"HUWAG mo sana'ng pakitaan ng masamang ugali si Shantel, Ate Carmi," kontrolado ang boses na sabi ni Melgar kay Carmina ng puntahan ito sa opisina. "Pakisamahan mo siya ng maayos. Please."
"Ako ba ang mali, Mel? Ako pa ba ang dapat makisama sa babaing 'yon?" Pagak itong tumawa at umiling-iling. "Biruin mo'ng ako pa ang sasabihan mo ng ganyan. Nang dahil lang sa Shantel na 'yan ay kukumprontahin mo ako ng ganito."
"Ate, nagpaalam siya sa akin na magda-day-off bukas dahil maghahanap siya ng mauupahang bahay. Kapag nakakita siya ay aalis na siya dito sa resort."
"Hayaan mo," tugon ni Carmina. "Ano ba'ng problema? Mas masaya nga ako kung aalis na siya sa bahay ko."
Nagsumping ang mga kilay niya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. "Hindi aalis si Shantel sa bahay mo. Hindi puwede!"
"Talagang silung-silo ka na ng babaing 'yon, Melgar. Parang hindi ka na mabubuhay ng maayos kung mawawala siya. Hindi tama 'yan. Mag-isip ka nga."
"Ate Carmi, please," sabi niyang may pakiusap. "Pigilan mo si Shantel. Ayokong umalis siya dito sa resort."
"Pakikiusapan ko ang Shantel na 'yon? Aba, Melgar, umayos ka nga. Ako pa ba ang magpapakababa sa kanya? No way!"
"Ate, please lang," sabi niyang pinagdaop pa ang dalawang palad sa tapat ng dibdib. "Nakikiusap ako sa 'yo. Tutal naman ay ikaw ang unang nagpakita sa kanya ng hindi magandang ugali kaya ikaw ang dapat manuyo."
"You're out of your mind, Melgar," pabuntonghiningang sabi ni Carmina. Umiling-iling na naman ito. Talagang hindi ito makapaniwala sa gusto niyang mangyari. "Pagkatapos ko'ng away-awayin ang Shantel na 'yon ay gusto mo'ng suyuin ko. Ano ka ba?"
"You need to do it, Ate Carmi. Shantel should not leave the resort. Dapat ay dito pa rin siya mag-stay. Diyan sa bahay mo."
Napatungo si Carmina. Alam niyang nakita nito ang galit sa kanyang mukha. Pero hindi ito umimik.
"Do something, ate," sabi pa niya matapos bumuntonghininga. Talagang desidido siyang pakilusin ito para gumawa ng paraan na huwag umalis si Shantel. "Kapag hindi na dito nakatira si Shantel ay siguradong malaya na silang magkikita ni Rafael..."
Nasapo niya ang sariling noo. Hindi pa man ay parang sasabog na ang ulo niya sa mga bagay na naiisip.
"Magiging malaya si Rafael na puntahan si Shatel kapag hindi na siya dito nakatira. Tuluyan na akong mawawalan ng papel sa buhay niya."
"Para ka namang mamamatay, Melgar," maigting na sabi ni Carmina. "Para ka'ng hindi na mabubuhay kapag nawala dito sa resort si Shantel."
"Ate, alam mo'ng si Shantel lang ang babaing minahal ko ng ganito. At baka nga ikamatay ko kapag hindi siya naging akin."
Nanlaki ang mga mata ni Carmina dahil sa narinig. "Ano ka ba naman, Melgar? Hindi maganda ang ganyan!"
"Kaya gumawa ka ng paraan, ate. Please!"
Napailing ito. "Huwag ka'ng magpaka-gago sa babaing 'yon. She doesn't deserve to be treated like that."
Tinapik-tapik niya ang noo. "Gago nga ako kung gago. Wala na ako'ng pakialam dahil ang totoo ay baliw na ako sa pagmamahal kay Shantel."
"Tumigil ka, Melgar. Mali 'yan. Hindi tama ang ginagawa mo. Umayos ka!"
Tumalikod siya kay Carmina. Ibinagsak niya ang mga kamay. Halos pasigaw na siya nang nagsalitang muli.
"Maaayos lang ako kung mananatili dito sa resort si Shantel. Matatahimik lang ako kung sa bahay mo siya patuloy na titira. Ate Carmi," anas niyang muling humarap sa pinsan. "Huwag mo'ng paalisin si Shantel bukas. Pakiusapan mo siya na huwag nang maghanap ng pauupahang bahay. Pleasee!"
"HINDI mo naman kailangang maghanap ng mauupahang bahay, Shantel," mahinahong sabi ni Carmina kay Shantel. Napalingon siya rito dahil hindi niya inaasahang magsasalita ito nang pareho na silang nakapasok sa bahay nito. Off duty na sila. "Dito ka na nakatira kaya welcome ka naman dito."
Iniiwas niya ang tingin at hindi niya ito tinugon. Inabala niya ang sarili sa pagpapalit ng damit. Nagsuot lang siya ng short at blouse na spaghetti strap.
"Sorry kung nagpakita ako sa 'yo ng bad attitude nitong huling araw," sabi nitong humugot ng malalim na hininga mula sa dibdib. "Sobrang naaawa lang ako sa pinsan ko kaya gusto ko siya'ng ipagtanggol."
"Ate, huwag mo sana'ng mamasamain pero ayaw ko na munang pag-usapan natin si Boss Mel. Nagugulo ang isip ko."
"Ang punto ko lang ngayon ay tungkol sa pagda-day-off mo bukas. Huwag mo na sanang ituloy ang paghahanap mo ng pauupahang bahay."
"Day-off ko naman bukas, ate. Sasamantahin ko lang ang pagkakataon. I just want to relax. Masyado na akong napi-pressure."
"Dahil sa akin?"
Hindi niya ito tinugon.
"So, aalis ka pa rin?" tanong nito na halata sa boses ang inis. "Gagawin mo pa rin ang plano mo?"
"Wala namang masama sa gagawin ko, Ate Carmi. Saka nahihiya na rin ako sa 'yo. Baka naaabala na kita dito sa bahay mo."
"Wala namang problema kung dumito ka, Shantel. Ibalik natin ang masaya nating samahan. Gaya ng dati."
Ayoko na, Ate Carmi. Hindi na maibabalik pa ang dati nating samahan. Alam ko na ngayon ang totoo mo'ng ugali kaya mas mabuti na lumipat na ako.
"Gusto ko talagang ma-relax, ate," iyon ang isinatinig niya. "Maglilibang ako bukas kaya nagdi-day-off ako."
"Pero huwag ka nang maghanap nang pauupahang bahay. Maluwag naman sa ating dalawa itong bahay ko. Saka mas masaya kapag hindi ako nag-iisa."
Ngumiti siya at tumango. Hindi na niya ito kinontra para wala na silang pagtalunan pa.
"Salamat," sabi ni Carmina na niyakap siya. "Thank you at pinagbigyan mo ako. Promise, hindi na mauulit ang pangit na ugaling ipinakita ko sa 'yo."
Tinapik niya ito sa likod. Saka siya nagpasalamat. "Pero sana ay iwasan na nating pag-usapan si Boss Mel para wala tayong pagtalunan."
Kinalas nito ang pagkakayakap sa kanya. Ngumiti ito at saglit siyang tiningnan sa mukha. "Don't worry, Shan. Hindi na ako makikialam sa inyo ng pinsan ko. Sorry sa pagiging pakialamera ko."
Tumawa siya ng mahina. Sana nga ay magawa mo talaga na hindi makialam sa amin ni Melgar, Ate Carmi. Sana.
"Huwag ka ng magluto ng ulam mo. Gusto ko kasi ng pork adobo kaya dadagdagan ko na ang lulutuin ko. Share na tayo."
"Sige, ate. Salamat."
Umalis na ito sa harap niya pero patuloy na nagsalita. Naging makuwento ito kaya natuwa siya. Talagang sinisikap nito na maibalik ang dati nilang magandang samahan.
Pero hindi mo na ako mapipigilan, Ate Carmi, sa isip-isip niya. Oras na may makita akong uupahang bahay ay lilipat na ako.
Gusto niyang lubusang makaranas ng kalayaan kaya nais niyang bumukod ng tirahan. Para hindi na niya obligasyong harapin si Melgar kapag ayaw niya itong kausap. Isa pa ay walang pipigil sa kanya na bumisita si Rafael.
Sana ay may makita akong paupahang bahay bukas. Huwag sana akong mabigo at makalipat agad.
NAKAHIGA na si Shara sa kanyang kama pero hindi pa rin siya makatulog. Hindi kasi mawala sa isip niya ang naging usapan nila ni Renz ng nasa office ni Harlene kanina.
Napangiti siya habang nakatitig sa kisame. Hindi niya inaasahang may makikilala siyang lalaki sa araw na ito. At isang nilalang na kagaya ni Renz Montemayor, na sabi nga niya ay isang alien.
"Alien," bulong niya. "Hindi ko naman sinasadya pero iyon ang unang pumasok sa utak ko. Sorry ka na lang, Renz. It's not my fault if that's immediately entered into my mind."
Hindi niya masisisi ang sarili dahil kasalanan naman nito. Gumawa ba ng bagay na ikinagalit niya? Sino ba ang matutuwa sa hindi magandang inasal nito at tila ay nang-asar pa?
"Ang kapal ng mukha ng alien na 'yon," muli niyang naibulong. "May lakas pa ng loob na magpakilala."
Napanguso siya. Saka tumaas ang kilay.
Pogi naman ang alien na iyon, bulong ng utak niya. But he's obviously naughty. So, let that thing be a warning to you, Shara. Huwag ka'ng makikipag-kaibigan sa Renz Montemayor na iyon.
"Talagang hindi," sabi niyang sumimangot. "I don't like him. I don't want to have a friend like him."
Napaisip siya. Parang bigla siyang makaramdam ng lungkot.
Sa ipinakita ko sa kanya na magaspang na ugali kanina ay siguradong hindi na niya gugustuhin pa'ng makipag-kaibigan sa akin.
"Has Renz turned me off?" tanong niya sa sarili. "Can't he want me to be his friend anymore?"
Ewan niya. Hindi niya matiyak sa sarili kung ano nga ba ang emosyong nanggagalaiti sa kanya sa sandaling ito. Katuwaan ba? O paghihinayang?
"No," may malakasang sabi niya. "Hindi ako nanghihinayang. Why should I? Hindi pinanghihinayangan ang ganoong klaseng lalaki."
Sabi pa niya sa sarili, labis akong natutuwa kung hindi na niya ako gustong maging kaibigan. Ikatatahimik iyon ng buhay ko!
She sighed and close her eyes. She wanted to be quiet and wants to sleep. So, she tried to erase the man from her brain -- that she didn't know why bothering her now.
"Bakit nga ba?" bulong niyang lalong nainis sa sarili. "Ano ba itong utak ko na nagpapaka-abala sa pag-iisip sa alien na iyon? Nakaka-inis!"
Tinakpan niya ng unan ang sariling mukha. Ikinawag-kawag niya ang mga paa sa ibabaw ng kama. Hindi niya matanggap na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakararanas siya ng ganito. Sa dinami-dami ng tao sa mundo ay sa isang Renz Montemayor pa naukol.
Ay! Kahit ano yatang gawin niya ay hindi na niya maitatanggi ang katotohanan. Ang nilalang na inaayawan niya at itinuturing na walang halaga ay may espasyo sa puso niya.
"No way," aniyang biglang inalis ang unan mula sa pagkakatalukbong sa mukha niya. "Hindi totoo 'yan. Ayoko!"
MASAYANG nagpaalam si Shantel kay Carmina ng umagang ito. Ngiting-ngiti naman itong tumango at hinawakan siya sa kamay.
"Take care, Shan," sabi nito. "Sana nga ay ma-relax ka kung saan ka man makarating. Basta huwag mong kalilimutan ang bilin ko."
"B-bilin?" kunot-noo niyang tanong. "Ano 'yon ate?"
"Huwag ka nang maghanap ng mauupahang bahay. Dumito ka na... kahit forever."
Sabay silang napatawa.
"Walang forever, ate. Sabi nila..."
Biglang sumimangot si Carmina. Hindi umimik at binitiwan ang kamay niya. Halata niyang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.
"Sabi nila," ulit niya. "Wala daw forever."
"Ibig sabihin ay aalis ka talaga sa bahay ko," sabi nito. "Siguro ay plano mo talagang maghanap ng mauupahang bahay. Tapatin mo na nga ako, Shantel."
"Hindi naman ako dapat habambuhay na makikisukob sa 'yo, ate. May posibilidad na umuwi din ako sa amin at sa Manila na mag-stay. Kaya mas mabuting ipalagay na lamang natin ang ating loob."
"Wala rin ba'ng pag-asa na magkaroon kayo ng relasyon ni Melgar?"
Tumingin siya ng tuwid sa mga mata si Carmina. Sinabi niya ang totoo. Inihayag niya na walang pag-aalinlangan ang tunay na nararamdaman para sa pinsan nito.
“I have no feelings for Boss Mel, ate. Sana ay maunawaan mo 'yon. Malayong magkaroon kaming dalawa ng relasyon."
Tumangu-tango si Carmina, na nakita niya ang matinding kalungkutan sa mga mata. Alam niyang nasaktan din ito para pinsan at halatang pinilit lang siyang unawain.
"Ate, mahirap magkunwari," pabuntonghininga niyang sabi. "At lalong ayokong magbigay ni gatiting na pag-asa sa 'yo... lalo na kay boss. Mas masasaktan lang siya."
"Ang problema ay si Melgar, Shantel. Sobra talaga siyang masasaktan."
"Pero wala akong magagawa kundi ang magpakatotoo, ate," sabi niya na ang kamay naman nito ang hinawakan. Doon ito napatingin. "Ate Carmi, ako naman ang makikiusap..."
Tumunghay ito sa kanya, na nagtatanong ang mga mata. Alam niyang naghihintay ito na ihayag niya ang gustong ipakiusap dito.
"Tulungan mo sana akong ipaunawa kay Boss Mel na wala akong damdamin para sa kanya. Alam ko'ng maniniwala siya sa 'yo at susundin ang sasabihin mo... na iwasan ako at kalimutan na lang ang pag-ibig para sa akin."
"Hindi siya maniniwala sa akin," tugon ni Carmina na umiiling. "Ginawa ko na 'yan. I mean, ipinaliwanag ko na sa kanya na kalimutan ang nararamdaman para sa 'yo. But he stubbornly refused."
Nalungkot siya para kay Melgar.
"Shantel, mahal na mahal ka ng pinsan ko. Nasabi pa niya na kanyang ikamamatay kapag mabigo siya sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. Kinabahan siya. Naisip niya kung saan puwedeng humantong ang matinding pagmamahal sa kanya ni Melgar.
Nasapo niya ang sariling dibdib. "D-dapat ay maunawaan ni Boss Mel ang sitwasyon. It's too much to give me that kind of love."