Nagising ang diwa ko sa sunod-sunod na ring ng phone ko. Nabuksan ko pala 'to kagabi bago ako matulog kaya pede na akong makontak. Tiningnan ko ang messages, galing sa bashers, sa mommy ko, Nathalie at Arriane.
Pagkatapos kong basahin ang message nila, umidlip ako ulit. Pero bago pa man ako mawalan ng ulirat tumunog na naman ang phone ko. Wala sa sarili kong sinagot ito.
"Yes?" naaantok kong sagot.
"b***h, asaan ka ba?Your mom keep calling me, tinatanong kung magkasama daw tayo. Nag aalala ang mommy mo sayo." ani Arriane mula sa kabilang linya.
"Naglayas ako." matipid kong sagot. Nailayo ko ang phone sa tenga ko ng bigla nalang syang sumigaw.
"WHAT? Ano bang nangyari? Is it Tito? Saan ka ngayon? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod nyang tanong.
"Don't inform anyone where am I right now most especially my parents okay?" sabi ko.
"Got it. So, where are you?" tanong nya.
"Ventures Star Hotels." maikli kong sagot. "If you wanna be here asked the receptionist about my room number. I'll wait for you. Bye." bago ko pa man sya makasagot nacancell ko na ang tawag.
Maya-maya pa'y nagreklamo na ang tiyan ko. Kaya napilitan akong bumangon para maghanda pero wala pa pala akong groceries. Magpapadeliver na lang ako ng breakfast. Pagkatapos mag order lumabas ako mula sa kwarto at pumuntang kusina.
Maliit lang naman ang napili kong unit.May dalawang kwarto, gamit ko last night at isang guest room. Maganda ang color combination. Infearness magaling ang architect ng unit na 'to. White ang kulay ng beddings. Wala pa masyadong gamit kaya napandesisyonan kong ngayon araw na 'to ay magshoshopping ako.
May maliit na refrigerator, oven, gas stove naman sa kusina. Binuksan ko ang mini refrigerator, walang laman. Sa sala naman at may sala set na. Kulay grey ang sofa. Siguro mas maganda pag may ibang designed. Nakakaexcite din palang magkaroon ng sariling bahay.
Habang nakaupo sa sofa ang dami na namang pumapasok sa isip ko pero winawala ko lahat ng yun. Ayaw kong mastress kakaisip sa mga nangyayari sa buhay ko.
Nagising ako mula sa pagkakaidlip dahil sa tunog ng doorbell. Dahan-dahan akong bumangon at pumunta sa pintuan.
"Delivery po para kay Ms. Saadvera." anang lalaki. Kinuha ko ang order at pumasok pabalik sa loob ng kwarto para kumuha ng pambayad. Pagkatapos bayaran nagsimula na akong kumain. Nakataas ang dalawang paa sa sofa habang nilalantakan ang chicken.
"BEEP!" napapitlag ako sa pagtunog ng bell. Napanguso ako habang inayos ang pinagkainan ko at binuksan ang nagdoorbell.
"b***h!" Sabay-sabay na yakap sa akin ng dalawa kong bestfriend. Tapos naunang pumasok sa loob. Napansin kong parang may lakad ang dalawa.
Nathalie is wear a cropped top na kita ang pusod at short shorts at sneakers, nakatali ang buhok pataas. Habang si Arriane naman ay naka off shoulder bandage dress above the knee and pumps habang nakalugay ang big curly hair.
"Saan punta nyo?" tanong ko habang nagpapatuloy sa pagkain. Napatigil akong nakatunganga lang sila sa akin. Uminom muna ako ng tea bago magsalita ulit.
"Why?" nagtatakang tanong ko pagkalapag ko ng baso. Napalingo naman sila bilang sagot. Nagpatuloy ako sa pagkain habang tahimik naman silang nakamasid sa bawat galaw ko.
Hinayaan ko nalang muna sila, pagkatapos kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan ko. At tinapon sa basurahan na nasa kusina.
Pagbalik sa sala naabutan ko aang dalawang nag aagawan sa remote.
"The Walking Dead" rinig kong sabi ni Nathalie aat nilipat ang channel sa palabas na TWD.
"Ayoko nyan, sa Warm Bodies kasi." sagot naman ng isa. Napailing ako at kinuha ang remote at nilipat sa sports channel. Drag Race.
"MANDYYYYYY" Sabay nilang sigaw. Napakamot ng ulo si Nathalie at napanguso naman si Arriane. Tahimik kaming nanonood. Walang nagsasalita sa amin.
"So, what happened?" basag ni Arriane ng katahimikan. Sabay kaming napalingon sa kanya since napagitnaan sya naming dalawa ni Nathalie. Tumingin siya sa akin ganun din si Nathalie.
Nag iwas ako ng tingin at binaling ang mata sa television bago mag salita. Ikenewento ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Pagkatapos ng storytelling ko pinagtutulakan nila ako papuntang room para maligo.
"Maligo ka na, ipagshopping ka namin ngayon. Lagyan natin ng kulay ang buong bahay mo." masayang wika ni Nathalie.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Kumuha ako ng isang fitted skinny jeans with cropped top. After 20 minutes natapos na din ako. Tinirintas ko ang mahaba kong buhok at nagsuot ng flat sandals.
"Let's go?" aya ni Nathalie ng matamaan akong lumabas na ng kwarto. Tumayo na din si Arraine pagkatapos mag retouch. Nauna silang lumabas ng unit. Sumunod ako sa kanila.
Dahan-dahan akong lumapit pagkalocked ko ng pinto. Naabutan ko silang nagtatawanan sa harap ng elevator habang nag aantay ang pagbukas nito. Napangiti ako. Seeing my two bestfriends happy, makes me happy also. Ang babaw ng kaligayan ko.
"b***h, if you need anything, don't hesitate to asked me okay?" ani ni Arriane habang nakayakap sa bewang ko. Napangiti naman ako sa kanya sabay tango. Grabe. Being with them. I shouldn't asked for more.
Dahil matagal pa ang elevator ang dami pa naming topic. Habang sa gitna ng pagtatawan biglang bumukas ang elevator. Napatigil ang ngiti ko ng magkasalubong ang mga titig namin ni Landon. Halos magwala ang sistema ko sa mga titig nya. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Natahimik din ang dalawa kong kasama.
Tahimik kaming pumasok sa loob kasama sya. Siguro galing sya sa labas. Apat lang kami sa loob at wala ni isang naglakas loob magsalita. Nagsisikuhan ang dalawa kong kasama habang ako naman ay nanginginig. Di ko alam pero ang lakas ng apekto sakin ng lalaking ito.
Pagkababa ng elevator naunang lumabas si Nathalie at Arriane. Nagpahuli naman sya sa paglabas. Aalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko. Naramdaman ko na naman ang kakaibang kuryenteng dumadaloy sa kalamnan ko. I gulped.
Tiningnan ko sya habang nakataas ang kilay. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. Pero nakatitig lang sya. Hinawi ko ang braso ko habang tiningnan sina Arriane sa labas. Nakita ko ang nag aalala nilang mga mata.
"May utang ka pa sa akin." mariin nyang sabi sa kin habang madiing hinawakan ang braso ko. Napaigik ako ng maramdaman ko ang sakit nito. Bumalik na naman ang pamamaga nito. Dahil maliwanag ang paligid halata ang kulay ube nito.
Napatingin siya sa hawak nyang braso ko at ganun nalang ang pagkabahala nya ng mapansin ang kulay nito. Pero di pa din sya nagsalita. Sa halip nilagpasan nya lang ako. Pero bago pa tuluyang makalabas.
"Welcome to my territory, Ms. Queen B. I made sure you'll f*****g pay for what you have done."
