Simula kaninang paggising ko hanggang ngayon hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako patingin-tingin sa aking cellphone. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng text o tawag mula kay Sir Hendrickson. Pinapaasa ba ako no'n? Pumunta ako sa kompanya dahil gusto kong makausap muli si Sir Hendrix. Hindi na ako pinipigilan pumasok ngayon pero hanggang sa lobby muna ako. Halos mahilo-hilo na ako sa kakahintay sa kan'ya pumasok ng kompanya. Tumingin ako sa relo ko... Late na ba ako o late siya? "Pumasok na kaya siya?" bulong ko sa sarili habang patingin-tingin sa paligid. Hindi ko na kasi naisip na tumingin sa bahay nila kanina bago umalis dahil nga rin ay nagmamadali ako. Pinuntahan ko na ang guard para magtanong kung pumasok na nga ba si Sir Hendrickson. "Yes, Ms. Brielle. Maaga po siyang

