Chapter 2

832 Words
Napahawak ako ulo ko nang biglang sumakit ito. Napahigpit ako ng kapit sa upuan nang maramdaman na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Ilang minuto mula nang pumasok ako kanina ay naramdaman ko na ang sakit ng ulo. Pero habang patagal nang patagal ay pasakit ito nang pasakit. “Okay ka lang ba, bes?” nag- aalang sabi ni Calliope sa tabi ko.  Halos hindi ko marinig ang sinabi ni Calliope dahil sa sakit. Tumango ako bilang sagot kahit na kabaligtaran ito ng nararamdaman ko. Gusto kong maiyak dahil sa sobrang sakit.  Ipinikit ko ang mga mata ko. Nang buksan ko ulit ito, bigla akong naestatwa sa kinauupuan ko nang may mga eksenang rumihistro sa utak ko.  "Synee! Synee! Let's play!" wika ng isang batang lalaki. 'Di ko makita ang mukha niya pero pakiramdam ko’y nakatingin siya sa akin. Hindi malinaw sa akin ang mukha niya kaya hindi ko siya makilala. Hindi rin gaano malinaw ang lugar pero sa tingin ko ay nasa isang tulay ako.’Yong tulay na nasa panaginip ko kanina. Napatingin ako sa batang lalake. Hinahawi ng malakas na hangin ang maitim niyang buhok. Nakatitig kami sa isa’t-isa. Kilala niya ako… pero hindi ko siya kilala. Hindi rin siya ang lalaking nasa panaginip ko kanina. "Synee! Notice me! Let's play!" mas lalong tumaas ang boses niya. Lumapit siya sa akin at mabilis na inalog ang katawan ko. “Ano ba? Hindi kita kilala!” pagtataboy ko sa kaniya. Malakas kong tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. “S-Sino ka ba? Hindi kita kilala!” Am I dreaming again? Pero nasa school ako kanina.  "You don't remember me, Synee?" sabi ng bata. Tumabingi ang mukha niya at ramdam ko ang mga titig niya. His face is too blurry. Napasigaw ako sa takot nang mag-transform ang bata sa isang matangkad na lalaki. With same charcoal hair but this time, I barely see his face. He has onyx eyes and a sly smirk on his lips. And in just a single minute, I was hypnotized by his gaze. Nananatili akong nakatitig sa mukha niya. He has this perfect pointed nose. A beautiful pair of onyx colored eyes. His hair that is complementing to his looks and face. His lips that is prettier than mine. His thick eyebrows and his flawless face. I can’t help to feel a sense of awe for him. Para akong nakuryente nang hawakan niya ang baba ko. Namilog ang mata ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Ito ba ang itsura ng bangungot? Ang guwapo naman ata? Sheez. Mnemosyne! Baka hindi ka na magising kaya 'wag mo nang isipin ang itsura ng lalaking 'to! "W-Who are you?"  Pinulupot niya ang isang kamay niya sa bewang ko. Tiningnan niya ako gamit ang magaganda niyang mata. Pero… bakit para siyang malungkot?  "Thymísou me, Mnemosyne, " he sadly said and buried his face to my chest. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Alien ba siya? Pinilit kong gumalaw at kumawala mula sa kaniya. "Mnemosyne," banggit niya sa pangalan ko. Inalis niya ang pagkakahawak sa akin at unti-unti niya ulit sinakop ang distansya ng mga mukha namin. "MNEMOSYNE ALETHE GOMEZ!"  Para akong bumalik sa realidad nang may malakas na tumawag sa pangalan ko. At ang lalakeng kaninang nasa harapan ko lang ay napalitan ng nanggagalaiting mukha ng professor namin. "Mnemosyne! Stop sleeping in my class! Get out!" sigaw niya habang nakaharap sa akin. Hindi nag-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari. Nasa school pa rin ako. Ibig sabihin, panaginip lang ang lahat. Pero sino ang lalakeng iyon? At bakit may pakiramdam ako na totoo ang panaginip na iyon? Nagitla ako nang muling isigaw ng professor namin ang pangalan ko. Tiningnan ko ang braso ko at napansin ko ang pag- taas nang balahibo nito at ang panlalamig ng aking katawan. "I said, get out!" saad niya habang nakaturo sa pintuan. Wala akong nagawa kung 'di tumayo at lumabas sa silid. Pinagtitinginan pa ako ng mga classmate kong akala mo’y never silang pinalayas ng teacher na 'to. Sarap nila sabunutan isa-isa.  Nakita kong nag-aalalang tumingin sa akin si Calliope. Ningitian ko siya bago ako tuluyang umalis sa pugad ng masungit na professor na iyon. "Saan kaya ako pupunta ngayon?" tanong ko sa sarili ko at nagsimulang maglakad sa pasilyo. Tahimik ang pasilyo dahil oras ng klase ngayon at nasa kaniya-kaniyang silid ang mga estudyante. Tahimik akong naglalakad na hindi inaalintana kung saan ako mapupunta. Isa lang ang laman ng utak ko: Ano ang ibig sabihin ng panaginip kong iyon? Umihip nang malakas ang malamig na simoy ng hangin. Bahagya nitong nagulo ang buhok ko kaya inayos ko ito. Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko na may tao sa likuran ko. "Mnemosyne," malalim na banggit ng kung sino man sa pangalan ko. Hindi ko ito pinansin at nagmamadaling naglakad papalayo sa kaniya. Ngunit kahit anong gawin kong lakad ay nakasunod pa rin siya sa akin. Unti-unti na akong kinakabahan. Unti-unti na akong natatakot.  "Mnemosyne," banggit niya muli sa pangalan ko.  Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko pero ganoon din siya. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko na sa kalauna’y naging sigaw na. Paulit-ulit na puro Mnemosyne ang sinasabi niya. “Mnemosyne!” "Tigilan mo na ako!" sigaw ko at tumakbo ako palayo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD