Nakita ko ang sarili kong naghihintay sa isang maliit na tulay sa may parke. Hindi ko alam kung sino ang hinihintay ko pero alam kong may dapat akong hintayin. Kahit gusto kong umalis sa kinatatayuan ko ay hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
"Ang tagal naman," reklamo ko. Sumandal ako sa hawakan nitong tulay.
Bumuga ako ng hangin.Muli kong tiningnan ang mga sasakyang sabay-sabay na nag-iingay.
Ilang minuto ang nagdaan, naaninag ko na rin sa wakas ang taong kanina ko pang hinihintay. Agad kong iwinagayway ang kanang kamay ko sa kaniya.
"Dalian mo," utos ko.
Unti-unti kong naaninag ang mukha niya. Ilang hakbang na lamang ang layo niya sa akin nang biglang gumalaw ang tulay. Kasabay ang paglaho ng ingay at gulo ng paligid. Unti-unting naglalaho ang lalaki na hinihintay ko.
"Sandali!" pigil ko. Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko magawa.
Dahan-dahan siyang kinain ng liwanag hanggang sa tuluyan siyang mawala.
Napadilat ako nang tamaan ng liwanag ang mata ko. Kinurap ko ang mata ko para makapag-adjust sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Inis akong tumayo at padabog na isinara ang kurtina ng bintana.
Tsk. Kung hindi lang ako nagising; siguradong nakita ko na ang mukha ng lalaking iyon.
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang kumalabog nang malakas ang pinto.
"Mnemosyne! Anak gising na! Mag-aalas sais na ng umaga, may pasok ka pa," ani ng isang tinig sa labas ng pintuan.
Bugnot akong dumapa ulit sa kama. Tinakpan ko ang ulo ko gamit ang unan. “Ugh! Mom! I still want to sleep! Mamaya na—”
Wait a minute, sinabi ba niyang alas-sais nang umaga? Holy freaking Zeus!
Tumingin ako sa orasan sa may gilid ng kama ko. Halos lumuwa ang mata ko nang makumpirmang lampas alas-sais na. Mabilis akong bumangon sa kama. Mamaya ko na lang iisipin ang man of my dreams ko dahil ayokong ma-late!
Agad kong binuksan ang pinto na ikinagulat ni mama.
"Mama? Why didn't you tell me sooner? Male-late na ako. And this day is the first day of my class!" I said habang nakapameywang pa.
Nagpamaywang si mama at mahinang pinitik ang noo ko. "Kanina pa kita ginigising, Mnemosyne Alethe but you are sleeping like Sleeping Beauty in her chambers! Muntik na nga kitang buhusan ng tubig para lang magising ka.”
I frowned. Eh sa ang sarap matulog eh and I forgot to set my alarm, Ugh.
Napahawak sa kaniyang noo si mama. "Bumaba na tayo and take your breakfast. I'll ask your brother Hermes to drive for you," she said and literally dragged me with her hands gripping mine.
Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. Naalala ko ang mga kademonyohan ni kuya kasama ang motor niyang mukhang adik gaya niya. "Mama! Wait no! Hermes don't know how to ride the car. He will use the motorcycle instead. Dahil diyan ay hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko, mama! He drives like he's a damn evil and like he's running away from a zombie apocalypse with his demon motorcycle!" I hysterically said while she’s still dragging me.
"Stop over reacting, Mnemosyne! Or else you will walk alone to school. Now you choose," Mama said plastering her serious face.
Tumahimik na lang ako at hinayaan ko si mama na kaladkarin ako. Tsk. Ayaw kong maglakad papuntang school dahil nasa kabilang bayan pa ito. Saka male-late na ako.
I saw kuya Hermes already sitting in the table eating toast. He grinned as he saw me. Tumayo ang balahibo ko nang magtama ang mata namin. Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na 'yan at siguradong hindi iyon maganda.
After all the necessary rituals, nasa harapan na ako ng isinumpang motorcycle ni kuya Hermes. His brown orbs shine with mischief as he handed me the pink helmet and open the motorcycle's engine.
"Kuya, please, don’t kill me with your devil buddy."
He smirked at me and patted my head. "Silly girl! Hindi kita papatayin pero nagmamadali ka 'di ba? Male-late ka na kaya kailangan mo nang mabilis, 'di ba?" he said and combed his brown hair using his fingers.
"No! I’m not in a hurry. Please not again, kuya," I pleaded him.
Tiningnan niya ako at inutusang sumampa sa motor niya. "Dali, sasakay ka o maglalakad ka?"
Wala na akong nagawa kun’di sundin ang sinabi niya. And after that, I end up screaming for my dear life while desperately clinging to my devil brother throughout the whole freaking ride.
Nang makarating kami sa school ay pinagtawanan ako ng magaling kong kuya habang nanginginig naman ang tuhod ko sa kaba. Tinuturo-turo pa niya ang mukha ko habang malakas na tumatawa.
"Did you hear yourself Mnemosyne? You were like saying: please spare me dear gods! Like OMG! I'm gonna die,” panggagaya pa niya.
I glared at him. "Nakakatawa ba talaga 'yon, kuya? You're so mean! Diyan ka na nga. Papasok na ako," I said and walked out from him nagawa ko pang mag-flip ng hair.
Wala talagang magawa ang kuya kong iyon. Nag-aaral din siya rito sa school. But he is now a college student taking up medicine. Bagay naman sa kaniya ang mag-doctor – doctor ng mga may sayad sa utak gaya niya. Pero kahit ganoon si kuya ay mahal ko pa rin siya. Siya ang panyo ko sa tuwing umiiyak ako. He always protects me.
Habang naglalakad ako sa hallway ng senior high school building ay hindi ko mapigilang mailang sa mga titig ng mga tao especially boys. Napapayuko na lang ako sa tuwing pinupuri nila ako.
"Napakaganda talaga niya. She’s truly the perfect definition of beauty," dinig kong usapan ng mga kalalakihan.
"Tama ka, pare. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya."
Lalo kong binilisan ang paglakad ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at agad na nag-message sa bestfriend ko.
TO:D'yosangCalliope
Hoy bruha! Nasaan ka na? Malapit na ako sa room natin!
Isang minuto ang nakalipas ay nag-reply agad siya.
FROM:D'yosangCalliope
Andito 'na ako bes! 'Di kita t-in-ext agad baka sungitan mo 'ko. Sige bilisan mo na bes! Malapit ng mag-time. Para ka pa namang pagong maglakad.
Aba gaga 'to! Hindi ko na siya ni-reply-an at halos lumipad ako papunta sa room namin. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may biglang bumato sa akin.
At sinong gago naman ang malakas ang loob para batuhin ako?
Malakas na umihip ang hangin sa paligid ko at sunod-sunod ang pagbato sa akin. Tumalikod ako pero laking pagtataka ko nang makitang walang tao sa likuran ko. Hindi ko rin makita ‘yong bagay na binato sa akin. Imahinasyon ko lang ba 'yun? Pero, ramdam kong may bumabato talaga sa akin.
Luminga-linga ako pero wala nang estudyanteng nagkalat dito sa pasilyo. Weird.
Nagitla na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto. "Bes! Teka, bakit namumutla ka?”
Napatingala ako sa kaniya at marahang ngumiti. “N-Nothing. P-Pasok na tayo.”
Tinaasan niya ako ng kilay at siningkitan ng mata. "Are you sure?"
Ningitian ko siya at sabay na kaming pumasok. Saktong tumunog ang bell kaya lahat ay umayos na ng upo. Napatingin ako sa may bintana. Epekto ba ito ng pagsakay ko sa buwis-buhay na motor ni kuya?
What a good start of my first day.