CHAPTER 5

1033 Words
Nagising ako sa araw na tumatama sa aking mga mata kinapa ko ang katabi ko at wala nang bakas ni Tyler. Bumangon na ako at wala nga si Tyler. May nakita akong tray nang breakfast. May letter pa. Kinuha ko iyon at binasa. To my dearest wife, Good Morning my wife. Breakfast in bed made by your handsome husband. From your handsome husband Napangiti ako. Dearest wife? Ang sweet niya? First time in the universe to ahh? Tuluyan na akong bumangon. Nagshower na ako at nagbihis nang corporate attire. Nang tuluyan nang makabihis ay kinuha ko ang tray at nilagay sa study table at doon kinain. "Whoah! Seryoso ka? Breakfast in bed?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sandra over the phone. Nagmamaneho ako ngayon papunta sa office. Kaya naman nakalagay sa kotse ang phone ko. "Yup! Seryoso ako Sandra." "Iba na to ahh? Naglelevel up ang lolo mo." Natawa naman ako pero agad ding nawala nang maalala ko yung nangyari kagabi. "Ano nga palang nangyari pagkatapos nang reunion?" Pagbubukas ko nang topic. Matagal bago siya nakasagot. "After niyong umalis ay nagwala si Sarah kaya ayun umuwi narin kami." "Ahh!!! Grabe din kagabi. Di ko talaga inaasahan na sasabihin niya yun." "Kinabahan ako nun ahh. Di man lang nagsabi yang asawa mo na sasabihin niya pala, sana man lang nakapaghanda ako." "Kaya nga. Basta-basta niya lang sinabi. Pero happy ako na sinabi niya na." "I'm happy to you girl." "Thanks." Pagkatapos nang conversation namin ay nag good bye's na kami dahil may kanya-kanya pa kaming trabaho. Nakapark na ako nang kotse ko dito sa parking lot. Kinuha ko yung phone ko at yung folder sa passenger seat at nilagay sa bag. Nagayos pa muna ako nang sarili. Tiningnan ko ang sarili ko thru rear view mirror and I fix the excess of my hair. At bababa pa lang sana ako sa kotse nang matigilan ako. Si Tyler, may kahalikan nang iba. And what worse is, its my secretary. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Sinara ko ulit ang pinto at saka pinunasan ang mga luha ko na patuloy pa sa pagtulo. Kinuha ko yung water bottle ko sa tabi nang driver seat pagkatapos ay ininom ko iyon. Nang makalahati ay sinara ko at binalik ulit. Tumigil na din ako sa pagiyak. Pinaandar ko muli ang sasakyan ko at pupunta sa bahay ni Sandra Nang maipark ko sa harap nang bahay niya ay gusto nanamang tumulo ang mga luha ko pero pinigilan ko. Kinuha ko ang hand bag ko at saka lumabas. "Manang si Sandra po?" Tanong ko kay manang nang makita ko siyang naglilinis sa sala pagkapasok ko. "Nasa opisina niya po" "Thank po manang." Tumaas na ako at nagtungo sa second floor where her office is located. Nang makapunta ako sa dulo nang hallway ay kumatok ako nang tatlong beses. "Come in." She respond. Binuksan ko ito, ni lock ko pagkatapos ay umupo ako sa harapan nang table niya at doon ay umiyak. Nilagay ko ang hand bag ko sa harap nang inuupuan ko. "Mika? Anong nangyari sayo? Bat ka nanaman umiiyak?" Umiling lang ako saka patuloy sa pagiyak. Nakaheads down ako sa table niya. Nahinto naman siya sa paglalaptop. Sinara niya ito. "Mika? Ayos ka lang?" Tinignan ko siya at umiling. "I'm not and I will never be okay." Umiyak na ako nang umiyak. "Si Tyler ba?" Hindi na ako sumagot dahil alam kong alam niyang kay Tyler lang naman ako umiiyak nang ganito. "Sinabi na nga ba." Tumayo siya. "Tara at susugurin natin." Hinuli ko ang kamay niya. "Sandra wag na." Pagpipigil ko. Ayaw ko nang away. Bumuntong hininga siya at umupo ulit. "Mika? May puso pa ba ang asawa mo?" Umiyak nanaman ako nahinto lang iyon nang mag ring ang phone ko sa loob nang bag ko. Kinuha ko iyon at halos matapon ko na nang makita ko ang Caller ID. My secretary. Kinancel ko ang tawag at nilagay sa ibabaw nang table. Umiyak nanaman ako nang umiyak. Natatandaan ko kung paano sila maghalikan. Mapupusok. Tumawag nanaman siya. "Girl, tumatawag secretary mo?" Kinuha ni Sandra ang phone at inabot saakin. Umiling ako. "Hindi ko yan sasagutin. Siya ang may kasalanan. Mga wala silang kwenta." Napaiyak ako sa mga kamay ko. Naiinis ako. Bakit ganto? Bakit hindi ako maswerte sa pagibig? Bakit play boy pa ang pinares saakin? Dahan-dahang binalik ni Sandra ang cellphone. "Anong ibig mong sabihin, Mika?" "Siya." Turo ko sa cellphone ko na ngayon ay tumatawag nanaman siya. Tinignan ko si Sandra. "Siya ang may kagagawan kong bakit ako ganito ngayun." Naiyak nanaman ako. Napailing siya. "Ibig bang sabihin nㅡ" Pintulol ko na ang kanyang sasabihin. "Oo. Siya. Siya may kasalanan. Siya ang may dahilan kong bakit ako ganito. Nakita ko lang naman siya kasama ang asawa ko sa kotse niya. Naghahalikan sila Sandra. Naghahalikan." Sigaw ko. "Shh... wag kang maingay Mika." "Hindi ko kaya Sandra." Umiling ako nang umiling. "Hindi ko kaya. Hindi. Hindi. Hindi. Ayaw ko na. Tama na. Hindi ko na kaya." Ilang minuto kaming walang kibuan, nagpapakiramdaman, hindi narin nag abala pa ang malandi kong secretary sa pagtawag. Bumuntong hinga ako. "Aalis ako." Ani ko. "O sige. Hahatid na kita." Aniya habang nagaayos sa sarili. Hinawakan ko ang kamay niya. Umiling ako. "Aalis ako, Sandra. Pupunta ako sa New York." Ani ko. Natigilan siya. Hindi makapaniwala. Binitawan ko ang kamay niya. "Mika?" Hindi makapaniwala. Namumuo na ang mga luha ko. Tumango ako. "Kailangan ko, Sandra. Siguro eto na din ang sign ni God para makapagisip-isip ako. I need space. We need space, Sandra." "Mika? Kaya mo ba?" "Kakayananin kung iyon ang kailangan. Kahit mahirap. Kahit masakit. Kakayanin ko dahil para sa sarili ko naman ito. Kailangan kong makapagisip-isip na walang iniisip na iba. Yung ako lang ang involve. Kailangan ko nang space para sa sarili ko. I need time." "Mika, kung yan ang gusto mo. Susuportahan kita. Tama ka. You need time, you need space. Kailangan mo makapagisip-isip. Hindi yung parating involve ang asawa mo sa mga decision mo. Alam mo? Dapat kapag nag ibang bansa ka. Isipin mo. Wala kang asawa. Your single. Pero Mika wag kanamang maghanap." Natawa kami sa biro niya. Tuluyan nang bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Kaibigan nga kita, Sandra." Tumutulo narin ang mga luha niya. Tumayo ako ganun din siya. Lumapit ako sakaniya at nakipag yakap. Tama siya, kailangan kong isipin na single ako. Na walang asawang involve. I need time and space. I need time for myself. Only me. No one involve. ___________________________ RECRUIT OTHER VIEWERS FOR THE FAST UPDATE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD