Natapos na lang ang klase at nakauwi na ako.
Still I don't know what's happening.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin o kung sino talaga iyong nagpapakita sa panaginip ko at sino ang stalker ko, ni hindi ko nga ito ginusto. Normal lang ang buhay ko noong una pero ngayon ang layo na niya sa normal.
"Mnemosyne, kalat na talagang nakadikit ang mukha mo sa bulletin board. Who did those stuffs? Manliligaw mo?" tanong ni kuya. Nakakunot ang noo niya ngayon na parang pretzel nuts mas lalo siyang puma- pangit sa itsura niya.
Nasa kuwarto ko siya ngayon. I asked him to answer my math homework then leave notes for me to review it. Siyempre may kapalit. At ang gusto niya ay ang ilakad ko siya sa best friend kong si Calliope. Dakilang ka-torpehan nga naman!
Look, child abuse isn't it? He's 22 and Calliope is 16, the same age like me. Hindi ko alam kung anong nakita ni kuya sa best friend ko at natutulala talaga siya kapag nakikita ito. Sinubukan niyang ligawan si Calliope dati kaso binasted siya kaya ako ang ginagamit niya upang malaman ang type ni Calliope sa lalaki at ano-ano ang mga gusto nito.
"I don't know, kuya. Hindi ko kilala sino iyong nag- post. Pero gusto ko talagang itanong sa 'yo kung bakit ang katulad pa ni Calliope? Diyosa iyon ng kahanginan at kadiliman," sabi ko sa kaniya at nilaro-laro ang ballpen na nasa mesa at pinipigilan ang aking tawa.
“Atsaka, binasted ka niya ‘di ba? Sumuko ka na kasi.”
Napatigil naman sa pagsusulat si kuya at tiningnan ako habang kumikislap ang mata at dahil doon nagmumukha siyang adik sa kanto. "Don't ask. Basta gawin mo na lang. Sa akin nakasalalay homework mo dahil tamad ka, "wika niya at ngumiti nang nakaka-loko.
Here comes his blackmail!
“But, love makes you do crazy things kahit ang taong gusto mo ay mismong baliw, you will still pursue that person kahit alam mong mukhang malabo, kahit na mismong tadhana na ang lalayo sa inyo sa isa’t-isa ‘di mo pa rin susukuan, magkamatayan man,” seryosong sabi ni kuya, ngayon ko lang siya narinig mag- seryoso kaya hindi ko naiwasang pumalakpak.
“Wow! Lalim nang pinanghuhugutan mo, kuya! Boom!” pagbibiro ko at mahinang tumawa.
“ ‘Di mo naman alam ang feeling eh, at tsaka, tatanda kang dalaga, walang lalaking lalapit sa’yo dahil ipapa- salvage ko at matatakot sila sa’yo dahil mukha kang aswang,” humalagpak siya ng tawa at binelatan ako.
Masama ko siyang tiningnan at pagkatapos ay napatitig sa kawalan. Kanina lahat ng bagay na nangyari sa akin ay puro weird mas weird pa kay kuya.
After the bulletin board incident. May mas weird pang nangyari at ewan ko ba kung kailangan ko sumigaw sa takot o hindi. Tumingin ako sa kawalan habang inaalala ang nangyari kanina.
Ilang segundo pa akong napatitig sa bulletin board. Ang lakas ng loob ng kung sinong naglagay nito. I intensely eyed the flower and the ribbon. Wala namang masama kung kukunin ko ito 'di ba? Saka para naman sa akin ito.
I grab it and smelled the fragrance of the flower, napangiti ako sa bango nitong dala. Mamaya magsusumbong ako kay mom para mapatanggal na itong kahihiyang selfie picture ko bago pa malaman ng iba at i-bully ako.
But the stranger who did this is sweet. He knows what I like. But I don't know why he sent me this ribbon that is familiar to me and about the message that I need to face something.
What does he mean?
Narinig ko ang pagtunog ng bell ibig sabihin ay susunod na subject ko na. So I literally run while clutching the flower and ribbon to the classroom.
Nang makarating na ako ay kakaumpisa pa lang ng klase. Nakita ko ang aming Research 1 teacher sa harapan ng board na may kasamang hindi ko kilala.
Literal na napatulala ako sa lalaking kasama ng teacher namin hindi naman dahil sa guwapo siya. It’s not because of his alluring onyx eyes, thick eyebrows and sly smirk or his chiseled jaw or his charcoal messy hair. Iyon ay dahil kamukha niya iyong lalaki sa panaginip ko kanina. Like what the Holy Hera! He exactly looked like him. Medyo blur nga lang iyong sa panaginip ko pero sigurado akong siya iyon.
I looked at him more intensely. Hanggang sa mapatingin siya sa akin; his eyes are cold and I don't know what does his stare means. His stares are looking straight into my eyes.
"Miss Gomez! Why are you still standing there? Late ka na nga napapatulala ka pa, umupo ka na," singhal ng teacher namin na nagpaggising sa katinuan ko.
