Dinner Kanina na pa ako nakarating sa floor kung saan located ang unit ni Tyson. Nakatayo lang ako sa labas ng malaking pintuan ng unit nya at kanina pa rin binabalak mag door bell pero hindi natutuloy. What is wrong with me? Ang lakas ng loob ko na pumunta rito tapos ngayong nandito na ako, maduduwag ako? This isn't me at all! "Are you coming or not?" napaigtad ako sa gulat nang marinig ang nagsalitang yon. Napalingon lingon ako sa paligid para tignan kung sino ang nagsalita pero wala ni isang tao roon maliban sa 'kin. Kusang bumukas ang pintuan sa harapan ko at iniluwa no'n ang nakasalamin na si Tyson. Ilang beses pa akong napakurap kurap habang nakatitig sa kaniya bago napagtanto na siya na nga talaga yon. "I'm the one who spoke." he said and paused. Nagintay siya ng ilang seg