Natulala akong lumabas at patakbo akong sinalubong ng dalawang bestfriend ko. I smiled as if nothing's happen.
Iisang kotse kang ang ginamit namin. Ang BMW ni Nathalie. Nasa likod ako, ang dami nilang kwento pero ang utak ko naglalakbay. Sa buong buhay ko ngayon lang ako napasok sa ganito ka lalang sitwasyon. Dati isang araw lang malagpasan ko agad pero ito pakiramdam ko paghabang buhay kong maging utang ang paghihiwalay ng mag syota dahil sa kalokohan namin.
Pagpasok palang namin sa mall, ramdam ko na agad ang matalim na titig ng mga tao sa paligid. Iba't ibang komento. May good comments at syempre may bad comments din.
"Sya yung nag trend di ba?"
"Yung malanding nanghahalik."
"Sayang maganda pa naman. Malandi lang"
Imbis na patulan hinayaan ko nalang sila. Wala akong mapapala kong pansinin ko pa sila. Deadma lang. Ganun din ang ginawa mg dalawa. Alam ko any moment sasabog na talaga yang dalawa pero pinigilan lang nila.
Pagkarating namin, mabilis akong hinila ng dalawa papunta sa gamit pangbahay. Silang dalawa ang namimili ng designs pati color. Bumili sila ng curtains, abstract paintings, new beddings aat kung ano-ano pa.
Pagkatapos ng gamit sa supermarket kami tumuloy para sa groceries and budget ko for this week. Kung ano-ano ang pinagkukuha nila. Napailing nalang ako.
"Nakakapagod pala magshopping ng para sa bahay." reklamo ni Nathalie.
"Magshashopping ka pa?" nang aasar na tanong naman ni Arriane.
"Of course." sagot naman ng isa.
"What do you want?" tanong ko sa kanila.
"Ice Cream!" sabay nilang sigaw dahilan para makuha ang attention ng halos lahat ng tao. Nag peace sign sila at dahang dahan tumalikod pasunod sa akin.
Pumasok kami sa isang Ice Cream parlor at nag order. Tatlong banana split and inorder namin. We never think about our figure when it come on eating Ice cream. Who cares about the figure. Your size doesn't define you.
Pagkaubos ng kumain. Naglibot libot muna kami. Minsan lang kami makapagbonding ng ganito.
"I have a confession to make." biglang utas ni Arriane. Kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. "Daddy planned to sends me to Australia. Doon ko na daw ipagpatuloy ang pag aaral ko." naiiyak nyang sabi. Biglang gumuho ang mundo ko pero pinilit kong maging masaya para sa kanya.
"Sorry, b***h. I wanna be a good daughter to my Dad." napatango ako bilang pag sang-ayon. I hugged her.
"It's okay, kung nag aalala ka sa akin, I'll be fine. I am strong." I assured her and tapped her back. Narinig ko naman ang marahang hikbi ni Nathalie sa likod ko kaya kumalas ako ng pagkakayakap kay Arriane at bumaling sa kanya.
"Are you okay?" tanong ko. Tumungo sya at pinahid ang luha nya. We may be bunch of bitches but we are human too. We cry and get hurts.
"I think, I'm gonna leave you too." sabi nya. Napakunot ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin?
"What do you mean?" tanong ko.
"Dad, wants me to leave Philippines kasama si mommy. Mand, mommy has a cancer and she needs therapy abroad. Dahil di maiwan ni Dad ang bansa, he asked me to do it. I may be a spoiled brat but I love my mommy. I want to take care of her. She's the only person who's there for me. Mand, I'm sorry." doon na tuluyang tumulo ang luha ko.
"It's okay. I know you're doing it for your family. I understand." naiiyak kong pahayag. Hindi ko matanggap na ako ang magiging dahilan para mawasak ang pamilya nila kaya hahayaan ko sila. Kaya ko naman eh. Kakayanin ko.