Chapter 3 - Nerd

2007 Words
Nerd Napairap nalang ako sa kawalan nang mapansin ang ginagawa ni Yuki. Clearly, it's so obvious that she's flirting with our new Professor. Hindi manlang talaga siya nahiya. It's his first day of teaching tapos ganito pa yung bubungad sa kan'yang ugali galing sa mga students niya. Narinig naming tumikhim si Sir Tyson nang ilang segundo lang syang tinitigan ni Yuki. He caught all of our eyes just by that single action. I made it clear na hindi talaga s'ya mukhang terror na teacher at kung makikita s'ya ng ibang Junior students ay iisipin pa ng ilan sa mga 'yon na bakla sya. But his aura, and the way he spoke words even if he's stammering, nagsusumigaw ang mga 'yon nang pagiging professional. Maybe he's not so bad after all. But still, that doesn't the way I seem him. Nerdy. "W-we won't be having a lesson for today... I'll just hand out these papers for all of you to write on," nauutal na sabi niya sabay labas ng kung anong papel galing sa bag niya. The way he slowly move his fingers while getting each of those papers can clearly show how careful he is trying not to cause any crumple on the paper. Even just a tiny one. Like what I've said, that's... actually not bad. I mean, marami naman nang mga lalaking feminine sa mundo, right? And we're not in the 90s to still be ignorant in these kinds of characteristics and mannerisms. Well, maybe there are still some who thinks like that but whatever. But still, that's not a kind of thing that I'll get attracted on. Mas gusto ko pa rin yung lalaking mukhang intimidating at parang sasakalin ka nalang bigla pag tumingin. After counting the papers, he handed all of them in each one of us. When he's about to go to my direction, hindi ko inalis ang tingin ko sa kan'ya. I just stared at him and examined him more. I don't care if he ever thinks that I'm some creepy girl who often stares at strangers, well he's not a stranger since he already introduced himself, but still bagong meet ko lang siya. Pag sa katawan ka lang niya talaga nakatingin, maiisip mo na isa s'yang Daddy material. But when it comes to his actions, nevermind. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya nang ilang minuto and I was surprised when I realized that he's staring at me too. Bigla nalang din s'yang umiwas ng tingin nang makitang napansin ko ang paninitig niya. Mukha namang abala ang mga kaklase ko dahil karamihan sa kanila ay nagsusulat na sa binigay na papers ni Sir Tyson. Napangisi ako nang mapansin na para s'yang ninerbyos nang malamang nakita ko ang ginawa nya. "H-here's yours..." he said while stammering and handed me a piece of paper nang makalapit na siya sa akin. Nilapag niya 'yon sa ibabaw ng desk ko pero hindi ko 'yon agad binalingan ng tingin. Instead, mas ginanahan pa akong titigan pa siya lalo. He looks intimidated by me or natural na ba talaga sa kan'ya ang pagiging nerbyoso? Mahilig siguro sa kape 'to kaya ganon. "D-do you have something to tell me?" halata ang nerbyos sa boses nya nang tanungin niya 'yon sa akin makalipas ang ilang minutong paninitig ko lang sa kan'ya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at mas lalo kong nilakihan ang pagngingisi ko. I saw how his adam's apple moved when I did that. "None, Sir..." pataray na sabi ko at sabay iwas ng tingin sa kan'ya. He's hopeless and pathetic, wala na s'yang pagasang magmukhang cool sa paningin ko. He can't even last an eye contact for what, 5 seconds? Bakit pa s'ya biniyayaan ng ganoong klaseng katawan kung gan'yan lang din naman siya kung makaakto? He looks like a loser to me. Definitely and will never be my type. I felt how he slowly walked away from me after I talked to him that way. Mas lalo lang akong napairap nang mapansin 'yon. Hindi manlang talaga tinanong nang maayos kung wala ba talaga akong kailangan, no? Hindi lang siya nerdy, he's also rude. Binalingan ko nalang ang tingin ko sa papel na nilapag niya kanina sa ibabaw ng lamesa ko. I noticed something dahilan para mangunot ang noo ko dahil do'n. Unti-unti kong siningkit ang mga mata ko habang nakatitig do'n. My mouth half-opened when I saw my name written on the paper. Don't tell me, may mga pangalan na yung mga papers na binigay niya sa amin? Napatingin ako sa lalaking ngayon ay prenteng nakaupo na sa table niya sa harapan. How come did he knew each of us? Bago pa lang siya yet he familiarized us all that well? Come to think of it, wala pa akong naririnig na complain sa isa sa mga kaklase ko na mali ang pangalan ng papel na napunta sa kanila. Did he looked at our personal data's and memorized our faces before he actually meet us? Oh well, bakit pa ba ako magtataka. A kind of guy like him loves to do those kinds of things. Baka nga maging ang mga teachers ay kabisado na rin n'yan isa isa. Nerdy Professor, so boring. "Wanna go to my place? I have new movies sa lappy ko na pwede nating i-watch later!" excited na bungad sa amin ni Bea nang matapos ang huling klase para sa araw na 'yon. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa ako sa pagaayos ng mga gamit sa loob ng bag ko. I have no interest on what they were talking about pero sigurado akong hindi nila ako tatantanan. "If Carina's gonna go then I'll go," simpleng sagot ni Astrid sa sinabi ni Bea. Hindi ko sila binalingan nang tingin at tinuloy lang ang ginagawa kong 'yon. I can see through my peripheral vision that she's now looking at me after hearing what Astrid said. Hindi na ako titigilang pestehin nito hanggang sa hindi ako pumapayag kaya inunahan ko na siya. "Ano pa ba? Count me in. I have no any other choice but to join anyways," mataray na sabi ko without looking at them . Nagtatalon-talon siya sa tuwa nang marinig ang sinabi ko na 'yon. She even hugged me because of that pero pilit ko lang iniwas ang katawan ko sa kanya. Napairap nalang ako nang dahil do'n at sabay suot ng bag ko. Gano'n din ang ginawa nilang dalawa kaya naglakad na kaming tatlo palabas ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay pansin ko pa rin ang kakaibang mga tinginan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Hindi ko maiwasang hindi mapakuyom sa magkabilang kamao ko habang naglalakad nang dahil do'n. Kailan ba matatapos 'tong mga issue na 'to tungkol sa akin? I know and for sure if I defend myself from the issue, sasabihin nanaman nila na nagmamalinis ako. Gano'n naman lagi dito. I am obviously used to what they're doing but that doesn't mean that it's okay with me. Napatingin ako sa kanang kamay ko na nakakuyom nang may maramdaman. Nakita ko ang kamay ni Astrid na nakahawak do'n at dahan-dahang inaalis sa pagkakakuyom yon. Slowly, kinalma ko ang sarili ko dahil sa ginawa n'yang 'yon. I looked at her and saw her smiled. It's a kind of smile that's saying 'everything's gonna be alright, we're here.' at 'yun ang ngiting kailangang kailangan ko nang mga oras na 'yon. Napangiti na rin ako sa kan'ya nang makita ko ang mga ngiting iyon. If there is someone who can make me feel better even if I'm in the edge of breaking down, sya yon. Matagal na s'yang ganoon simula palang nang magkakilala kami. Humugot ako nang malalim na hininga at sabay buga no'n sa hangin. I tried to compose myself dahil pati ang paraan nang paghinga ko ay hindi na maayos kanina pa. Maybe because of what happened between me and Lucas earlier kaya gano'n nalang yung nararamdaman ko. This is really what I don't like about panic attacks. I could still feel the stares from some of the students na nadadaanan namin pero hindi na kagaya kanina ang nararamdaman ko. I feel more... relieved. Nagtuloy-tuloy nalang kami sa paglalakad ng diretso sa hallway na 'yon. I tried myself not to mind them at inintindi nalang kung paano kami makakaalis doon kaagad. Napatigil ako sa paglalakad when I felt something moved on my pocket. Napatingin naman sa akin si Astrid at si Bea dahil sa ginawa kong 'yon. "What? Did you left something? Natatae ka ba? Do you need to go?" sunod-sunod na tanong ni Bea. Naningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa kan'ya. Wala talagang matinong bagay na lumalabas sa bibig ng babaeng 'to. Napailing-iling nalang ako sabay kuha ng phone ko na nag-vibrate sa pocket ng suot suot kong white jeans. Napatitig ako sa pangalan ng tumatawag nang tignan ko ang nasa screen. "Is there something wrong?" nakakunot ang noo na tanong ni Astrid. She probably noticed the sudden change in my facial expression kaya hindi niya na napigilan ang sarili niya. I looked at her after hearing what she just said. Napangiti ako na g pilit at tumango tango sa kan'ya. "Yep, I just uh... just need to answer this," sagot ko sa kaniya. Hindi ko na nagawang itago ang kaba sa boses ko nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. I can feel my hands trembling that time but I kept trying on composing myself. "Okay... we'll wait," she answered hesitantly. Halata sa mga mata at sa tono ng boses ni Astrid na nagaalala siya sa akin. She probably knows who's calling me that's why she felt that way too. Si Bea naman ay naglagay ng earphones kanina sa tainga nya that's why she probably don't know what's happening around her. Ang alam niya lang ay may napansin ako kaya ako tumigil sa paglalakad. That's better, I don't really want her to know about it. Knowing Bea, even though she have this joyful and outgoing personality, when it comes to things like this, she always takes it seriously. I remembered before nung unang beses na nalaman n'yang hindi maayos ang relationship ko between my parents, especially my Mom, she told me to move out of the house. Nagawa n'ya pang bumili ng condo unit para sa aming tatlo that time na hindi naman nagagamit ngayon. Astrid nodded at me urging me to answer the call. Pangalawang tawag na kasi yon ni Mom and if I still don't answer it, I'll be in a much bigger trouble. Naglakad na ako palayo sa pwesto namin na 'yon at sabay sagot sa tawag ni Mom. The moment I placed the phone on my ear, her voice welcomed me. But not in a much welcoming tone. Napapikit agad ako nang marinig ang sunod-sunod na sermon nya nang sagutin ko ang tawag niya. Hindi ko napigilan ang bahagyang panginginig ng labi ko nang mga oras na 'yon. "Goodness gracious Carina! What the f**k did you do this time? Your face is all over the internet!" her voice thundered. I felt my lips trembling after hearing those from her. Nagsimula rin na bumilis ang paghinga ko at kung huhulaan ko kung anong posibleng mangyari ay baka panic attack nanaman 'yon. I really need to schedule another session from my therapist. My usual therapy routine was once a week only but I think I'm gonna be needing another one for this week. I felt a lump on my throat when I tried to gulp. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa cellphone ko dahil ramdam kong baka bigla ko nalang mabitawan 'yon. Ilang beses pa muna akong huminga nang malalim bago ako tuluyang nagsalita ulit. "I'll explain everything later once I get home," I answered with a soft and calm voice. "You'd better be!" she shouted again and then hung up the phone. Wala na akong ibang nagawa kun'di titigan ang cellphone na yon sa kamay ko. I glanced at Astrid and Bea's direction and saw that they're talking to each other. Mukhang hindi matutuloy ang movie marathon namin tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD