Binigyan niya ako ng 'what look' sabay taas ng dalawang kilay niya dahil napatulala ako sa kan'ya nang makita ko siya dito. "A-ano pong ginagawa niyo dito?" nagtataka kong tanong. "Bakit? Kayo lang ba may karapatan pumunta dito?" Umiling ako sabay ngiti ko ng awkward. "No, sir, hindi naman po iyan ang punto ko. Ano pong ginagawa niyo dito? Ang pagkakaalam ko po ay hindi po rito ang punta niyo." "The people I was meeting with changed their minds. They want to meet here because it is closer to their place... Don't assume I'm following you," sagot niya sabay ikot niya ng mga mata sa akin at saka umalis na. Naiwan akong nagtataka. Mayamaya lang din ay dumiretso na ako ng restroom. Napakasungit talaga ng boss ko ang sarap niyang tirisin, nagtatanong lang naman ako ah. Habang naghuhugas ak