"S-Sorry ma'am," nahihiya kong wika at kantyawan ang narinig ko mula sa mga classmate ko at nagsi- tawanan pa.
Hindi ko pinansin ang mga kantyaw nila at ibinalik ang tingin sa lalaki. He can draw me in with his stares. There is something with this guy and I want to know about it all.
I stared at him again and he mouthed something. I knew it was for me.
“You're dumb, Mnemosyne.”
Why does he even know my name? And what rights does he have to call me dumb?
Umupo na lang ako sa upuan ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Habang wala akong pakialam sa sinasabi ng katabi ko.
"Baka matunaw siya ah, " sabi ni Megara and she even poke my shoulder.
I ignored her and continue staring at him. Moments later he stared back at me like we're having a staring contest.
"So class, you have a new classmate. Medyo late na iyong admission niya kaya ganitong oras na siya nakapasok. So young man, introduce yourself," saad ng guro namin sa kaniya at puro ngiti sa bagong estudyante.
While he’s still staring at me ay binuka ng lalaki ang kaniyang bibig.
"I'm Trophonius Apollo De Guzman and I'm here to chase my lost dearest memory, " he said while still staring at me pati ata kaluluwa ko ay tinitingnan niya na.
Every word he said send the hair in my spine to stand. Like he is referring to me that I'm the one he will chase. But I'm a person not a memory.
Natawa naman ang buong klase. Akala nila siguro ay nagbi-biro lang siya, pero kabaliktaran ang sinasabi ng mukha niya. Seryosong-seryoso siya.
"You’re funny young man, now you may take your sit. Left corner next to Miss Gomez," saad ng teacher namin at hindi ko gusto ang sinabi niya.
He smirked. I think he liked what the teacher had said. Man! This guy is scary! Lumakad na siya papunta sa direksyon ng bakanteng upuan sa tabi ko.
Bago siya umupo ay tumingin muna siya sa akin. This time his eyes registered pure mirth of sadness.
"Remember..." he said as he gently flicked my forehead then he sat down in his chair.
My eyes went wide not because I was hurt but this gesture is somewhat familiar.
Ang mga kilos niya na hindi nagkakamaling patalbugin ang puso ko.
Hindi ko marinig ang mga hiyawan nila. But only the sound of my heart beating loudly in my chest. Napahawak ako sa noo ko at ramdam kong namumula ako.
Napatingin ako sa tabi ko kung nasaan si Trophonius, ang upuan niya ay malapit sa bintana.Nakita ko siyang nakaharap sa bintana habang nakasarado ang kaniyang mga mata. Nakabuka nang kaunti ang labi niyang kulay rosas.
He looked like an idiot but a handsome idiot.
"Kilala mo ba ako?" sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.
There is something in him that I want to know. May alam siya at parang mayroon kung ano sa akin na gusto kong alamin gusto kong maalala na tungkol sa kaniya. I want to get close to him. I want to recognize him not because I want to know something from him but because my heart says so. And he's like a magnet attracting me and I don't know why.
I will definitely get close to him no matter what. Sa buong oras ng klase nakatingin lang ako sa kaniya.
"Don't look at me If you don't know, dumb Mnemosyne. I hate you, " sabi niya then looked at me directly in the eyes, this time his eyes registered fury.
What does he mean? May kasalanan ba ako sa kaniya? Bipolar ba ang lalaking ito? Kanina ang sweet niya sa "flick forehead with sad eyes” ngayon parang naiinis siya. I can't understand him. Kasalanan niya ito eh, hindi tuloy ako makapag-concentrate.
Hindi pa iyon ang katapusan nang ka-weirduhan ng buhay ko dahil sa lalaking iyon. Sa buong oras ng discussion namin ay nakatitig lang siya sa akin. Hindi niya talaga inaalis ang tingin niya kulang na lang i-glue niya ang mata niya sa akin.
“Hoy, puwede ba, ‘wag mo akong titigan! Kanina ka pa, eh!” bulong ko sa kaniya at sinipa ang paa niya sa baba ng upuan.
Tiningnan niya lang ako ulit at ngumiti, ang weird din ng lalaking ‘to, eh! Naiinis na ako nagagawa pang ngumiti. “I can’t help it, you’re too beautiful to ignore,” he sincerely said and grinned.
My cheeks burned in an instance. “A-Ano ba ang sinasabi mo? Sino ka ba talaga?” utal-utal na sabi ko, nababaliw na ata talaga ang lalaking ito.
He just smirked and tapped his fingers in the desk. “Kung gusto mong alamin, alamin mong mag- isa. It's the best way, 'di ba?” he said and cupped my cheeks at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Sigawan lang ng mga kaklase namin ang narinig ko, at naramdaman kong mas lalong namula ang pisngi ko.
“De Guzman and Gomez! No flirting in my class! Get out!” saad ng teacher namin na nasa harapan na pala namin at halos umusok na ang ilong niya noong nakita kami nitong weirdong lalaki.
I looked at Trophonius and glared at him. Napalayas tuloy dahil sa ka-adikan niya. “It’s all your fault!” sabi ko at dinuro pa siya.
Ngumisi lang siya at tiningnan ang teacher namin. “I believe you, miss... you’re bitter in love. That’s why you are very mad and that’s bad,” bored niyang wika na mas lalong nagpausok sa ilong ng teacher namin.
Naghiyawan din lalo ang mga kaklase namin at ang iba ay nagawa pang pumalakpak. Ang kapal din talaga ng mukha nang lalaking ito.
“Let’s go,” he said and dragged me outside not minding our teacher yelling at us na wala raw kaming modo.
Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko lang siyang hilahin niya ako. Dinala niya ako sa school park, kung saan may mini pond at bridge. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na para bang ayaw na niya akong bitawan. I don’t know why I felt the same.
...And parang napaka- familiar ng lugar na ‘to. I don’t know kung saan ko nakita but I’m sure nakita ko na at alam ko ang lugar na ‘to.
“Remember, you must remember,” sabi niya at binitawan ang kamay ko. Ngunit humarap naman siya sa akin at hinawakan ang baba ko.
Sa sinabi niya ay na-confuse at na-weirdo-han na naman ako. What does he mean by remember? Kanina niya pa iyon bukambibig. “Ano ba ang sinasabi mo?” tinanggal ko ang mga kamay niyang humahawak sa baba ko at seryoso ko siyang tinitigan.
Biglang lumungkot ang mukha niya at bumuga ng hangin. “I can’t tell you, now. You must remember it by yourself,” sabi niya at tinalikuran ako. Nagsimula na siyang lumakad palayo.
I was left there dazed and confuse. But I need to know about everything sooner.
Maybe tomorrow, makikipag- close ulit ako sa kaniya o bukas tatanungin ko siya kung siya ang stalker ko. Pero may sa engkanto ba ang lalaking iyon at pati sa panaginip ko ay nandoon siya? O nanggagayuma ba ang isang iyon?
"Iniisip mo na naman stalker mo, ano? Huwag mo nang isipin iyon niloloko ka lang n’on, " sabi ni kuya Hermes sabay tawa.
Sinamaan ko siya ng tingin at tinapunan ko siya ng unan na agad niyang sinalo mas lalong lumakas iyong tawa niya. Ang sama talaga nito sa akin parang hindi ko siya kapatid!
"Shut up kuya! Pero sa tingin ko siya talaga iyong stalker ko," sabi ko. And I'm referring to Trophonius siya lang naman kasi ang naiisip kong makaka-gawa nito.
Humina ang tawa niya at seryosong tumingin sa akin. Mukhang bully at adik man itong si kuya sa akin, pero kapag lalaki na ang pinag-uusapan at stalkers lalo na kapag seryosong usapan ay nagiging demonyo siya.
"Sino, Synee?" he asked seriousness laced in his voice. Nakakunot ang noo niya at parang gusto na niyang pumatay ng tao dahil sa itsura niya ngayon.
Synee. It's been long since kuya called me that. Ito ang tinawag sa akin ng lalaki sa panaginip ko. Ang sweet pakinggan pero ang lagay ngayon ni kuya na parang gustong pumatay ay parang hindi na. Parang gusto ko ngang sampalin si kuya para magising siya, eh!
"Calm down, kuya,” I said and gestured him to calm down. When he calmed down a little, I spoke.
“His name is Trophonius Apollo De Guzman. My classmate, kuya. "
Namutla naman si kuya and eyed me seriously. Hindi na nakakatakot ang tingin niya pero parang siya na ang natatakot ngayon. "W-What are you saying? Totoo ba 'yan?" utal-utal na ani niya. Pagkatapos ay nilapitan ako; nakikita kong pinagpapawisan na siya at nilalamig.
Teka. Kilala niya ba si Trophonius? Kung kilala niya nga, bakit ganito na lang ang reaksyon niya kay Trophonius? Ano ang meron sa lalaking iyon?
"Oo kuya, why? Do you know him?" sabi ko naman sa kaniya na mas lalong ikinaputla niya.
Hinawakan niya ang braso ko na mas lalo kong ikinalito. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayayri. "Layuan mo siya, Synee! Hindi ko alam kung nababaliw ka na pero layuan mo siya, " bakas ang takot at kaseryosohan sa boses ni kuya. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa braso ko.
Hindi ko siya maintindihan. Ano ba talagang mayroon? Bakit wala akong alam sa mga nangyayari? Ako lang ba ang clueless?
"Lalabas na ako, Synee. I'm done with your homework. Tulog ka na at tandaan mo, layuan mo siya," kuya said and smiled then he patted my head.
I nod then he went out my room. Bakit ko kailangang layuan si Trophonius kung na-cucurios na ako sa kaniya? Ano ba ang tinatago nila?
I'm sorry kuya, I need to find answers.