"Don't worry, I got you, Brielle. Nandito naman ako e, syempre igu-guide kita, hindi ko naman gagawin na hayaan ka na lang sa gagawin mo," nakangiti niyang wika. Bakit kilig na kilig pa rin ako ngayon sa kan'ya? "Thank you," nakangiti kong wika. "No worries, babe." Nagulat ako sa sinabi niya alam kong nagbibigay din iyon sa akin ng butterflies. Grabe na ito! "B-babe?" nakangiti kong tanong na hindi makapaniwala. "Oh, s-sorry... I mean, Brielle. B din kasi ang babe, sorry." Napatawa siya sabay kamot sa kan'yang ulo. "Okay lang," nakangiti ko pa rin saad sabay tango. "Let's start!" sigaw ni Ms. Angelica. Mabilis na kaming pumunta sa kanya kanya naming dressing room. Malawak kasi ang kuwarto na ito at dito talaga madalas ginagawa ang photoshoot. Parang dalawang beses palang nga ako n

