Mika's POV
"Talaga bang isasabay ka ni husband mo?" Tanong ni Sandra over the phone.
Nilagay ko sa louds speaker saka pinatong sa vanity table.
Pinagpatuloy ko na ang pagmemake-up. "Oo nga Sandra, ang kulit mo naman, kagabi ko pa sinabi hanggang ngayon di ka maka move on."
"Girl, Mika, first time in this universe na yayain ka sumabay sakaniya. Kaya hindi talaga ako makamove on, o baka naman nagiilusyon ka lang huh? Mika?"
"Hindi ako nagiilusyon Sandra. Dinig na dinig nang dalawa kong tenga na sinabi niya yun."
"O baka naman panagip lang?"
"Sandra pano yun magiging panaginip kung narinig mo naman na kumatok siya hindi ba?"
"Oo pero?"
"Pero talaga. Well, ako din ay nagtataka pero enjoyin ko na lang to. Tulad nang sabi mo first time in this universe kaya kereribels."
"Talaga kereriㅡ"
Knock... knock...knock..
"Ma'am hinihintay na po kayo ni sir sa baba." Narinig kong ani manang.
"Oy ayana girl ang husband mo sinusundo kana. Sige Mika bye-bye." Ani Sandra bago pinatay ang tawag.
I sigh. Naka reunion attire ako which is color white na may print nang school and batch namin na t-shirt at saka black pants and partner nang black and cream sandals.
"You took so long, Mika." Bungad ni Tyler paglabas ko sa bahay kung saan siya naghihintay katabi nang magara niyang kotse na ngayon ko palang sasakyan.
"Sorry." Yun lang ang nasagot ko. What made you pipi, Mika?
At South Lopez Hotel (Where Reunion will be held)
Tyler's POV
"Whoah! Bat kayo sabay ni Mika?" Tanong ni Ryan sakin habang umiinom nang wine.
Tumingin ako sa gawi nila Mika na nagkwekwentohan. Nandito kami sa garden nang hotel. Uminom ako nang wine ko. "Dre, na kita ko lang siya na naglalakad kaya sinabay ko na." Pagsisinungaling ko.
"Dre, lame. Your reason is lame." Ani Andrie.
"Baka naman may something sainyo." Ani Deigo. Pakunwaring walang alam na ani Deigo.
Mika's POV
"Uyy girl! Bakit kayo magkasama ni Papa Tyler." Ani Michelle.
Michelle is my friend at mat gusto siya kay Tyler.
"Wala ano ba." Pagiiwas ko sa tanong niya.
"Girl, may something ba sainyo?" Tanong naman ni Exiel. Friend ko din.
"Girl nagseselos ako." Ani Michelle.
"Wala ano ba." Pagiiwas ko ulit.
"Hindi ako naniniwala." Ani Exiel, pailing-iling.
"Fine." I sigh. "Nagkita niya lang ako naglalakad papunta dito so tinulungan niya ko."
Bago kami bumaba sa sasakyan ay sinabihan niya na ako kung ano ang issagot. Alam niyo na. Advance yun magisip. At talagang chismosa't chismoso ang mga ka batch mate namin.
"Whoah! Naghihirap na ba kayo, Mika?" Tanong ni Michelle.
"Hindi ahh. Nagkaganun lang. Basta ganun." Ang hirap talagang magexplain.
"Okay sabi mo." Ani Michelle sabay inom sa wine.
Nakipag chitchatan pa muna kami sa ibang ka batch mate bago tuluyang nagsimula.
Ngayon ay nandito kami ngayon sa isang table. Sa batch namin ay meron hindi nakapunta dahil busy sila sa kani-kanilang buhay. Ang iba samin ay single at iba naman ay may pamilya na kaya naman busy ang mga ka batch mate ko. Kaunti lang ang nagattend pero madami pa din kami.
Nandito kami sa kanya-kanyang table. Sa isang table ay 6 person. Ako, Tyler, Sandra, Deigo, Ryan, at Andrie ang nakaoccupied nang table na to.
Ngayon ay magsisimula na ang reunion s***h birthday party of Sarah Lopez. She's indeed beautifull but she's annoying quite sometimes. She talked nonsense. She's also funny in some other way. She ramble a lot. And last but not the least, she's not smart like me. No more hate, I'm just stating facts. Well, she agreed about it. So, no worries about.
"Good Evening ladies and gentleman." Bungad nang emcee. Ang emcee samin ay si Clarisse. Magaling kasi talaga siyang mag emcee kaya siya lagi ang emcee kapag may programme kami dati.
Nasaunahan siya nakatayo at may hawak na mic at handkerchief.
"So now our programme will finally start. Good Evening! I'm Clarisse Lalaine Orania and I'm your emcee for todays event..... Welcome to the reunion of batch 19** and birthday celebration of Sarah Hyen Lopez to be held in South Lopez Hotel."
"And today, let's have first a blowing cake session for the birthday celebrant. Now, may we call on stage, Ms. Sarah Hyen Lopez. A round of applause, please."
Sabay-sabay naman kaming pumalakpak. Tumayo si Sarah sa pagkakaupo niya at pumunta sa stage.
"Good Evening to all of you. First, I'd like to say thank you sa lahat nang bumati at pumunta. I appreciate you guys for the efforts na binigyan niyo pa akong mga gifts even though your presence is enough. Sabi nga nila presence is much important than gifts, because gifts is just a bonus. But still I'm thankful. Second, thank you guys dahil nagtipun-tipun ulit tayo. I know some of us ay hindi masyadong maganda ang ending natin dahil may nangyaring issue but then. It's already from the past. Sabi pa nga nila past remain as past. So ayun lang po thank you thank you thank you." Sabi niya bago niya binigay sa emcee yung mic.
Yes, may nangyaring issue. Pero hindi naman ako kabilang pero ang asawa ko ay oo. Actually siya yung main e. Hindi magaaway kung hindi dahil sakaniya. Well, hindi na ako magdadaldal pa dahil sabi nga niya kanina "PAST REMAIN AS PAST."
"Thank you Sarah Lopez. So ngayun guys ay magbo-blow na nang kaniyang cake ang ating celebrant. Napansin niyo ba guys na para tayong bumabalik sa pagkabata e no?" Nagtawanan naman kami.
Lumapit na yung crew dala ang cake. "Eto na. Okay celebrant before you blow your candle let sing first a happy birthday."
"One.. two...three... Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday... Happy birthday... Happy birthday to you... Okay Happy birtthday Sarah. Make a wish first."
Pumikit naman si Sarah and after a minute ay blinow niya na ang candle.
"Yehey!! You may now go back to your seat Sarah." Bumaba na si Sarah sa stage at nagtungo ulit sa upuan niya. "At dahil tapos na ang celebrant sa pagblow. Now, may we call Mr. Tyler Qin Ramosa for his message."
Tumayo naman si Tyler at pumunta sa stage. Si Tyler ay ang anak nang mayari nang pinapasukan namin dati.
"Good Evening guys! First, I'd like to thank to the person na napagisipan na magkareunion tayo. Actually, I didn't expected na magkakaroon tayo nang reunion. Then this past few days, Ryan texted me about this reunion and I really didn't expected this kaya nagpapasalamat ako lalo't nang double celebration pala ito."
Aaminin ko. Nakaramdam ako nang kunting selos nung tiningnan niya si Sarah. Actually naging sila dati kaya nga nagseselos ako diba? Para kasing may spark pa.
"Ayiee!!! HyeQin is for the win." Sigaw nang mga supporters nila. Actually, kahit matatanda na kami eh parang ang iba samin ay teenager pa.
"Okay quiet guys. And yun lang. I'm speechless. Hehe!!! Thank you and enjoy the rest of the night." Sabi niya bago siya bumalik sa table namin.
Tumingin siya sakin pero nagiwas ako nang tingin.
"Okay dahil wala naman na tayong gagawin at ano pa ba? Hehe!! Okay! Enjoy the rest of the night guys!..... Let the party begin." Ani emcee bago siya bumaba sa stage.
Nagsimula na ang reunion namin. May pagames ang loka. Ang tanda nanamin pero may pa games pa pero sa totoo lang nakakaenjoy pramis. Ang sarap talaga bumalik sa pagkabata.
Ngayon ay kasama ko si Sandra, Michelle, and Exiel sa isang table. Umiinom kami nang beer. Ubos na kasi namin yun Wine at gusto naming malasing. Wala lang. Gusto lang naman namin na mataas yung alcohol.
