"SOBRA siyang seryoso sa pagmamahal sa 'yo, Shantel," pabuntonghiningang sabi ni Carmina. Napansin niyang nag-teary eyes ito. "Ngayon lang kasi siya nagmahal. At matindi pa."
"Pero hindi naman puwedeng ukulan ko rin siya ng pagmamahal, Ate Carmi. Wala talaga akong nararamdaman para sa pinsan mo."
Tumungo ito. "Sinabi ko na 'yan kay Melgar. Pero pinaninindigan niya ang pagmamahal sa 'yo. Umaasa siya na pagdating ng araw ay mamahalin mo rin."
Umiling-iling siya. Pakiramdam niya ay sumakit ang kanyang ulo kaya nasapo ang noo. Hangga't maari sana ay ayaw niyang pag-usapan nila si Melgar pero talagang hindi maiwasan.
"Pasensiya ka na, Shan," anitong tumingin sa kanya. Pinilit na ngumiti. "Binuksan ko na naman ang topic kay Melgar. Sige na. Umalis ka na at baka masira pa ang araw mo."
Tinanguan niya si Carmina. Natuwa siya sa sinabi nito. Mabuti at ito na rin ang pumutol sa usapang ayaw niyang magpatuloy pa. Kaya agad siyang nagpaalam dito at dali-daling lumabas sa resort.
"Sana ay makakita ako ng paupahang bahay ngayon," bulong niya habang naghihintay ng pampasaherong jeep. "Kailangan ko na talagang lumipat ng bahay. Para makapaghanap na rin ako ng bagong work nang maiwasan mo na si Melgar."
Pinara niya ang paparating na jeep. Naisip niyang sa bayan muna pumunta at baka may makita siyang bagong trabaho. Kung sakali ay mag-a-apply na siya para walang masayang na oras. Pero may narinig siyang pagtawag nang pasakay na siya sa nakahintong pampasaherong sasakyan. Nang lumingon siya ay agad nakita ang pick-up car ni Rafael na nasa hulihan.
"Rafael," anas niya na agad napangiti. Bakit narito siya?
Kinawayan siya nito. Agad niyang naunawaan na pinasasakay siya sa minamanehong Ford F-150. Nakangiti siyang sumenyas sa driver ng jeep at sinabing hindi na sasakay.
"Pasensiya na po," sabi pa niya. Nagdahilan na lamang siya. "Nasa likod na po pala ang sundo ko. Salamat po."
Agad niyang ipinihit ang katawan at humakbang patungo sa nakatigil na ring sasakyan ni Rafael.
"Hi," bati niya rito nang binuksan ang dahon ng sasakyan para makapasok siya. "Mabuti at napadaan ka rito, Rafael."
"Good morning, Shan," ngiting-ngiti nitong sabi. "Actually, pupunta talaga ako diyan sa resort. Mabuti na lang at agad kitang nakita."
Pinausad na nito ang sariling sasakyan.
"Salamat talaga at hindi ka pa nakasakay sa jeep," sabi pa ni Rafael. "Muntik ka ng makaalis. Saan ka ba pupunta?"
"Sa bayan," tugon niya. Ang totoo ay nakadama siya ng tuwa dahil nakita ito. "Day-off ko kasi sa work."
"Good," masigla sabi nito. "Timing na timing pala ako. Dahil libre ka ay puwede tayong mamasyal."
"M-mamasyal?"
"After tayong pumunta sa bayan ay ipapasyal kita sa farm. Okay lang ba sa 'yo?"
Tumango siya. Lalo siyang nakadama ng tuwa. Para sa kanya ay suwerte ang araw na ito dahil magkakaroon sila ng pagkakataong magkasama the whole day.
"Ano ba ang pupuntahan mo sa bayan, Shan?"
Nagdalawang-isip siya kung sasabihin kay Rafael ang totoo niyang plano.
"M-maglilibang lang sana ako..." ito ang naisagot niya.
"So, puwede palang sa farm na tayo tumuloy," mabilis na sabi ni Rafael. "Tutal ay gusto mong malibang ay doon na kita isasama. I'm sure, you will be happy with me."
Napatawa siya. "Talaga lang, ha."
"So, shall we go to my farm?"
"Yes, boss."
Dahil nakatingin siya kay Rafael ay kitang-kita niyang sumimangot ito. Hindi niya naiwasang magtanong kung bakit. Agad naman siya nitong sinagot.
"I'm not your boss, Shan. My personality is so different from him."
"Sorry," kibit-balikat niyang sabi. "Bakit nga ba nasabi ko 'yon?"
"Baka in-love ka na sa Melgar na 'yon?"
"No way! Don't say that, Rafael. I will never fall in love with him. Really."
"That's good. Your future will be ruined with Melgar."
"But on the other hand, I also feel sorry for him," sabi niyang totoo ang emosyong iniuukol para kay Melgar. Tumimo kasi sa utak niya ang sinabi ni Carmina. "According to his cousin, he would die if he frustrated on me."
