Mika's POV
"Mika, wag ka nang tumuloy." Sigaw sakin ni Sandra habang pinipigilan ako. Ang best friend ko.
"Ano ba Sandra, wag mo nga akong pigilan. Kaya ko na to." Sabi ko sabay alis nang kamay niya sa balikat ko.
"Mika lasing ka na." Sigaw ni Sandra sabay huli nang balikat ko at pinaharap sakaniya.
"Lasing ako but I'm still sober." Sigaw ko saka tumuloy sa paglalakad.
Nandito kami ngayon sa bar at hinahanap ang magaling kong asawa. Ang lakas nang music dito sa bar kaya kailangan naming mag sigawan.
Bago kami pumunta dito ay kagagaling lang namin sa kabilang bar. Nalaman ko kasi nandito ang asawa ko kasama ang babae niya.
"Mika wag ka nang mag scandalo dito." Pigil pa sakin ni Sandra at hinuli ang balikat ko.
Hinarap ko siya at nakipagtamaan nang tingin. "Pwede ba Sandra pabayaan mo na lang ako. Gusto kong makita ang babae niya." Sigaw ko rito saka inalis ang pagkakahawak sa balikat ko.
Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa madako ang aking paningin sa bartender na nag mimix nang drinks. Lumapit ako dito para mag tanong kung nasaan ang boss niya.
Itong bar na to ay pagmamayari nang asawa ko kaya alam ko kong alam nang tauhan niya kung nasaan yun.
"Kuya, nakita niyo po ba si Tyler Ramosa?" Tanong ko sa bartender na katatapos lang magmix.
"Do I know you Ma'am?" Balik na tanong sakin nang bartender.
Medyo tipsy na ako kaya naman madali akong mainis. "Kailangan bang mag tanong din kapag tinanong ka?" Tanong ko.
"Sorry Ma'am. How do you related to my boss?" Mahinahon niyang tanong.
"I'm his wife." Simple kong sagot.
"Ma'am....Ma'am....Ma'am Mika?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"I'm glad you recognize me Rafael. So now, where's my husband?" Seryoso kong tanong.
"Nasa office niya ma'am Mika. May kasamang babae." Bigla namang naginit ang ulo ko pagkasabi niyang may kasamang babae. Kilala nga siyang bilang babaero.
Pumunta na ako sa office ni Tyler. Sa labas pa lang ay dinig na dinig mo na ang mga ungol sa loob kahit pa malakas ang sound. Mas lalo tuloy nanait ang galit ko.
Bumuntong hininga ako saka walang ano-anong binuksan ang pinto. Thank you at hindi nakasara. Talaga ngang hindi marunong magsara nang pinto ang asawa ko.
Pagbukas ko ay bumungad saakin ang walang saplot na asawa ko pati ang babae niya, nasa ibabaw pa niya ang asawa ko. Dali-dali akong pumunta sakanila. Tumayo na ang asawa ko at nagsusuot na nang pantalon niya. Yung babae naman ay nagsusuot na din sa pagkakaalam ko ay lingerie iyon.
Lumapit ako doon sa babae niya at sinabunutan. "Hayop kang malandi ka. Magbabayad ka sa kalandian mo." Walang hingang sabi ko habang sinasabunutan siya. Siya naman ay pilit na tinatanggal ang kamay ko. Si Tyler naman ay inaawat na ako. So ngayon siya pa din ang kinakampihan mo? Kailan mo ba ako kakampihan Tyler?
"Aray! Aray! Tama na po pls." Daing nung malanding babae.
"Mika tama na." Sigaw ni Tyler.
Inalis ko ang pagkakasabunot sa babae at nakita ko siyang umiiyak. Humarap ako kay Tyler na mugto na ang mata sa kakaiyak habang sinasabunutan ang babae niya.
"Tama na?" Tumawa ako nang mapakla. "So ako pa talaga." Turo ko sa sarili ko. "Ako pa talaga?" Sigaw ko at mas lalong tinuro sa sarili ko. "Ako pa?" Muli kong sigaw at tinuro ko nanaman ang sarili ko. "Ehh ikaw kaya ang tama na." Sinimulan ko siyang suntukin sa dibdib niya. "Ikaw ang tama na Tyler. Pinagmumukha mo akong tanga. Ikaw ang tama na Tyler, kung ayaw mo sakin ede hiwalayan mo na ko."
