CHAPTER 10

901 Words
Mika's POV 5 years later... "Mommy I'm so excited to go to the Philippines." Excited na sabi nang anak ko habang nakaupo sa kama. Ako naman ay nagiimpake. "Really baby?" "Yes Mommy. Am I going to meet my real daddy?" Nahinto ako sa tanong niya pero hindi ko iyon pinahalata. "Baby, you have daddy Reyven." Nag pout siya, ang cute niya talaga. "Mommy, I want to meet my real daddy. I know I already have daddy Reyven but still, I want to meet him." Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti. Limang taon na ang nakakalipas simula nung umalis ako nang pilipinas and now I'm coming back. Uuwi na ako sa pilipinas kasama ang anak namin ni Tyler. Nang maayos ko na ang mga bagahe ay bumaba na kami nang anak ko dala ang bagahe. Naabotan ko si Reyven sa sala na may kausap. "Your done, Hon?" Aniya pagkatapos ibaba ang tawag. Ngumiti naman ako. "Oo tapos na ako. Ready na ba ang private plane?" Tanong ko. "Naghihintay na ang private plane. Tara na. Baby let's go. Come to daddy." Aniya. Pumunta naman sakaniya ang anak ko at nagpakarga. Ang sweet nila para silang tunay na magama pero hindi e. Nagpaalam pa kami sa mga katulong bago tuluyang umalis. Agad kaming naka punta sa private plane dahil na din sa hindi traffic. Ako ay nakaupo dito sa may bintana habang ang magama kuno ay nagkukulitan sa tabi ko. Simula nang malaman ko na may dinadala ako ay napagdesisyonan ko na mag Canada dahil mas gusto kong malayo. Natanggap nang buong puso ni mommy and daddy ang pagbubuntis ko sila din ang gumastos dito. Bago pa ako tuluyang manganak ay sa ikatlong buwan ay lumipad akong Canada. Sa Canada ko naisipang pumunta dahil may tita ako dito. Tanging si Sandra at si Deigo lang ang may alam na pumunta ako sa Canada, na umalis ako sa New York. Umuwi si mommy and daddy sa pilipinas at alam ko naman na sasalubungin siya ni Tyler nang tanong kaya naman pumayag si mommy and daddy sa plano ko at the same time ay nagaalala rin sila saakin. Nang makapanganak ay nag unwind ako bilang single. Wala akong inisip na kahit anong may connection sa pilipinas. Oo, sa bawat nagdaang araw ay naiisip ko si Tyler pero agad ding iyon inaalis nang isipan ko. Si Reyven. Siya ang tumulong sakin na makalimot kahit papano. Pilipino si Reyven at nagbabakasyon lang dito sa Canada at nakatira din sa tita niya. Parehong busy ang parents niya sa negosyo nila habang siya naman ay nagbabakasyon dito. Nagkakilala kami sa isang restaurant kung saan ako madalas kumain ganun din siya. Naging mag kaibigan kami dahil sa dalas naming pagkikita. Siya ang unang nakipagkaibigan kaya tinanggap ko itong lubos dahil hindi mukha naman siyang harmless. Dahil sa pagiging close ay nagkadevelopan kami at nung inamin ko sakaniya ang pagiging ganap na ina ko ay hindi naman siya nagbago bagkus ay minahal niya ang anak ko na parang tunay na anak. Ang alam ni Reyven ay single ako at hindi pinagutan ang anak ko dahil ayokong masira ang meron kami. Panatag ang loob ko na single dahil yun ang totoo para sakin hindi sa papel. Hindi narin naman nagtanong si Reyven tungkol sa tunay na ama nang bata. Nang tumuntung ang anak ko sa 2 years old ay sinabi ko sakaniya ang totoo na hindi niya tunay na ama si Reyven pero hindi niya ito pinagtabuyan o kahit ano pa man dahil sa hindi niya ito tunay na ama. Walang nagbago sa relasyon nila, para akong walang sinabi kong umasta. Naging strong ang relasyon namin Reyven at masaya ako dun. Sa isang linggo ay dalawa o isa na lang ako tumatawag kina Sandra dahil na din sa pagiging ganap na ina at girlfriend, hindi naman nito nagalit dahil naiintindihan nila at the same time ay busy din sila sa kaniya-kaniyang trabaho. Wala na akong alam tungkol kay Tyler dahil na rin sa pag putol namin nang relasyon at hindi narin ako nakikibalita kila Sandra dahil masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon. Hanggang ngayon na pauwi na ako nang pilipinas ay walang ideya si Sandra dahil gusto ko silang surpresahin. Alam kong masusurpresa si Sandra dahil sa anak ko at sa kasama ko. Oo nagsabi akong hindi ako hahanap nang iba pero ang puso ko ay walang pinipili kaya naman buong puso niyang tinanggap si Reyven. Alam kong maraming sermon si Sandra kaya naman hinanda ko talaga ang pagbabalik ko sa pilipinas. Hindi ko nga lang hinanda ang muli naming pagkikita ni Tyler. Hindi ko kaya. Ayaw ko naman na ipagkait sakaniya ang anak namin dahil anak niya parin ito. Si Reyven. Si Reyven agad ang pumapasok sa isip ko. Masasaktan ko siya pero sabi nga nang iba, kung mahal mo talaga, kaya mo'ng i let go even if its hard. Si Tyler. Ano ang magiging reaksyon niya sa anak namin? Ano kayang magiging reaksyon niya? Magiging masaya kaya? Dati pa din? O nagbago na? Ipagtataboy niya kaya ang anak namin? Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako. Hindi ako handa sa muli naming pagkikita. May iba na kaya siya? Kumikirot ang puso ko pero alam kong hindi tama. May Reyven na ako kaya imposibe itong nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako sa naramdamang pagyugyug saakin. Nakita ko si Reyven na abot tenga ang ngiti maging ang anak ko na nakakandong sakaniya. "Welcome back home, Hon!" Aniya sabay haplos sa buhok ko. Napangiti ako na may halong kaba. I'm home... ___________________________ RECRUIT OTHER VIEWERS FOR THE FAST UPDATE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD