GABI pa lang ay inayos na ni Jerson ang sarili. Naghanda siya para sa pagpasok sa opisina kinabukasan. Malaki na ang pagkukulang niya sa kanilang kompanya kaya kailangang harapin na niya ang trabaho.
Kaya biglang paghahanda ay nag-ahit siya ng bigote at balbas. At habang nakaharap siya sa salamin pagkatapos iyong gawin ay napansin niyang pumayat siya. Bukod sa humpak ang pisngi niya ay nangangalumata pa siya. Iyon ay bunga ng paglalasing at pagpupuyat niya.
Napailing siya. Hindi niya maitatanggi sa sarili na malaki ang naging epekto sa kanya ng pag-alis ni Shantel. Talagang ininda niya iyon. Labis siyang nasaktan at hanggang ngayon ay nasa dibdib pa rin niya ang emosyong iyon.
"Umaasa pa rin ako na babalik ka, Shantel," naibulong niya sarili. "Matutuloy ang ating kasal."
Tama, Jerson, hiyaw ng isang bahagi ng kanyang utak. Kaya ayusin mo ang sarili mo. Hindi mo dapat pabayaan ang trabaho para pagbalik ni Shantel ay maayos pa rin ang buhay mo.
Ngumiti siya at tinanguan ang sarili habang nakatingin pa rin sa sariling repleksyon sa salamin. Ibinulong pa niya na simula bukas ay hindi na siya iinom ng alak.
Maaga siyang humiga sa kama niya para matulog. Pinilit niyang maging maayos ang pakiramdam para handa na talaga sa pagharap sa trabaho kinabukasan.
Pero hindi naman siya agad nakatulog. Naglaro kasi sa isipan niya si Shantel. Talagang hindi niya maubos-maisip na iiwanan siya nito. Hindi niya matanggap ang sinasabi ng pamilya nito na hindi siya totoong mahal.
Hindi niya naramdaman kay Shantel na wala itong pagmamahal sa kanya. Lagi naman itong masaya kapag kasama niya. Higit sa lahat, wala itong naging pagtutol sa kanilang naitakdang kasal, bagama't mga magulang nila ang nagplano niyon.
Baka napilitan lang siya, naisip niya. Baka iginalang lang niya ang gusto ng parents niya kaya hindi siya tumutol sa naiplanong kasal.
Mula sa kanan ay inilipat niya ang nakahigang katawan mula sa kaliwa. Patuloy niyang naisip ang bagay na may kaugnayan sa babaing minahal.
So maybe, she left because she wasn't ready to bond with the man she didn't really love, he thought. So, he was even more sad. It seems that only her parents really want us to get married.
Nagdalawang-isip siya. Kailangan pa ba niyang asahan ang magbabalik si Shantel? O dapat ay maghanap na siya ng ibang babae na ipapalit dito?
Nasapo niya ang sariling noo. Pagkuwa'y napatitig siya sa kisame.
Move-on, Jerson, utos ng sarili niyang isip. You have to face a new life. Just love and appreciate yourself more.
Tila napagod siya at nagsawa sa pag-iisip kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata. Gusto na niyang matulog. At matahimik!
NAPANGITI si Shara. Nakita kasi niyang may umalis na kotse mula sa hindi kalayuan sa kinaroroonan niya sa parking lot ng pupuntahang gusali.
"Timing, ah," bulong niya na marahang pinausad ang sariling kotse patungo sa nabakanteng espasyo. "Thanks, someone left. I wasn't looking for a parking space."
Nanlaki ang kanyang mga mata at muntik nang mapatili dahil may nagmamadaling kotse ang agad na nag-park sa paghihimpilan sana niya. Bigla niyang naipreno ang sariling sasakyan. Napamura siya dahil sa inis. Ano pa't nahampas niya ang busina ng kotse.
"Bullshit," anas niyang nagusot ang mukha. "That one is great. Imagine, naunahan pa akong mag-park."
Lalo pa'ng napamulagat ang mga mata niya nang makita ang lalaking umibis sa sasakyan. Parang kumulo ang kanyang dugo kaya ibinaba niya ang tinted window ng kotse at sinigawan ito.
"Hey! You're so rude! I was supposed to park there pero inunahan mo ako. Ang galing mo naman."
"Huh?" anas ng lalaking nagulat. Napatigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. Itinuro nito ang sarili. "Ako?"
"Oo, ikaw nga," galit niyang sabi. "Wow! Ang galing mo naman."
"Oh, thank you."
Lalo siyang nainis dito.
"Ang kapal," bulong niyang tumirik ang mga mata. Where did this alien come from? Maligaw ba dito sa earth?
"Bye, Miss Beautiful," sabi nitong kumaway pa sa kanya. "I'm in a hurry."
Hindi niya naiwasang magmura dahil sa inis. Talagang iniwan na siya nito na nagmamadali. Nahampas niya ang manibela ng kanyang kotse.
"Maghahanap pa ako ngayon ng parking," bulong niyang inilinga ang paningin. "Unahan ba kasi ako sa pagpa-park ng alien na 'yon? He's really rude!"
Wala siyang nagawa kundi ang maghanap nang mahihimpilan ng sasakyan niya. Hindi naman nagtagal ay nakatiyempo siya at maayos na nakapag-park. Pero hindi nabura sa isip niya ang ginawa ng estrangherong lalaki hanggang sa makababa siya.
"Ano ba'ng hitsura ng alien na 'yon?" bulong niya habang naglalakad. Nagusot ang kanyang mukha nang rumihestro sa utak niya ang hitsura nito. Hindi niya maitatanggi na guwapo ito at maputi. Pero napasimangot na naman siya dahil sa inis. "Sayang ang pagiging guwapo niya dahil para sa akin ang mukha siyang alien." Her eyebrows risen. At ugaling alien. Proven!
Pinilit niyang maging kalmante. Sinikap niyang mawala na sa isipan ang lalaking sumira ng araw niya. Kailangang humarap siya na maganda ang mood sa kaibigang si Harlene, na itinuring niyang bestfriend.
Nakangiti na siya nang sumakay sa elevator para pumunta sa fifth floor, na kinaroroonan ng opisina ng kaibigan. Mahigit isang buwan na rin niya itong hindi napapasyalan kaya pinuntahan niya ngayon.
She went straight to Harlene's office because she was often not found her at home due of being a gimikera. Yes, totoong likas na sa dalaga ang pagiging gimikera at walang oras kung ito'y gumimik. Basta gusto nito, go. Palibahasa'y nga ay single at ulila ng lubos. She also has no financial problems because she runs her own travel agency business.
Gayunpaman, pagdating naman sa trabaho ay talagang seryoso ito. Ginagawa talaga ang lahat para sa negosyo. Napakasipag. Kaya bilib siya rito at saludo bilang matalik na kaibigan.
Kilala na siya sa opisina nito at ka-vibes ang lahat ng mga empleyado kaya dere-deretso na siya sa private office nito. Pagkabukas niya sa pintuan nito ay masaya siyang bumati, na nakalahad ang dalawang kamay.
"How's my bestfriend? Kumusta ka na, Harlene?"
"Shara," bulalas naman nito na biglang tumayo mula sa kinauupuang swivel chair at lumapit sa kanya. Mahigpit at masaya siya nitong niyakap. "Girl, where did you hide? Ang tagal mo'ng nawala?"
"Na-miss mo ako, ano?"
"Sobra. I've been busy at work so I can't call you up. What are you doing now?"
Nagkalas sila sa pagyayakapan. Saka niya ipinagtapat ang kinakaharap na problema. Hindi na siya naglihim kay Harlene tungkol sa Ate Shantel niya.
"So sad," tugon nito. "Kumusta na kaya ang ate mo?"
Hindi muna siya sumagot. Tinapunan niya ng tingin ang lalaking nakaupo sa harap ng office table nito. At naka-awang ang mga labi niya ng mamukhaan ito.
"Ikaw?" bulong niyang itinuro ito. Ito ang lalaking umagaw ng espasyo niya sa parking lot. "Oh, my God!"
DAHIL nag-aalangan kay Carmina ay sinadya ni Shantel na hindi tumabi dito sa pagtulog sa kama. Nagtiyaga siyang humiga sa sofa kahit nakabaluktot lang. Wala naman ito'ng naging pakialam sa kanya at napansin pa nga niyang mas gusto ang bagay na iyon.
Hindi nangyari ang inaasahan niyang pagsuyo nito sa kanya na tumabi sa kama. Bagkus ay naramdaman niya lalo ang galit nito. Kaya naman paggising niya kaninang umaga ay ang sakit-sakit ng kanyang likod. Para tuloy gusto niyang tamarin at hindi gumawa ng kanyang trabaho.
"Pero baka lalo pang magalit sa akin si Ate Carmi," bulong niya habang nagwawalis sa paligid. "Baka kung ano pa ang marinig ko sa kanya at ikasama ng aking loob."
Ang totoo ay hindi niya alam kung paano pa sila magkakasundo ni Carmina. Gusto sana niyang kausapin ito pero nag-aalangan siya. Sa ngayon kasi ay tiyak niyang hindi ito makikipagbati sa kanya. Kaninang umaga nga ay halos hindi niya nabilang kung ilang beses siyang inirapan. Kaya nakahinga siya ng maluwag nang wala na ito paglabas niya sa banyo mula sa paliligo.
Ang mabuti pa siguro ay maghanap na ako ng mauupahang bahay para hindi na makisilong kay Ate Carmi, naisip niya. Napangiti. Stay-out na lang ako sa trabaho. Mas mabuti na wala na akong pakikisamahan sa bahay.
Desidido na siyang lumipat ng bahay. Bukas ay hindi muna siya papasok sa trabaho. Magpapaalam siya kay Melgar na maghahanap ng bagong mauupahan at dalangin niya ay nakakita siya agad. Pero nag-atubili siya'ng pumunta sa opisina para tawagan si Melgar. Sigurado kasing makikinig si Carmina sa magiging usapan nila at malalaman ang plano niya. Hindi man niya alam ang magiging damdamin nito ay ayaw niyang makarinig ng ano mang salita mula rito.
"Kung hindi ko makakausap si Melgar ngayon ay bukas na lamang ako magpapaalam kay Ate Carmi," ibinulong na lang niya sa sarili ang planong gagawin kinabukasan. "Sa mismong pag-alis ko na lamang para maghanap ng pauupahan ako magpapaalam sa kanya."
Bumuntonghininga siya. Bahala na. Basta magbibihis na ako ng pang-alis na damit para hindi na niya ako mapigilan.
Halos kapapasok palang niya sa bahay ni Carmina ay may kumatok na sa labas ng pintuan. Napakunot-noo siya at itinanong sa sarili kung sino ito. Nang binuksan niya ang dahon ng pinto ay napangiti siya ng makita si Melgar.
"Mabuti at dumating ka, boss," sabi niya. Saka ito pinatuloy. "Hinihintay talaga kita."
"Wow!" masayang sabi nito. "Ma-miss mo ba ako, Shantel?"
Asa ka pa! sa isip-isip niya. Ayaw nga kitang makita pa... kung puwede lang!
Ngiti ang itinugon niya rito habang umuupo sa sofa.
"May sasabihin ka ba? Sana ay masaya. Iyong makakapagpasaya sa akin ng todo. At alam ko'ng alam mo na 'yon."
Tumikhim siya. Alam niya ang tinutukoy nito kaya nag-alangan siya'ng magsalita. Pero hindi naman puwedeng hindi niya ipaalam ang gustong gawin kinabukasan.
"Boss," sabi niyang naglakas-loob. "Magdi-day-off ako bukas. Sana ay payagan mo akong lumabas."
"A-aalis ka, Shan?" gulat nitong tanong. "Saan ka pupunta?"
"TINGNAN mo nga naman ang pagkakataon," sabi ng lalaki na nakangiting tumitig kay Shara. "Biruin mo'ng magkikita pa pala tayo dito sa office ni Harlene."
"Of all people," aniyang tinaasan ito ng kilay. "Imagine, you're the one I saw here. Gosh, today is my unlucky day. Really."
"Hey," natatawang sabi ni Harlene. "What's the matter with the two of you?"
"Ito kasi," duweto nila ng estranghero. Sabay pa nilang itinuro ang isa't-isa. Pero kapwa rin sila natigilan. Saka sabay muling nagsalita. "Siya 'yong--"
Natigilan na naman sila. Nagkatitigan ng ilang segundo. Nang biglang nanlaki ang mga mata niya dahil kitang-kita niyang kinindatan siya ng lalaki. Tila nagpa-cute pa na ngumiti at lumabas ang malalalim na dimples.
Alien talaga. Magpa-cute ba?
"Ang kapal mo talaga," iyon ang kanyang isinatinig. "Super-kapal. Sobra."
"Ano ba'ng nangyari sa inyong dalawa?" natatawa pero may pagtatakang tanong ni Harlene. "Magkakilala ba kayo?"
"Hindi!" duweto na naman nilang dalawa.
Napatawa na ang kanyang matalik na kaibigan. "Natutuwa ako sa inyong dalawa. Kanina pa kayo, ha. You seem to have the same tongue, really." Kinilig si Harlene. "I really like that. Parang may special meaning ang pagsasabay ninyo sa pagsasalita ng hindi sinasadya."
"Excuse me," bulalas niya sabay irap sa lalaki. "I hate that man. He's so rude, Harlene. Even if he was the only man left in the world, I wouldn't like him. Never!"
"Ang lupit mo naman, miss," sabi ng natatawang lalaki. "Hindi naman ako gano'n kasama para ayawan mo. Okay, I admit I'm guilty but I'm sorry. I was really in a hurry kaya nagawa ko 'yon." Bumuntonghininga ito. "Ayoko kasing ma-late sa usapan namin ni Harlene."
"Kabastusan 'yong ginawa mo. Hindi nakakatuwa."
"Sorry na," tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya. "Can't you forgive me, Miss Beautiful?"
"Huwag kang lumapit sa akin, alien," sabi niyang umagwat dito. "Hanggang diyan ka na lang."
"My God!" anas ni Harlene na nasapo ang sariling noo. "Ano ba'ng naging problema ninyong dalawa?"
"Kasi, siya," duweto na naman nilang dalawa.
"Again," anang bestfriend niya. “That really means something. Kinikilig ako sa inyong dalawa."
"Ang alien na 'yan," sabi niyang dinuro ang lalaki. "Napakabastos. I'm ready to park my car but he suddenly preceded. Imagine that, bestfriend?"
"Nahihiya kasi ako sa 'yo, Harlene. Late na kasi ako sa usapan natin kaya nang makita ko na may umalis na kotse ay ipinasok ko ang car ko. Hindi ko naman alam na magpa-park din siya roon. I have no time para umalis pa."
"You're so ungentleman, alien," gigil niyang sabi.
"Renz," pagpapakilala nito sabay lahad ng kanang kamay sabay ngiti.