Nakaubos na kami nang dalawang beer. Patatlo na namin ito. Sakatunayan ay kalahati nanamin ito.
Si Tyler ay kasama si Deigo at Ryan at Andrie sa iisang table na umiinom din.
"Tyler, who is your girlfriend today?" Hindi ko namalayan na nadun pala si Sarah sa table nila Tyler.
Tinignan ko si Tyler na nasa bote ang paningin. Ngumisi siya. Kinabahan ako. "Wala."
Napahinga ako nang maluwag pero may lungkot dahil hindi niya sinabing asawa niya ko. When are you going to tell them, Tyler?
Kung nagtataka kayo? Hindi namin suot ang ring namin dahil ayaw niya. Nandun sa kanya-kanya drawer namin naka lagay ang ring.
"Then, can I be your girlfriend?" Napataas ang kilay ko nang sabihin niya yun.
I'm already tipsy, that's why. Pupunta na sana ako pero pinigilan ako ni Sandra. She know me.
Nakita ko ang pagtataka ni Michelle at Exiel. Dahan-dahan akong umupo ulit at nilagyan nang beer ang baso ko at ininom.
"Nahh!! You can't." Sagot ni Tyler.
Lahat nang attention namin ay nasa kanila. Wala na rin yung kanina pang malakas na sounds. Tanging sakanila ang spotlight.
"And why not?" Maarteng ani Sarah. "Your single naman and I'm single. Your also not married person because you don't have a ring on your ring finger. Then why you don't want? I'm sexy and beautiful naman. At naging tayo na rin. Bakit hindi natin ibalik ang HyeQin." Malanding ani Sarah.
Ikaw na nga Sarah ang nagsabi na Past remain as Past at ngayon babalikan mo yun. Arghh.. Your getting to my nerves.
Tinungga ni Tyler ang baso niya. "Kaya nga ako nakipagbreak dahil ayaw ko na sayo, Sarah." Nasa bote parin ang paningin.
Natawa nang mapakla si Sarah. "But still, pwede nating ibalik ang nakaraan."
"Hindi ko na babalikan ang nakaraan, Sarah. May mahal na akong iba at yun ang asawa ko." Walang pagaalinlangan na aniya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Pati ang iba ay natigilan din. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Sandra ganun din siya.
Natawa nang mapakla si Sarah. Mas kinabahan ako sa susunod. "Asawa? Are you nuts, Tyler? Kung may asawa ka? Dapat may singsing ka sa ring finger mo."
Tinignan siya ni Tyler nang pagkalamig lamig. Natigil ang pagtawa ni Sarah. "It's not because I don't have a ring on my ring finger means that I'm not married?"
"Yes.. Dahil sa pagkakaalam ko ay may ring lang sa kamay ang kasal na."
"Then your wrong. Because I'm already married. I'm 3 years married." Pinakadiinan niya ang 3 years married.
Natigilan ako. Natawa nang nakakaloka si Sarah. "Nagpapatawa ka ba, Tyler? Ikaw? Kasal na? At kanino naman aber, ha?"
"You don't need to know baka sabunutan mo pa asawa ko tulad nang ginawa mo sa ex-girlfriend ko." Sinulyapan nya si Krizel, sa katabi naming table.
Ang issue na sinasabi kanina ay ang issue nila Krizel, Tyler, at Sarah. Dahil sa sobrang pagkagusto ni Sarah kay Tyler at sakto pa na kahihiwalay palang nila at si Krizel ang current girlfriend ni Tyler. Actually, magasawa na kami nun pero wala pa akong pakialam dahil malalagot ako kay Tyler pagnalaman nila.
Ang ginawa ni Sarah ay pinalabas na buntis siya para maging sila ni Tyler pero walang nangyari dahil ang sabi ni Tyler ay wala naman nangyari sakanila, at natatandaan ko pa nun kung gaano siya umiyak nun.
Nabalik ako sa reyalidad nang humalakhak nang sobrang pagkaloka-loka si Sarah. "So nandito ang asawa mo."
Nagbulungan ang mga kabatchmate namin. Pati ang nasa table namin.
"Girl, Mika, ikaw pala ang asawa ni Tyler ahh? Di ka man lang nagsasabi?" Ani Michelle.