Hinuli niya ang kamay ko. Nakipagtitigan siya sakin habang bumubuhos ang mga luha ko. "Alam mong mahal kita Mika." Sabi niya.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Mahal?" Turo ko sa sarili ko sabay iwas nang tingin. Tumingin ulit ako sakaniya. "Ganito ba pagsinasabing mahal Tyler. Ang humanap nang babae dahil hindi makuntentosa isa. Ganito ba ang mahal ha? Ha?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot at nakipagtamaan lang nang tingin. "Ngayon mo sabihin sakin kung mahal ba talaga ang tawag dito." Sabi ko at bumubuhos nanaman ang mga luha ko. "Ito ba ang sinasabing mahal" turo ko sa babae niya habang ang paningin ay nasa kanya.
"Mika let me explain." Sabi niya na nagsusumamo.
"Let me explain mong mukha mo Tyler. What I've witnessed a while ago explain everything. That's why you don't have to, because that scene make sense." Sigaw ko at bumubuhos na ang mga luha ko. Siya naman ay unti-unti na ring bumubuhos ang luha niya.
"Mika mahal kita. Mahal na mahal." Sabi niya pa.
"Mahal mo nga ba? Pinagmukha mo akong tanga tapos sasabihan mo akong mahal mo ko. Ano ako tanga para maniwala sa mga pinagsasabi mo. Sabi nga nila, Action is better than words. Pinag mukha mo akong tanga hayop ka." Sigaw ko at pinagsusuntok nanaman ang dibidib niya. "Pinag mukha mo akong tanga. Hayop ka Tyler. Hayop ka. Malaki kang hayop. Bwisit ka. Hayop ka. Hayop ka." Hagulhul ko sabay suntok pa sa dibdib niya. Sabawat hikbik ko ay lakas din nang hikbi nung babaeng malandi at ang asawa kong babaero.
Napaupo ako sa sobrang pagod na nararamdaman ko. Nahihirapan ako. Nasasaktan ako. Hindi ko na kaya. Sa sobrang pagmamahal ko ay ganito parin aabot. Na hahanap siya nang iba. Ipagpapalit niya ako. I thought my love for him is enough but I got it wrong, because for him there's no permanent. Everything is just temporary.
"Mika! Ohh my gosh!! Mika!" Narining ko na lang ang boses nang kaibigan ko. Nakita ko siyang nasaharapan ni Tyler. "Ano nanaman bang ginawa mo sakaniya Tyler?" Tanong ni Sandra.
Hinarap ko siya. "Sandra tama na." Pigil ko.
Tiningnan niya ko. Napakaseryoso. "Kanina ako ang pumipigil sayo ngayon naman ikaw." Turo niya sakin sabay harap sa babae na kanina pa panay hikbi. Tinuro niya ito. "Hoy! Malandi kang babae. Get out of my sight." Sigaw niya rito. Para namang na takot ang babae kaya dali-dali siyang umalis. Susundan pa sana siya ni Tyler pero mabilis siyang pinigilan ni Sandra. "So sakaniya may pakialam ka pero sa kaibigan ko wala." Matigas na aniya.
"Sandra away magasawa to." Masinsinang ani Tyler.
"Yun na nga ehh. Alam mo namang mahina ang kaibigan ko kaya imbes siya. Ako na lang. Ako na lang ang makikipag away sayo. Ako na lang ang lalaban para sakaniya." Aniya sabay tingin sakin. "Let's go Mika." Sabi niya sabay tulong sakin pa tayo. Nakatayo naman ako sabay alis.
"Sandra san mo siya dadalhin?" Sigaw pa muli ni Tyler habang naglalakad kami pero hinayaan na lang namin. "Dammit."
Paglabas namin nang office niya ay pinagtitinginan kami. Nang tuluyan na kaming nakaalis nang bar ay pumunta kami sa parking lot at dumeretsyo sa kotse ni Sandra.
"Ano bang pumasok sa kokote mo at sinugod mo na lang asawa mo nang basta-basta. Tingnan mo, ikaw tuloy ang nag mukhang mahina." Sermon sakin ni Sandra.
"Sandra, nasasabi mo yan dahil wala ka sa position ko." Sabi ko habang humihikbi.
Bumuntong hininga ito. "Tama na. Huwag ka nang umiyak. Eto." Sabay abot niya nang tissue na kinuha niya sa desk board. Kinuha ko naman ito. "Sakin ka na muna ngayong gabi tumuloy. Kailangan niyong mag palamig." Ani bago kami tuluyang umalis.
___________________________
RECRUIT OTHER VIEWERS FOR THE FAST UPDATE!