Chapter 2

1670 Words
"APOLOGIZE TO HER" Hanggang ngayon, paulit ulit pa ding nagrereplay sa utak ko ang huling sinabi sa akin ni Landon. I looked at my swollen arms at hinaplos ito gamit ang body wash. Andito ako ngayon sa loob ng bathroom nakalublub sa bathtub. Because of one stupid yet challenging Dare my life gone complicated. I take a deep long breath. I can survive on it. I know I can. I am strong. Yan ang pinanghahawakan ko ngayon. Na matapang ako. Pagkaraan ng ilang minuto, unti-unti akong umahon mula sa tub at nagtapis ng towel. Lumabas sa bathroom at tumuloy sa kwarto. Tinuyo ko ang buong katawan ko at naglagay ng lotion all over. Sinuot ko ang pantulog ko na white cotton short shorts and white spaghetti top. Nilugay ko ang mahaba kong buhok na binuhol ko kanina bago sumalang sa tub. Inayos ko ang kama ko at humiga. Ang daming nangyari ngayon araw na ito. I kissed the most popular guy in school, I received different kinds of threats and deadly curses. Alam kong darating ang araw na dadami pa silang huhusga sa akin. Handa na ako. Kinuha ko ang phone ko sa bedside table ko at binuksan ito. As usual, nagdadagsaan na naman ang mga messages, tweets, at posts na nakatag sa akin. I heaved a sighed and turned off my phone. "ALLYSON! Open your goddamn door. You spoiled brat."napapitlag ako sa biglaang kalampag ng pinto ng room ko. It's my Dad. I swallowed hard and looked at the door. "Fred, don't hurt you daughter. Calm down." hagulhol ng mom ko mula sa labas. Nanghihina ako. Hanggang kailan ba si Mommy iiyak para sa akin. Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko nito isang malakas na sampal ang nakuha ko mula sa ama ko. Napabaling ang ulo ko, 95°. Maang akong napatingin sa kanya habang sapo ang pisngi ko. "Allyson?" dali-daling lumapit si mommy sa kinaroroonan ko habang umiiyak. Naninikip ang dibdib ko. Pero I tried so hard to hold my tears. "Are you done, Dad? Gusto ko ng matulog." walang kaemos-emosyon kong utas sa kanya. "You!" duro sa akin ng daddy ko. "Hanggang kailan ka ba titinong bata ka. You never change. You become more and more worst day by day. Hanggang yan lang ba talaga ang kaya mong gawin ang mang agaw ng boyfriend ng iba. Nakakahiya ka." galit na galit na sigaw sa akin ng Daddy ko. Sanay na ako. Anong magagawa ako ganun ang tingin nya sa akin. A relationship wrecker. PAK! Napahawak ako sa pisngi kong nasampal. Tiningnan ko sya at nakita ko ang nanlilisik na mata ng ate ko. "Malandi ka." sigaw nya sa akin at akmang susugod pero nahawakan ko ang kamay nya. Anong problema nito? Marahas ko itong binitawan. "Bakit mo ako sinampal? Ano bang problema mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang sakit kaya. Tiningnan ko sya ng masama. "Anong problema ko? Ito, ito yung problema ko." sigaw nya habang pinakita sa akin ang picture kasama ng lalaki at babaeng masayang kumakain ng ice cream. "Eh, anong masama sa picture na yan?" tanong ko. Ako at ang boyfriend nya. Sa pagkakaalala ko, wala namang ibig sabihin ang picture na yan eh. Coincidence lang yan. Nagkita kami sa mall ang alam ko boyfriend sya ng ate ko at kaya nung inaya nya akong kumain nagpaunlak ako dahil boyfriend sya ng ate ko. Friendly Meeting lang yan. "Manunulot ka." dun na tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi nya. Binigyan ko sya ng masamang tingin. "Seriously, you're accusing me being a manunulot? You're unbelievable." tinalikuran ko sya pero hinawakan nya ang buhok ko at sinabunutan ako. Tang ina. Not my hair. Kahit kapatid kita, I am going to kill you. "Ano ba, at nasasaktan ako. Bitaw." hiyaw ko habang hawak-hawak ang anit ng buhok ko para di malagas. "Kaya siguro nawalan na ng gana sa akin si Drake dahil sayo. Kaya sya nakipaghiwalay sa akin. Manunulot ka. You seduced him. Mang aagaw. Panira ng relasyon." I smirked kahit ang sakit-sakit pa din ng ulo ko. Ginamit ko ang buong lakas ko at binawi ang ulo ko mula sa hawak nya. Nagtagumpay naman ako. Sinuklay ko ito gamit ang daliri ko at tiningnan sya ng masama. "Wala akong inagaw sayo. Iniwan ka ng boyfriend mo dahil sa ugali. Ugaling kahit kailan di mapapakinabangan." sigaw ko sa kanya dahilan para humagulhol sya. At nanghihinang umupo sa sahig. "What's happening here?" umalingawngaw ang sigaw ng Ama ko sa boung kabahayan. Napatingin ako sa gawi nya ng nagtataka. Nakita ko ang galit nyang mata habang nakatingin sa akin. Anong kasalanan ko? "What have you done to your sister?" napatingin ako sa gawi ng ate ko at ganun nalang ang pagkahulog ng panga ko ng makita kong wala na syang malay. Umarte syang nahimatay. Damn hell. "I-I never did anything." inosenteng despensa ko. Kung iisipin sya pa nga ang nanampal at nanabunot sa akin eh. "You liar." Dad spatted. Nabato ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong nasampal ng ama ko. Twice in a row. Di ako makapaniwala sa nangyari. Dahil sa galit ko tumakbo ako sa room ko at magkulong. Nalaman ko kinabukasan na pinadala na ang ate ko sa Paris. After that day, my life has change. Naging cold ang dad ko sa akin. He never talked to me. Kung mag uusap man kami pinaalala nya lang sa akin na ako ang rason kung bakit umalis ang ate ko. Sinisisi nya sa akin ang lahat. "How dare you to stole you sister's boyfriend?" I am trying to defend myself pero sakit lang nang katawan ang aabutin ko. He keeps reminding me that I am just his daughter I don't have a right to talked to him. I become more and more rebellious everyday of my freaking life. I go parties, bars and get wasted , until I met Nathalie. We meet unexpectedly sa loob ng bar. She's wasted and so do I. Nagising nalamg ako isang araw that we shared in same pages of our life. We have different problem but we have the same outlook about life. Life is unfair. Then we meet Arriane. She might not be a party goer, in fact she lead us on a right way but inspite of it she has her own secret as well. She plays a sweet and loving daughter but she wants freedom. She loves playing games. Wicked games. Who would have thought that a sweet and humble girl has a lot of naughty ideas running on her mind. "Talked to you daughter, Sandra. Baka kong ano pa ang magawa ko sa kanya. Hanggang kailan sya maging sakit sa ulo." mahinahon ngunit mariing bigkas ng Ama ko. "Allyson?" napatingin ako sa nag aalalang itsura ng mommy ko. She hugged me. Pero I never hugged her back. Kinalas ko ang pagkakayakap nya at pumasok sa room ko. Tinawag nya ako pero di ko sya pinansin. Because of a wrong accusations, nabuhay ako sa panghuhusga ng ibang tao. Okay lang naman na ang ibang tao ang magsasalita against me pero ang galing mismo sa sarili mong ama ang salitang yun ang sakit isipin. I cried in silence. Ang sakit lang isipin na all this time pala yun pa din ang paniniwala ng Dad ko. Paniniwalang walang katotohanan. Tiningnan ko ang oras sa alarm clock ko na nasa bedside table ko. 12 midnight. Pinikit ko ang mata ko ngunit andun pa din ang sakit not only a slapped I get but also the words coming from my father's mouth. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagbihis ng disenteng damit. Fitted jeans and white tee shirt. Sinuot ko ang sneakers. Kinuha ang luggage ko ang hinanda ang mga damit ko. Pinasok ko lahat ng simpleng damit ko dito. Iniwan ko lahat ng credit cards ko under my fathers name. Ang iniwan ko lang ay ang sarili ko ay ang perang galing sa sarili ko. May sarili akong pera galing pagsali ko sa drag race. I joined Drag Racing without my family knowing. I looked vulnerable and girly when I am in school but very different on underground activities. Only the two girls know me very much. They're with me on every step of the way. I discovered drag racing because of Arriane. She introduced me this kind of games. Since, she doesn't know how to play fast and furious. She decided to take me that game for her. Pag nanalo ako hati-hati kaming tatlo sa premyo more or less umabot ng ilang million ang napanalunan namin. Mga lalaki ang kalaban ko and noone knows my real identity. I compete several times. It's been 3 years since I started joining Drag Racing. Dahan-dahan akong lumabas sa room ko hila-hila ang isang bagahe at isang back pack na nakasabit sa likod ko. Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang kwarto ko at sinulyapan ang room ng parents ko. Pagkababang pagkababa sa staircase, patakbo akong pumunta sa garahe. Binuksan ko ang isang maliit na room. Kinuha ko ang isang sports car. Lamborghini Gallardo. Isa ito sa mga napanalunan ko sa race. Sumakay ako dito. May secret exit ang bahay namin na hindi alam ng parents ko. Pinagawa ko ito. Mabilis akong nakaalis ng di nila napapansin. Aalis ako dito and I don't know kung makakabalik pa ba ako. Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko habang nagmamaneho. Nang naramdaman kong malayo na ako sa subdivision namin tinigil ko muna ang sasakyan sa gilid ng daan at pinakawalan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Humagulhol ako ng iyak habang inaalala ang lahat ng nangyari sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natagpuan ko nalang ang sarili kong kumuha ng isang condo unit malapit sa school ko. Malaki na ang ipon ko. Sapat na ito para matustusan ko ang sarili ko for 6 months. I am strong woman. I know I am. Pinahid ko ang lahat ng luhang tumakas sa mata ko and I drew a deep sighed and start my new journey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD