw nga iyon!" "Ako nga," tugon ni Rafael. "At hindi ko inaasahang makikita kita rito." Lumapit siya kay Rafael. Natataranta niyang inilayo ito mula kay Melgar. "Umalis ka na muna, Rafael." "May gusto lang akong ibigay sa 'yo, Shantel," sabi nitong iniumang ang dalang plastic bag na hindi niya alam kung ano ang laman. "Tanggapin mo sana ito." "Nag-abala ka pa," aniyang tinanggap iyon. "Sige na. Umalis ka na muna. Thank you so much dito sa dala mo." "Bakit ba minamadali mo akong umalis? Dahil ba sa lalaking 'yan? Sino ba siya?" Nilingon niya si Melgar. Muntik na siyang mapasigaw ng makitang papalapit na ito sa kanila. Halata niyang galit ito at mukhang magwawala. "Siya ang boss ko, Rafael. Siya si Melgar. My gosh! Galit siya kaya umalis ka na bago pa magkagulo." "Hindi ako aalis, Shantel. Haharapin ko ang lalaking 'yan." "Diyos ko, naman," bulalas niyang lalong nakadama ng takot sa posibleng mangyari. "Rafael, umiwas ka na muna. Tingin ko ay may nangyari na sa pagitan ninyo kanina, na hindi maganda." "Oo, Shantel. At napatunayan ko'ng may problema sa utak iyang boss mo." "Hoy!" sigaw ni Melgar na dinuro si Rafael habang papalapit ito. " Baka hindi mo ako kilala. Ako lang naman ay owner ng resort na ito kaya umalis ka rito kung ayaw mong masaktan!" Napatili siya. Gusto na niyang umiyak dahil sa nerbiyos. Hindi niya gustong tuluyang magkagulo ang dalawang lalaki.  "Rafael, please!" pakiusap niya kay Rafael. "Umalis ka na." "Narinig ko ang sinasabi niya sa 'yo kanina, Shantel. Hindi ko iyon nagustuhan kaya gusto ko'ng magkalinawan kami ng boss mo." "Pero magkakagulo nga, Rafael. Baka kung saan pa ito umabot." Nasapo niya ang sariling noo. "Umiwas ka na lang. Please." Hinawakan siya sa braso ni Rafael. Napatingin siya rito na nakikiusap ang mga mata. Nakita naman nito iyon at naunawaan ang ikinilos niya. "Promise, Shantel," mahinahong sabi ni Rafael. "Hindi ako makikipag-away sa boss mo. Magpapakahinahon ako para sa 'yo." "Please lang, Rafael," may pakiusap niyang sabi. "Thank you." HALOS pagkababa pala'ng ng cellphone ni Shara mula sa pakikipag-usap kay Shantel ay nakarinig na siya ng tila nagmamadaling mga katok sa pintuan ng kuwarto niya.  "Magmadali ba?" sabi niya sa sarili na kunot-noo. Lumapit agad siya sa pintuan para buksan ang dahon niyon. "Sana naman ay good news ang dala ng kumakatok na ito." Pagkabukas na pagkabukas niya sa dahon ng pinto ay agad na nagsalita ang isa sa kanilang mga kasambahay. Wari'y takot ito na sapo ang dibdib. "Senyorita, nasa ibaba po si Sir Jerson. Nakakatakot po." "Ano? Bakit?" "Para po'ng lasing, eh. Saka ang lakas ng boses. Para po'ng gustong magwala sa ibaba." Napabuntonghininga siya. Napailing. Siguro nga ay balak na naman nito'ng paggulo. Palibhasa'y hindi talaga matanggap ang paglayo ng Ate Shantel niya. Pero maisip niya na mabuti at ginawa iyon ng kapatid niya dahil may bad attitude din pala ito. Bastos, walang galang sa mga magulang nila at may pagka-bayolente. Sa isip ay nagpasalamat siya dahil sa oras na ito ay wala ang papa at mama niya. Hindi masasaksihan ng mga ito ang panggugulo ni Jerson. "Sige, aling Siony," sabi niya sa kasambahay. "Bababa na ako." "Bilisan mo po, senyorita," bilin nito bago umalis. Napailing siya. Pati ang mga kasambahay nila ay natatakot na kay Jerson. Para tuloy gusto na niyang magalit dito dahil sa inaasal nito. Pero sa kabila niyon ay nananaig sa isip niya ang bilin ng kanyang papa, na hangga't kaya raw ay pagpasensiyahan nila ito dahil hindi biro ang pinagdaraanan. Sang-ayon siya sa ama tungkol sa bagay na iyon. Hindi naman kasi mangyayari sa boyfriend ng Ate Shantel niya ang ganito kung hindi nito iniwan.  At malaki ang bahagi niya kung bakit nagdaranas ito ng ganito! "So, behave ka, myself," bulong niya sa sarili habang bumababa sa hagdanan. "Huwag ka'ng magpapakagalit maging barumbado man si Jerson. Just relax and be calm." God, magawa ko nga po sana, she prayed. Maging mahinahon po sana ako! "Nasaan si Tito Noli at Tita Sylvia?" malakas ang boses na tanong ni Jerson ng makita siyang papalapit. "Gusto ko silang makausap. Pababain mo rin sila rito." "Jerson, I'm sorry. Wala rito ang papa at mama ko. May business meeting silang pinuntahan. Take a sit. You want some snack or--" "Si Shantel ang gusto ko, Shara," putol nito sa sasabihin pa niya. "Siya ang ilabas ninyo at kailangan ko siya." "Bakit ba ayaw mo'ng maniwala na hindi talaga namin alam kung saan pumunta si ate? Pumunta na rito ang papa mo at naunawaan niya ang totoong nangyari. Sana naman ay maunawaan mo rin iyon." "Hindi ako tulad ni papa na madali ninyong naloko," sabi ni Jerson na pagak na tumatawa. Umiling-iling pa. "Alam ko na itinatago lang ninyo si Shantel. Ilabas ninyo siya!" "Maniwala ka, Jerson. Hindi namin itinatago si ate. Bakit namin gagawin 'yon? Talagang umalis lang siya na hindi nagpaalam at hindi namin gusto iyon." Umupo sa sofa si Jerson at ipinatong sa mga tuhod ang braso saka sinalo ang sariling ulo. "Bakit ginawa ni Shantel ang bagay na iyon? Ano ang kasalanan ko sa kanya para saktan niya ako ng ganito?" Totoong nakadama siya ng awa dito. Parang gusto niyang lapitan ito at hagurin ang likod para kahit papaano ay mahimasmasan. Pero hindi niya ginawa iyon dahil baka magbunga lang ng hindi maganda.  "Jerson, ayusin mo ang sarili mo," lakas-loob niyang sabi dito. "Hindi lang si ate ang buhay mo. Marami ka pa'ng bagay na dapat gawin kaya huwag mo'ng sayangin sa wala ang pagkakataon. Just move-on." "Mahaharap ako sa malaking kahihiyan kapag hindi natuloy ang kasal namin ni Shantel. Ano ang mukha'ng ihaharap ko sa kakilala ko?" "Pero mas mapupulaan ka kung makikita ka nilang ganyan. Ang haba-haba na ang balbas at bigote mo. Hindi na ikaw ang dating kagalang-galang na Jerson Avestruz, na tinitingala ng marami. Gusto mo ba'ng tuluyang masira ang pagkatao mo?" Tila natauhan si Jerson sa sinabi niya. Napatingin ito sa kawalan na nangingilid ang mga luha. Naisip siguro nito na tama ang sinabi niya at nagbigay dito ng linaw. Maya-maya ay tumayo ito at tahimik na humakbang palabas ng bahay nila. Nakahinga siya ng maluwag. Nagpasalamat siya at umalis na ito. Gayunpaman ay dumalangin siya na sana nga ay naliwanagan na ang isip nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD