Chapter 4 - Profile

2103 Words
Profile "Did you already realize what you've just done? You really like the spotlight, do you?" bungad sa akin ni Mom nang makarating ako sa bahay. Halos kakapasok ko lang ng pintuan at boses niya kaagad ang narinig ko. With a bad mood, I removed my shoes and placed it on the top of my shoe rack. Alam kong nakasunod lang sya ng tingin sa akin and anytime sasabog at sasabog siya. I didn't bother myself to look at her for now kahit na narinig ko na yung sinabi n'ya kanina. Hindi na rin muna ako sumagot at inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtanggal ng natitirang saplot na nasa mga paa ko. "Are you listening to me Carina Steele?" she asked once again but this time with a more pissed tone. Nang matanggal ko na yung medyas ko ay t'yaka ako tumingin sa kan'ya. I saw my Mom in front of me while staring at me intently. Her eyebrows are up at para syang tigre na konting-konti nalang ay susugod na. I couldn't help myself but to sigh after seeing her face. I can't deny, kahit na 43 na si Mom ay hindi mo talaga mahahalata na ganoon ang edad niya. She looks young, she even looks younger than me based on my sight. Wala ka rin makikitang wrinkles sa gilid ng mga mata niya and her skin is as flawless as a diamond. That's the power of beauty products for you. Except nalang sa maganda na talaga s'ya pagdating sa natural look niya. Hindi lang talaga s'ya satisfied na nakikitang nagmumukha na s'yang matanda base on her age. Well, that's just the only thing that's good in her. The rest lalong-lalo na ang ugali n'ya, nah. "What happened was not my fault. He's the one who kept on pestering me," I calmly answered. As much as possible ay ayaw ko siyang patulan. Mas lalong tumaas ang kilay niya nang marinig ang isinagot ko kaya halos mapairap na ako nang dahil do'n. She would never believe me kahit ano pa ang idahilan ko sa kan'ya. "You can talk to him in private! Bakit kailangan pa na sa school grounds mo siya sigaw-sigawan nang gano'n? You know how known your surname is, Carina! Maging si Lucas! And now what? How can you fix the problem now?" she started with a louder tone at sabay lakad palapit sa akin. She stopped a few inches away from me and looked at me with disgust in her face. Napakuyom ako sa magkabilang palad ko nang mapansin 'yon. I felt my tears starts to form on the corner of my eye at pilit kong pinipigilan ang sarili ko para hindi 'yon tuluyang tumulo. This is what I hate when it comes to arguing. I can't help myself but to cry. Nagmumukha akong kaawa-awa. Siguro yung kanina lang sa usapan namin ni Lucas napigilan ko yung sarili ko pero ang totoo, I'm still affected by what he did. Pinilit ko lang na wag ipakita sa kanyang naaapektuhan pa ako. "If you can't maintain your decency, maybe you're not suitable for that surname," she said and walked away. Wala na akong nagawa nang tuluyang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. I felt my knees started to weaken and before I knew it, unti-unti na akong napaupo habang umiiyak. After that emotional and intense conversation with my Mom ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Ni hindi na ako kumain nang mga oras na 'yon. Well, that conversation with her was emotional for me. Ewan ko nalang sa kan'ya kung ganoon rin ang nararamdaman niya. I'm not actually thinking of her being bothered for what happened. I don't want to get my hopes up. Never naman naapektuhan si Mom nang mga ganoong paguusap. For her, everything she says or decides to is always right. Walang makakapag patunay sa kan'ya na nagkakamali siya. Kahit na meron man ay patutunayan niyang tama pa rin siya. She never accepted to be wrong. Nagtataka nga ako bakit hindi pa siya nag-abugado eh ang galing-galing n'yang mangatwiran. Sayang talent. "I really don't understand Tita. She said on the phone call earlier that she'll let you explain to her what happened, yet she didn't even open