"Hey! Who are you?! Let me go!" bulalas ko sa lalakeng may buhat-buhat sa akin. Hindi naman ito umimik at dire-diretsyo lang sa paglakad. Sinusubukan kong pumiglas pero hindi ako makawala sa pagkabuhat niya sa akin dahil masyado siyang malakas, at dahil sa inis ko ay sinusuntok ko na ang kan'yang likod. "Let me go! Kung ayaw mong i-report kita sa CEO!" pagbabanta ko sa kan'ya. Rinig ko naman ang pagngisi nito. "How can you report me to myself?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Si-Sir Hendrickson ba ito? "P-please let me go, nakakahiya na itong ginagawa mo." "You are the reason why I'm doing this, you're annoying me!" Ay we? Mission accomplished! Nainis ko rin siya. Pe-pero teka, kailangan kong makababa sa pagkabuhat niya sa akin dahil malapit na kami sa office namin at malaman

