KABANATA 1
RHIAN POV
5 years na kaming dalawa ni Lucas. At this year, inaasahan ko na ang pagpo propose nito sa akin. Ilang taon na din kaming magka relasyon at nasa tamang edad na rin kaming dalawa. And now, I am headed to his new apartment ung saan kami magde date. Sobrang excited na ako kasi may pa suprise daw ito sa akin.
Basta kailangan na ma live ko ang phone ko once na makapag usap kaming dalawa. It is a precious moment in my life that I will cherish for the rest of my life. Sa sobrang advance kong mag isip, iniisip ko na itong ipakita sa mga magiging anak namin in the near future.
Before I go, I happened to see this cake shop so I decided na bumili muna ng cake na pinalagyan ko pa ng happy five years anniversary. Then after a few minutes ay nakuha ko na ang chocolate cake. I started heading to his apartment dala ang cake. Nilagay ko lang ito sa front seat ng kotse ko kung saan madalas umupo si Lucas.
Buti na lang at walang traffic ngayon dito sa kamuning area so madali lang akong nakarating sa kanyang apartment. After registering my name in the lobby, sumakay na ako sa elevator. Nasa 13th floor ang apartment ni Lucas, sabi niya gabi raw ako pumunta rito but I can't wait any longer so 12 pm pa lang ay nag biyahe na ako.
We are both busy sa work namin. Siya, tagapag mana siya ng company ng kanyang parents so he is the acting President habang may sakit ang papa niya. While me, isa akong fashion model ng apparel company ni tito Gilbert, ang tatay ng cousin kong si Irish na ka edaran ko lang.
I knocked on the door twice noong makarating ako sa pintuan ng apartment ni Lucas. Suddenly, dumaan sa aking katawan ang malamig na simoy ng hangin na nagpa kaba sa akin. I found it so odd na may ganitong hangin sa isang secluded area. I tried calling Lucas name but he is not responding.
So I held on the door knob and opened it despite knowing na pwedeng magaling ang boyfriend ko because he hates someone who enters his room without knocking. Feeling nito ay naba violate ang kanyang privacy. Sa aming dalawa, s'ya ang madalas na ganto but I respect his boundaries kahit na girlfriend niya ako for a very long time.
Mabigat ang cake pero tiniis ko lang na buhatin ito gamit ang kaliwang kamay ko nang lakihan ko ang pag bukas sa pintuan. At ang bumungad sa akin kaagad ay ang isang boses ng isang babae whose voice sounds very familiar to me.
"Ano ba baby? May kiliti ako jan, wag!"
Ang landi ng boses nito at parang mayroong ginagawa sa kanyang katawan ngayon. Muli na namang dumaan sa katawan ko ang malamig na simoy ng hangin. Iba na ang bilis ng pintig ng puso ko, para na itong sasabog sa dibdib ko ano mang segundo. Isang hakbang pa ng paa ko ay sunod kong narinig ang boses ni Lucas.
"Bakit baby? Gustong gusto kong dinidilaan ang leeg mo! I told you, isa ito sa mga fetish ko 'di ba?"
Nag simulang tumayo ang mga balahibo ko sa aking katawan. At ang mga mata ko, namumugtong na sa papalabas na mga luha rito.
"Hmmmmmm! I like baby!" ang impit ng ungol ng babaeng malandi na parang nasasarapan sa ginagawa sa kanya.
Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang tapat ng kama kung saan nakita kong nakaupo parehas sila Lucas at Irish, ang cousin ko na itinuturing kong para ko nang kapatid. Magkalapat ang kanilang mga labi and they are kissing each other passionately na para bang mayroon silang feelings sa isa't isa.
Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, akala ko ay ang pag hihiwalay ng parents ko ang pinaka masakit sa lahat. But not until I saw this s**t happened before my eyes. Gigil na gigil akong pag untuging dalawa at kalbuhin ang pinsan kong inagaw ang lalaking minamahal ko ng ilang taon. Napuno ng tanong ang isipan ko. Bakit sa lahat ng mga lalaki, ang boyfriend ko paang inahas niya.
Nag dilim ang paningin ko. I have never felt this angry before. I don't care kung nag tatrabaho ako sa corporation ng papa niya. This time, ako ang nasa tama at si Irish ang mali.
"Mga hayop kayong dalawa!" malakas na sigaw ko, pakiramdam ko ay nag labasan ang ugat ko sa leeg.
Lumingon silang dalawa aken. Lumapit ako kay Irish at itinapal ko sa mukha nito at kinaladkad ko s'ya sa kama. Inulit ulit ko s'yang sinampal sa kanyang mga pisngi habang patuloyna sumisigaw.
"Hayop ka! Hayok ka! Ang landi landi mong babae ka! Hayop ka!"
"Rhian! Tama na please, Rhian! Ako na lang ang saktan mo h'wag lang si Irish!" pag aawat sa akin ng boyfriend kong sobrang kapal ng mukha. Pinipilit niya akong ilayo kay Irish pero hinde ako nag papa awat. I have never felt this angry before. Ang sakit sakit pala kapag niloko ako ng mga taong akala ko ay mapag kakatiwalaan ko.
"Rhian please... maawa ka kay Irish... cousin mo siya... kung meron man ditong tao na may kasalana, wala itong iba kung di ako... nag mamakaawa ako sayo..."
Lumingon ako kay Lucas at ito naman ang sinampal ko ng sunod sunod. Sa bawat sampal ko ay umaatras lang ito. Namumula na ang kanyang magkabilang mga pisngi ngunit wala akong pakialam. Hinde ako nakakaramdam kahit na katitting na awa sa hayop na lalaking ito.
"Paano mo ito nagawa sa akin Lucas ha? Akala ko ba strong tayong dalawa ha?"
"Sorry, hindi na ikaw ang mahal ko?"
Isang malakas na sampal ulit ang pinakawalan ng galit kong kamay sa kanyang pisngi. Ito na nga marahil ang pinamalakas na sampal ko kasi maging ang ngipin niya ay nag dugo na rin.
"Gaga ka Rhian! How dare you do that to Lucas!"
Sinabunutan ako ni Irish mula sa aking likuran. Nag away kaming dalawa at pumalag ako sa kanya.