her ears to actually hear your explanation." napatingin ako sa screen ng macbook laptop ko nang marinig kong magsalita si Astrid. "I have no any other choice but to not butt out anyways. Besides, I'm used to it. There's no point on explaining my side if the one I'm explaining to will never listen," I answered to her and then continued scrolling on my f*******: feed. Halos lahat ng madadaanan kong posts ay tungkol sa mga nangyari kanina between me and Lucas. Sobrang dami ko rin na notifications na puro tag and mentions galing sa mga students na 'yon. Sa sobrang dami ng mga pakialamera at chismosa sa school namin, hindi na ako magtataka kung maging title na 'yon ng school. "You're so full of yourself naman kasi." "Hindi ka naman kagandahan pero kung makaasta ka akala mo ang ganda-ganda mo." "Pogi pogi na nga ni Lucas e, choosy ka girl." "Dyamante na, tinapon pa." Ilan lang 'yan sa mga posts na nakikita ko tungkol sa akin. I'm not being affected about what they kept on saying about me but what the heck? Mga wala bang ganap sa mga buhay nila para pakialaman ako? Bahala na sila sa kung anong mga sasabihin nila. I don't have much time to deal with people like them. Judge me, speak ill about me, curse me all they want. Dagdagan ko pa yung mga judgements nila kung gusto nila. "Omg! Cari, have you seen your social media feeds already? Almost every post is about you!" Bea exclaimed when she joined the call. She's currently wiping her hair using a white clean towel while facing the camera. If I'm not mistaken, she just come out of the bathroom. Siguro kaya rin hindi niya agad nakita yung group chat namin kanina ay kasi nag-sshower s'ya. "Bea, she know," Astrid said and sighed na s'yang inirapan lang ni Bea. I couldn't help myself but to form a small smile because of that. They never failed to make me feel that despite of every bullshits that's currently and will continue to happen in my life, I will never be alone. They will always be there for me. "Duh, whatever. Anyways... kamusta naman si Lucas? Is he still pestering you?" Bea asked curiously. Matapos ang ilang ulit na pagpunas niya sa buhok niya ay naglabas naman s'ya ngayon ng blower. She started using it to dry her hair. I shifted my gaze on my phone beside my laptop. Nang tignan ko yon ay nakita ko kaagad ang sunod-sunod na messages galing kay Lucas. He kept on messaging me since earlier pero hindi ko 'yon pinapansin. I sighed and turned my phone off, sabay balik ng tingin sa screen ng laptop ko. I saw Bea's patiently waiting for my answer kaya nagsalita na ako. "He's still messaging me," matipid na sagot ko sa kan'ya. She just nodded as a response to what I said and then continued on browsing her feed. Wala nang nagsalita sa kanila after no'n kaya hindi nalang rin ako nagsalita. I tried opening every notifications I have pero padagdag lang nang padagdag 'yon kaya hinayaan ko nalang. I visited my profile and saw that I lost some of my f*******: followers. Napairap nalang ako nang makita 'yon. Immature people. Pag nakita kong pinag-ffollow pa ako ulit ng mga 'yon tatawanan ko talaga silang lahat. "Oh! May f*******: account pala si Sir Tyson," bulalas ni Bea dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko. She sent a profile link to our groupchat at obvious na obvious na f*******: profile ng bagong Professor namin 'yon. Ilang minuto akong napatitig lang do'n at hindi alam kung pipindutin ba 'yon or hahayaan nalang. I don't really know why but there's a part of me that wants to click it. Pero may part din sa akin na ayaw magmukhang stalker. A message popped up at nang pindutin ko 'yon ay nakita kong group chat 'yon ng section namin. Tyson Coleman created this group chat. Nang tignan ko ang profile picture ng account na 'yon ay parehas na parehas 'yon sa profile picture ng account na sinend ni Bea sa amin. Tyson: "Good day everyone. This will be our official group chat for this semester." Oh, pogi typings. Tuwang-tuwa nanaman yung mga neneng classmates namin na ginagawang standard ang 'pogi typings'. Hindi ako nagtipa ng kahit na anong reply don at nag-react nalang ng 'like' sa message na 'yon ng Professor namin. "Napaka-snob mo naman, Cari. Hindi ka manlang nag-greet back!" Bea said nang ma-seen niya yung groupchat ng section namin. Hindi ko na s'ya sinagot at nagkibit-balikat nalang. Wala namang policy na mag reply pag nag chat yung teacher so, hindi na ako magre-reply. Yuki: "Ang ganda mo naman mag type sir. Pero mas maganda 'yan kung may kasamang 'hi yuki ang ganda mo' char. Narinig ko ang pagsinghap ni Bea nang makita niya rin ang reply na 'yon ni Yuki sa message ni Sir. Karamihan sa mga classmates namin na nakakita rin no'n ay inaasar-asar na sila. Ang iba naman ay nag-react nalang ng 'haha'. "She really have the guts to flirt with our Professor," Astrid said while slowly shaking her head. I can see the visible disgust plastered in her face when she saw how Yuki flirts with Sir Ty. Bea: "Wow, lakas mo ha. First day of our NEW PROFESSOR ay nilalandi mo na. Haliparot." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang chat na 'yon ni Bea sa groupchat namin. Bago pa man mai-seen ni Sir Tyson ang chat niya na 'yon ay inun-send niya na 'yon. She just waited for a few minutes before unsending her message at halatang inantay niya lang talagang makita ni Yuki 'yon bago niya naisipang alisin. A lot of our classmates already saw her message and I can already predict Bea and Yuki's war for tomorrow. "Hey, gaga ka. Buti hindi nakita ni Sir Tyson yung message mo," Astrid said while trying her best not to chuckle. Alam kong alam ni Bea na mali yung ginawa niya and Astrid is trying to deliver that thought to her pero nakakatawa naman kasi talaga. "Bahala s'ya sa buhay niya. Like yuck, hindi na siya nahiya," Bea answered and stung her tounge out, dahilan para tuluyan kaming matawa ni Astrid. Hindi na nag-chat ulit si Yuki do'n maging si Sir Tyson. Yuki probably got embarrassed because of what Bea said kaya hindi na siya nag-message ulit. I smirked with that thought. I closed the chat bar sa conversation na yon at binuksan ang groupchat naming tatlo. Bumungad ulit sa akin ang link ng profile ng f*******: Account ni sir Ty and before I could realize what I've done, napindot ko na agad 'yon. I saw his profile picture which is a picture of him wearing his white longsleeve top along with a black slacks. Nakasuot rin siya ng glasses do'n at seryoso ang mukha niya habang diretso ang tingin sa camera. I couldn't deny the fact that he looked so hot in that picture. I clicked the photo and to my surprise, ang daming reacts no'n. Umabot pa nga ata ng thousands yung comments sa picture niya. Some of the comments that are left in that photo are more on compliments. Sabagay, simple lang ang suot niya do'n pero ang lakas ng dating no'n sa makakakita. His cover photo is a picture of a beach. Hindi ko mahulaan kung saang lugar 'yon kaya in-exit ko rin 'yon kaagad. Ang bio na nakalagay sa profile niya ay simple lang din. Ty-Psychology Professor 'Yun lang ang nakalagay do'n. Wala nang kahit na ano. Maging emoji or other what-knot ay wala na talaga. Ngayon pa lang, I can clearly say that he's more of a minimalistic guy. I continued scrolling his profile feed at wala na rin akong makitang masyadong posts galing sa kan'ya. Siguro naka-private yung account niya kaya kapag friend mo lang siya ay t'yaka mo makikita yung mga posts n'ya. I saw at his friends' section na may ilan na akong classmates na friends na siya sa f*******:, even Bea. Sa kakapalan ng mukha ni Bea ay obvious na siya pa ang nag-add mismo sa prof namin. Napatitig ako sa 'add friend' button sa gilid ng pangalan niya nang ilang minuto pero hindi ko 'yon pinindot. Baka mamaya isipin pa n'yang stalker ako, like hello? Si Carina Steele mag f-first move? Asa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD