Humihingal akong napaupo sa may bench. Dinig na dinig ko kung paano magtambol ang puso ko sa loob. Gulong-gulo ako sa lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon. Mula kaninang umaga hanggang sa kanina. Wala akong makitang clue dahil kahit ako ay hindi ko maintindihan ang lahat.
Nananatili ako sa lugar na ito na walang ibang iniisip kun’di ang mga nangyari. Hanggang sa umalingawngaw ang malakas na tunog ng bell. Lunchbreak na. Bumuntong-hininga ako at inayos ko ang itsura ko. Kailangan ko lang sigurong kumain para may pumasok na idea sa utak ko.
Pagpasok ko sa cafeteria ay mga mata agad ang bumungad sa akin. Andiyan ‘yong titingin sila sa akin tapos ay magbubulungan. Seriously, anong problema ng mundo sa akin?
"Siya 'yong nasa bulletin board, ‘di ba?" sabi ng isa sa nakaupo sa isang table.
"Ano kayang ginawa niya kaya siya na-feature sa bulletin board at may pag-message pa.” Tumitig sila nang masama sa akin. “Papansin masyado ang babaeng iyan."
Ano bang pinagsasabi nila? Saka ako nasa bulletin board? Hindi ako sikat kaya papaano ako mafe-feature sa bulletin board?
Hindi ko sila pinansin. Dagdag lang sa mga isipin ko ang mga tulad nila.
"Manang, pabili pong isang chocolate doughnut at isang pinepapple juice," nakangiti kong ani ko sa tinder. Agad naman niyang inabot sa akin ang binili ko.
Inabot ko sa kaniya ang bayad na agad niyang kinuha.
"Miss, ikaw ba 'yong nasa bulletin board?" tanong niya na ikinanuot ng noo ko.
Teka, bakit pati si manang nagtatanong?
"Manang, ano bang mayroon sa bulletin board?" medyo naiinis ko nang tanong.
Gulat akong tiningnan ni manang na para bang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. "Tingnan mo na lang, Miss. Nandoon ang larawan mo."
Wait, what? Picture ko?
Nang maiproseso ng utak ko 'yung narinig ko ay napatakbo ako palabas ng cafeteria.
What the hell is happening? Kaya ba ako pinag- chichismisan dahil sa picture ko? Nang makarating ako sa may admission office kung saan nandoon ang bulletin board ay ganoon na lang ang gulat ko. I saw my selfie photo wearing a fluffy pink dress, doing a finger heart and pouting. Sa baba ng photo ay may nakasulat pa na message.
What the hell? Who the bloody hell did this? Siya ba ang may pakana ng kabaliwang ito? Binasa ko ang mensahe na nakasulat:
"Harapin mo lahat ng mga tinatakbuhan mo, Mnemosyne. Pakiusap."
Anong ibig niyang sabihin diyan? Nag-register ba ako sa mafia nang hindi ko alam? At sa pagkakaalam ko ay wala akong utang sa kaninuman. So, anong ibig sabihin niya?
Sa ibaba ng mensahe ay may foreign characters na ngayon ko lang nakita.
Τροφωνίου
Pasted in the right corner of the foreign letters is a blue orchid flower tied with a pink satin ribbon.
Hinawakan ko ito. This is my favorite flower. Napadako ang tingin ko sa ribbon.
And why is this ribbon look very familiar to me?