"Oo nga. Kaloka ka der. At 3 years na kayong kasal. Ikaw na bess." Ani Exiel.
"Diba si Mika yung kasama niya kanina, sigurado akong siya ang asawa ni Tyler."
"Hala swerte naman niya."
"Sinabi mo pa, at grabe sis 3 years na sila."
"Pero grabe din noh? Di ba siya nasaktan nung ginerfriend ni Tyler sila Krizel at Sarah nung sila na."
"Dre, di mo naman sinabi na asawa mo pala si Mika?" Tanong ni Andrie.
"Grabe palusot mo dre' ahh. Tama nga si Deigo, talagang may something." Ani Ryan.
Nakita ko si Deigo na nakayuko lang. Si Tyler naman nakita kong tumingin sakin pero umiwas ako nang tingin.
Pumalakpak si Sarah kaya naman na agaw niya ang atensyon nang lahat. "So kayo? Kayo ni Mika? So kayo ni Mika ang mag-asawa? Wanna nice it is." Pumalakpak na siya kasabay nang pagtawa niya nang sarcastico.
Tumingin lahat sakin pero nagiwas ako nang tingin.
"So what, Mika?" Napatingin ako kay Sarah nang banggitin niya ang pangalan ko. Tinignan ko lang siya nang napakalamig.
"So ikaw pala ang asawa nang ex ko?"
"Oo. Bakit may angal ka?" Siguro dahil sa epekto nang alak kaya ganito.
Nagulat ang lahat lalo na ako. Alam ko na ang mangyayari.
"May-angal nga ba ako?" Saracastiko siyang tumawa. "Haha!!! Nagpapatawa ka ba?"
"Hindi ako nagpapatawa." Malamig na tugon ko.
"But looks like you are?"
"I'm not."
"Okay sabi mo." Bumaling siya kay Tyler. "Pwedeng magtanong?" Tumingin siya sakin.
"Nagtatanong ka na?" Sarcastiko kong sabi. Nagtawanan ang mga tao.
"Oo nga naman. Anyways, bakit niyo tinago ang pagpapakasal niyo?"
"Wala ka na dun." Ani ko.
Tumawa si Sarah. At dahan-dahang lumapit sakin. "Sino nga ba ako?" Natawa siya.
Sa sobrang bilis nang pangyayari, paglapit niya sakin ay bigla niyang binuhos yung alak sa mukha ko.
Lahat na pasinghap. Si Tyler ay napatayo. Lumapit sa gawi namin. "Oopps.. Sorry." Sarcastico.
I smiled. She shock. "Don't be. You meant it."
Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang mukha ko pagkatapos ay sinilid ulit.
"Thank you sa pagimbita. I'm going." Tumingin ako sa asawa ko. "Let's go my husband." Nakangiting ani ko sabay kuha sa kamay niya.
Natawa nang sarcastico si Sarah. Pero hinayaan ko na lang at lumabas na kami ni Tyler at pumunta sa parking lot.
"That was amazing. I didn't expected na sasabihin mo ngayon?" Nakangiti kong tanong ko kay Tyler.
Nagmamaneho na siya pauwi sa bahay. Tinignan niya ako at ngumiti. "I'm glad they already know." Sabi niya sabay balik ulit nang tingin sa kalsada.
"Thank you." Sincere kong sabi.
Ngumiti lang siya. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil habang nagdadrive siya. Natigilan ako. Anong ibig niyang sabahin nito?
Tumingin siya sakin at ngumiti lang.
"Thank you!" Sabi ko nang ihatid niya ako sa kwarto ko.
Tumango lang siya. Pumasok na ako sa kwarto at nagshower. Nakakapagod sobra. Pagkatapos mag shower ay nagbihis ako nang night dress ko na kulay pink.
Habang inaayos ko ang bag ko na ginamit kanina ay may kumatok.
Binuksan ko iyon at nakita ko si Tyler. Ibubuka ko palang ang bibig ko nang halikan niya ako. Ang kaniyang halik ay mas pinalalim. Sinara niya ang pinto at ni lock iyon.
That night was memorable. That night is our first. That night is the least that I didn't expected. The night that will prove that we are married.
We made love...
___________________________
RECRUIT OTHER VIEWERS FOR THE FAST UPDATE!