"Let him die," natatawang sabi ni Rafael. "Gusto niya iyon kaya hayaan mo siya. It's not your fault anymore."
Hindi siya umimik.
NAPAKUNOT-NOO si Shara nang makatanggap ng bouquet of fresh flowers ng umagang iyon. Nananahimik siya sa kuwarto ng biglang kumatok ang isang maid at binigay iyon.
"Kanino galing ito?" usal niya. "Thank you, Letty."
Nang tumalikod ang kasambahay ay agad niyang isinarado ang dahon ng pinto. Saka niya binasa ang maliit na card na nasa bulalak.
"Galing kay Renz," sabi niyang lalong lumalim ang kunot sa noo. Hindi niya inaasahan iyon kaya napa-awang pa ang labi niya. "Anong meron?"
Binasa niya sa isip ang mensahe sa card. You're like this bouquet of flowers -- bright, beautiful and always making me smile. I'm sorry for being so rude.
Napangiti siya. "At least, he admitted to the stupidity he did. With these flowers ay nagawa niyang mag-sorry."
Tinanggap mo na ba ang sorry niya, Shara? tila may boses siyang narinig sa likod ng ulo niya. Have you forgiven that alien? Peace na ba kayo?
Biglang tumaas ang kilay niya. Napairap pa siya.
"No... no..." sabi niyang umiling-iling. "I have no plans to negotiate with that man."
Sumagi sa isip niya si Harlene. Alam niyang ito ang nagbigay kay Renz ng address niya kaya nakapagpa-deliver ito ng bulaklak sa kanya.
"Huwag lang na pati cellphone number ko ay ibinigay mo sa alien na 'yon, bestfriend," sabi niyang nataranta. "Tiyak na kukulitin niya ako kapag nagkataon."
Kinuha niya ang sariling cellphone para tawagan si Harlene. Pagkatapos naman ng dalawang ring ay tinanggap nito ang tawag niya.
"Hello, bestfriend," masiglang sabi nito. "How are you?"
"I'm not fine, girl," tugon niya. "Actually, I'm angry. I'm disgusted!"
"Ano ba 'yan, girl?" sabi ni Harlene na natatawa. "Ang aga mo namang bad mood. What's the matter?"
"Alam kong ikaw ang nagbigay ng address ko kay alien. Umamin ka, bestfriend."
"Kay alien? Sino namang--" Lumakas ang tawa ng matalik niyang kaibigan. "I know it. I mean, I already know the alien you're talking about."
"Who else? There's only one alien I know."
"Sobra ka kay Renz, Shara. Bansagan mo bang alien iyong tao?"
"Yes, he is. And I really doesn't know why he's stuck in this world? Para lang magkawalang-hiya."
"Nag-sorry na naman sa 'yo iyong tao--"
"Alien!"
Mas lumakas ang pagtawa ni Harlene. "Hindi talaga siya tao para sa 'yo. Sobra ka."
"Kung hindi siya gumawa ng kalokohan, hindi siya mababansagang alien. Kaso, para talaga siyang taga-ibang planeta. Or maybe, an alien is even better than him."
"Patawarin mo na lang si Renz. Mabait naman siya. Promise. Nagkataon lang talaga na hindi maganda ang first meeting n'yo."
She sighed. "Did you know, that alien sent flowers here in the house this morning?"
Tumili si Harlene. "Talaga? Ang sweet. Kinikilig ako, girl."
"Pero inis na inis naman ako."
"Bestfriend, hindi ka ba talaga kinilig? The flowers you received have no effect on you?"
Napailing siya kahit sa cellphone lang kausap ang matalik na kaibigan. "I'm really disgusted, Harlene. Iyan ang naging epekto sa akin nang ibinigay ng kaibigan mo."
"May card ba ang ibinigay niya? Ano ang nakasulat?"
"My God, girl," usal niya. "Itanong pa ba 'yan?"
Humagikhik ito. "Kinikilig talaga ako, girl. Natutuwa ako kay Renz. Biruin mo'ng mag-abala pa siya? It means, sinusuyo ka niya."
"But I don't want to. I don't feel it."
"Ikaw naman," sabi ni Harlene. "Nakikipag-kaibigan na sa 'yo si Renz. Huwag naman sanang maging bato ang puso mo."
"Sana lang, Harlene... hindi mo naibigay sa alien na 'yon ang cellphone number ko. O kahit ang phone number dito sa bahay."
"Actually, hindi. Sabi ko na lang sa kanya, mag-friend request na lang sa messenger mo."
"My gosh," aniyang napakamot sa leeg. "Ang bait mo talagang bestfriend."
Humagikhik si Harlene. "Thank you, girl."
"Ewan ko sa 'yo, Harlene Mercado. 'Kainis ka."
"Girl, promise," tila nagmamadaling sabi ni Harlene. "Mabait talaga si Renz. At single pa."
"I'm not enterested. Wala akong pakialam kahit maging double pa siya. Or more than ten."
Humalakhak ang bestfriend niya. "Sira!"
"Ayoko kasi talaga sa Renz na 'yon. Kaya pakisabihan mo na rin, girl... na tigilan niya ako."
"Hala, naman," angil nito. "Guwapo naman siya, Shara. Hunk. Take a look at his photos on his sss account. Girl, the abs are great. Nakakaloka!"
"Wala akong pakialam sa abs ng alien na 'yon. Harlene, tigilan mo na nga ako. Huwag na huwag mo nga'ng maireto sa akin ang Renz na 'yan. Utang na loob!"
"Sige na... sige na," natatawang sabi ni Harlene. "I'll just close my mouth. I'll be quiet and not talk about that alien."
"Thanks, girl," pabuntonghininga niyang sabi. Kasunod ang tanong sa kanyang isip. Who is that Renz Montemayor? Why did our paths cross?
Natigilan siya. Nandilat ang mga mata. Ano pa't napa-awang ang mga labi niya. Tila may malakas na sigaw siyang narinig mula sa likuran niya. Nakakarindi iyon para sa kanya. Kaya natakpan niya ng palad ang isang teynga.
"No!" nausal niyang wala sa loob. Mali ang naisip ko. Erase. Erase. Erase. "I can't! I don't want to!"
"Shara?" sabi naman ni Harlene nang narinig siya sa kabilang linya. "Why?"
"Nothing," mabilis niyang tugon. "Sige na, girl. Bye-bye na. See you next week. 'Pasyal uli ako diyan sa office mo."
"Okay, bestfriend. No worries. Bye."
Nang wala na sa kabilang linya si Harlene ay napatitig siya sa dingding ng kuwarto niya. Hindi ang Renz na iyon ang destiny ko...
"BAKIT natahimik ka d'yan?" tanong ni Rafael kay Shantel ng hindi pa rin siya umimik. "Are you really affected by Melgar's situation?"
"Sorry," tugon niyang tiningnan ito. "Ang totoo'y nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Yes, affected ako dahil hindi ko alam kung paano nakakaiwas kay Melgar."
"Mag-resign ka na sa work. Kapag umalis ka sa resort ay hindi mo na makikita ang lalaking iyon. 'Tapos ang problema mo."
"Hindi gano'n kadali, Rafael. Wala pa akong ibang trabaho at walang matutuluyan. Alam mong stay-in ako sa resort."
"Problema ba 'yan?" sabi ni Rafael na sinulyapan siya. Ngumiti. "Sa farm ka tumira. You're very much welcome there, Shan."
"S-salamat," alinlangan niyang tugon. Iniiwas niya ang tingin dito. Ang totoo'y nahihiya siya kay Rafael. It's not that easy to do, Rafael. It is not a simple thing to live in a house with you.
Hindi niya alam kung paano sasabihin na ang pagmamalasakit nito ang nasa isip niya. Bagama't alam niyang malinis ang hangarin nito ay hindi naman puwedeng agad-agad niyang tanggapin ang offer nito.
"So, anong plano mo, Shan?"
Napapikit siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.
"Puwede tayong bumalik sa resort, para kuhanin na ang mga gamit mo."
Napapitlag siya. Nanlalaki ang mga matang napatingin kay Rafael. Kumibot-kibot ang labi niya. Gusto niyang magsalita pero hindi alam ang sasabihin.
"What's your decision, Shan? I'm going to take this pick-up back to the resort."
"No. Don't," taranta niyang sabi. Nasapo niya ang sariling dibdib. "Huwag na muna, Rafael. Huwag ka namang padalus-dalos."
Tumawa ng mahina ang lalaki. "Okay. Sa iyo ang desisyon. I'm willing to wait but please, don't take too long."
Tumango na lang siya at nagpasalamat.
Kung puwede nga lang sana, Rafael. Narinig niyang sabi ng tila maliit na tinig mula sa likod niya. Hindi na talaga ako magdadalawang-isip sa tumira sa bahay mo.
"Mabubuhay ka na parang prinsesa sa farm ko, Shantel," sabi pa ni Rafael, na nang tingnan niya ay bakas sa mukha ang saya. "Correction pala..."
Bigla niyang iniiwas rito ang mga mata nang tumingin ito sa kanya.
"You will be a queen in my farm when you live there."
Naramdaman niyang lumukso sa tuwa ang puso niya. Ang sarap sa kanyang pandinig ng sinabi nito. Lalo na at itinama pa nito ang unang sinabi -- she will not only be a princess on his farm but a queen.
Wow! Thank you so much, Rafael, nagdiriwang sa sabi ng isip niya. I am honored to be consider as your queen!
Ibig sana niyang itanong kung bakit ganoon ang pagtrato sa kanya. Gusto niyang malaman kung mahal ba siya nito. Pero wala naman siyang lakas ng loob para alamin iyon.